[BTS Fanfiction] -Completed-
Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hin...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-Hilary-
Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil biglaang pag ihip ng malakas na hangin. Mukhang nasa panganib na naman kami.
Lalong lumakas ang hangin at nagpaikot-ikot itong sinasakyan naming bula. Bumabaliktad na ang sikmura ko dahil sa patuloy na pag ikot kaya napakapit ako kay Zack. Mahigpit naman nya akong niyakap.
"A-ang lakas nga talaga ng sandstorm dito sa Nuxvar. Mas malakas pa kaysa sa inaasahan ko. " Wika ni Zack na mahigpit pa rin ang yakap sa'akin na tila ba pinoprotektahan ako.
Bigla na lang kaming nakakita ng mga kakaibang mga bagay sa malakas na pag ihip ng hangin. May mga piraso ng metal at ilan pang mga kasangkapan na ginagamit sa kanilang mundo.
May biglang bumangga sa bula na sinasakyan namin kaya lalong umalog ito at tuluyan na akong napapikit.
Sa muli kong pagdilat ay mas mapayapa na ang pag lipad nitong bula ngunit wala pa rin akong makitang mga puno sa paligid. Napakaliwanag din ng sikat ng araw na kahit konting galaw lang ay pag papawisan ka na. Saka ko lang naalala na nasa desyerto nga pala kami. Pinagmasdan ko ang paligid at napansin ang mga bahay na gawa sa buhangin.
"Zack, may mga bahay dun oh. " Turo ko doon sa bahay na gawa sa buhangin.
"Sige, puntahan na muna natin. "
Dahan-dahang bumaba ang sinasakyan naming bula at inayos ito ni Zack pagkababa namin. May inabot din sya sakin na isang mahabang cloak na kulay tsokolate na kaagad kong ipinatong sa suot kong white dress.
Naglakad kami papunta sa mga bahay na nakita ko kanina at habang papalapit ay may nakita kaming mga batang nag lalaro at rinig na rinig ang ingay mula sa mga nag aaway. Nararamdaman ko naman ang matatalim na tingin ng mga nandito. Siguro natunugan na nilang hindi talaga kami taga rito.
Nagulat naman ako sa biglang pag akbay sa'kin ni Zack. "Hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko dahil baka pag diskitahan ka ng mga nakapaligid sa'tin. Nararamdaman na rin siguro nilang hindi tayo taga rito kaya ganyan sila kung makatingin. "
Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy sa pag lalakad. Habang narito ay Kitang-kita namin kung gaano kahirap ang buhay na mayroon sila. Napakalayo sa marangyang buhay na nasilayan ko sa Snowbush.
May pamilihan sila rito pero napakakaunti ang mga paninda. Malawak na lugar ang Nuxvar pero nasa gitna sila ng disyerto kaya hindi rin nila magawang makapagtanim. Isama pa ang palagiang pag kakaroon ng sandstorm na halos tangayin na ang lahat ng madaanan nito.
May mga nakakasalubong kaming mga malalaki ang katawan at maraming tatto. Ang ilan naman ay may marka ng posas sa kanilang braso at halatang mula sa bilangguan. Napaisip ako bigla. Galing din kaya sila sa bilangguan kung saan ako galing?
Karamihan sa kanila at napakaraming mga peklat sa katawan na halatang galing sa torture. Hindi ko maiwasang isipin ang sakit na naidulot nito sa kanila.