Chapter 24❤Hospital

364 15 4
                                    

Angelo Bautista

Kakahatid ko lang kay Pangit at naisipan ko muna na magpunta sa Bar namin ea kasi naman nakakatamad ilang araw na rin akong hindi nakakainomng alak.

Pero what if kapag nalaman ni Pangit nanag iinom ako?Baka mamaya magalit pa yun sa akin aish ikaw pangit ka talaga pati buhay ko pinapakialaman mo na.Ano pa bang magagawa ko?Uuwi nalang ako sa bahay namin.

Nagmamaneho ako ng biglang may tumatawag sa akin takte naman ea nagmamaneho ako baka mamaya madisgrasiya pa ako nito.Nasa ilalim pa ang CP ko at ng makita ko si Pangit ang sumagot kaya kaagad kong kinuha yun para sagutin ng biglang............

0__________0

Boooooooooghhzzzzz

All went black.

Angelica Santos

Bakit ayaw sagutin ni Angelo ang tawag ko?Ano na kayang nangyari doon?Tinatawagan ko kasi siya pero di naman siya sumasagot ea.Uminom muna ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.

Ng biglang mahulog sa kamay ko.Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan bakit kaya?May nangyari bang masama?Sabi kasi nila kapag may nabasag na bagay mula sayo may nangyayari daw na masama hala natatakot na ako.

Si tita?Si tito?Si Paula?Baka may nangyari sa kanilang masama.Natatakot ako pero mas kinakabahan ako kay Angelo kasi di siya sumasagot.

Maya maya pa may biglang nag ring sa phone ko at thanks God si Angelo.Atleast kumalma na rin ako.

Hello?

Hello kilala niyo po ba si Angelo Bautista?Hala bakit iba ang sumagot?Bakit hindi si Angelo?Nasaan ang mahal ko?

O-opo bakit po?Natatakot na talaga ako ano bang nangyari?

Kritikal po ang lagay ni Mr.Bautista natagpuan po namin siya sa loob ng kotse niya na puno ng dugo kaya kaagad na ipinadala sa hospital.Ayon po sa obserbasiyon si Mr.Bautista ay nabangga.

Hindi ko alam pero nahulog ko na ang cellphone ko sa sahig saka sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.Kinuha ko ulit ang CP ko dahil may nag text at galing sa CP ni Angelontinext kung saan siya ngayon nakahospital.

Kaagad akong tumakbo palabas ng bahay namin saka isinara tumakbo ako para makahanap ng trycicle.At ng makahanap ako kaagad akong sumakay at sinabi kay amnong kung saang hospital.Malapit lang naman siya dito pero natataranta na talaga ako ea.

Hospital

Pagkababa ko sa trycicle binigay ko kaagad ang bayad saka nagtatakbo sa loob.Tinanong ko kung nasaan si Angelo pero ang sabi ng Nurse nasa Emergency Room pa daw sa taas kaya kaagad akong umakyat sa taas.

At mula doon nakita ko ang pinto ng Emergency Room.Naupo muna ako habang hinhintay si Angelo, tuloy parin ako sa pag iyak natatakot ako ea.Di ko alam pero natatakot akong iwan niya ako.

Angelo please huwag mo akong iwan diba liligawan mo pa ako?Diba sasagutin pa kita?Diba magsasama pa tayo ng matagal?Please Angelo natatakot ako hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin.

Mahal na kita Angelo.Mahal na mahal na kita.Sana naman magpakatatag ka pa para sa akin.Sana huwag mo akong iwan ng nag iisa.Mahal kita Angelo mahal na mahal kita.Ikaw lang ang unang tao na minahal ko ng ganito,ikaw lang.

Tuloy parin ako sa pag iyak hanggang sa nakita ko na lumabas na ang doktor na galing sa loob ng Emergency Room kaya kaagad ko siyang pinuntahan.

Ah Dok kamusta na po si Angelo?

Ano po kayo ng pasyente?

G-girlfriend po.Kahit alam kong nagsisinungaling ako wala ako sa oras para makipagbiruan.

Kritikal po ang lagay ng pasyente.At nagkaroon po ng damage sa utak niya,may nakita rin po kami na malaki ang posibilidad na magkaroon po siya ng comatose at amnesia.Ibig sabihin po ay hindi kaagad magigising ang pasyente at kapag nagtuloy tuloy po iyon maaari po siyang mabawian ng buhay at kung sakaling siya ay magising na po malaki rin ang posibilidad na mawala lahat ng alaala niya noon.Hindi ko po masasabi kung hanggang kailan magtatagal iyon.Excuse me for a while.

Hindi ko ito kaya.Bakit si Angelo pa?Bakit si Angelo pa ang taong mahal ko na.Handa na ako ea,handa ko na siyang sagutin pero bakit ganito?Bakit mangyayari ito sa buhay ko?Ang sakit sakit dito sa puso sobrang napakabigat.Hindi ko kayang makita si Angelo na hindi gumagalaw ea.

Angelo......huwag mo munang akong iwan hindi ako handa.Mas lalo pa akong naiyak hanggang sa naisipan ko na tawagan si Paula at kaagad niya yng sinagot tapos sinabi ko nga sa kanya na nandito ako sa hospital at di na siya nagtanong bagkus umalis nasiya kaagad.

Ang sakit sakit,ngayon palang ako nakaranas ng ganito kasakit ea.Nakita ko may nilalabas na sila sa Emergency Room at hindi ako nagkamali si Angelo.Si Angelo na natutulog,si Angelo na hindi gising,si Angelo na mahal ko.

Angelo........Nakita ko na ipinasok na siya sa loob ng room 123 at sinabi na rin ng nurse na pwede na ako pumasok kaya kaagad akong pumasok doon.

At mula doon nakita ko si Angelo na nakahiga.Si Angelo na mahina,Si Angelo na maraming sugat at pasa.Tuloy tuloy ang agos ng luha ko.Hanggang sa makalapit ako sa bedside niya may upuan doon kaya naupo ako at hinawakan ang kamay niya may oxygen pa siya at may nakabalot pa na makapal sa leeg niya.

Angelo......huwag mo akong iwan hah?Alam ko wala akong karapatan na sabihin sayo ito kasi di pa tayo.Pero mahal na kasi kita ea.Kaya nga kita tinawagan kasi balak kong sabihin sayo na sasagutin na kita.Na mahal na kita kaso........malalaman ko nandito ka na.Sorry ah please forgive me alam ko kasalanan ko pero nagsisisi ako.Ito na ba ang unang pagsubok sa atin?Malalampasan ko ba ito?Ikaw?Angelo lumaban ka para sa akin.Sabi mo mahal mo ako,sabi mo magsasama tayo ng matagal.Angelo natatakot ako,ayokong mawala ka sa akin.Angelo.......huwag kang mag alala nandito lang ako babantayan kita araw araw.Basta ipangako mo sa akin babalikan mo ako hah?Na magsasama pa tayo ng matagal.I love You Angelo,I love you.

Iyak na ako ng iyak dito kiniss ko si Angelo sa noo niya habang patuloy parin ako sa pag iyak ko.Hindi ko kakayanin kapag iniwan niya ako ayoko pa.

Paula Sanchez

Nagmamadali akong umalis ng bahay dahil nga sa nalaman ko kay BFF pero paano kaya nangyari yun?Nakakaawa naman si BFF malamang umiiyak na naman yan.

Kilala ko na siya matagal ko na rin kasi siyang nakasama.Kaya pupuntahan ko siya roon para damayan ko siya makikinig ako sa lahat ng sasabihin niya.Tutulungan ko siya ngayon sa paghihirap niya alam ko kailangan niya ako.

Bakit ba kasi lagi nalang nasasaktan si BFF?Kagi nalang siya?Naaawa lang ako sa kayan ni wala man lang akong magawa para matulungan ko siya.

Nagmaneho nalang ako papunta sa hospital kung saan niya sinabi medyo may kalayuan nga lang sa amin pero ok lang nakakotse naman na ako.

Itutuloy...........

Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon