Chapter 79❤Ang Pagbabalik

331 17 0
                                    

Angelo Bautista

Hinabol ko si Jullie kung saan siya nagpunta dahil puno ng galit ang nangingibaw ngayon sa buo kong pagkatao.

Jullie!!!Nakita ko siyang nakaupo at umiiyak.Pero napatingin din siya sa akin at lalapitan sana ako pero umiwas ako sa kanya.

Angelo patawarin mo ako.Hindi ko naman ginusto yun.Masiyado lang kitang minahal.Umiiyak siya ngayon sa harapan ko pero wala akong pake.

Simula ngayon magandang layuan mo na ako dahil kung hindi masasaktan lang kita.Nagtitimpi lang ako ayoko siyang saktan mas lalo na't babae siya.Kaya magandang umalis nalang ako.

Hindi ko alam pero napangiti ako dahil pwedeng maging kami ulit ni Angel.Ang babaeng mahal ko pero.......ang kanina pa sumasagi sa isip ko kung ano niya yung batang kinuha niya sa akin.

May asawa na ba siya na hindi ko manlang alam at nagkaroon na sila ng anak?Sana naman huwag dahil hindi ko makakaya ang mawalay pa ng minsan kay Angelica mas lalo na ngayon na may chance ng maging kami ulit.

Iniwanan ko nalang si Jullie.Bahala na siya sa buhay niyang ayusin yun tutal siya naman ang gumawa ng ikasisira ng buhay niya at ng anak
niya.

Angelica Santos

Umuwi na kami pagkatapos ang naganap na pagpapahiya kay Jullie kanina sa party.Naawa parin ako sa kanya kahit papaano pero.....kasalanan niya rin naman yun.

Kaagad naman akong nagmano kina tita at tito then umakyat sa taas para sana tignansi Baby Carlo at makarga ko man lang sana pero tulog ea.Ayoko siyang guluhin sa mahimbing niyang tulog.

Kapag tinitignan ko ng mabuti si Baby Carlo nakikita ko sa kanya si Angelo kamukha niya kasi yung ama niya ea.For sure kamukha niya ang ama niya lalo kaoag lumaki na siya.

Ma'am may naghahanap po sa inyo.Sabi sa akin ng isa naming katulong.

Hinimas ko muna ang anak ko bago ako bumaba.Sino naman kaya ang maghahanap sa akin?

Pagkababa ko lumabas na ako ng bahay namin saka na binuksan kung sino man yung naghahanap sa akin.

Angelo?Gulat kong sabi sa pangalan niya.Paano naman siya nakarating dito ea di naman niya alam ang bahay namin?

Angel sana mapagbigyan mo ako ng pagkakataon para mag-usap tayo.Sabi niya sa akin.Sino ba naman ako aara tanggihan ko siya?

Pumunta lang muna kami sa likod ng bahay namin dahil dito ako madalas nakaupo kapag nagpapapresko malawak ang bahay ko.

Sana........mapatawad mo parin ako sa lahat ng nagawa ko sayo.Angel alam mo naman na hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko sana bigyan mo man lang ako ng chance ulit.Hindi ko alam pero maging emosyonal na naman ako ngayon nangingilid na naman ang mga luha sa aking mata.

Sti hindi ako nagsasalita.Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa lahat ng mga ginawa ko sa kanyang paglilihim.Magalit kaya siya kung sakaling malaman niya na may anak na siya sa akin?Panagutan niya kaya ako?Yung anak ko?

Hindi ko alam pero pinahid ko yung luha ko sa aking mga mata dahil ayokong makita niya yun pero dahil sa ginawa kong iyon mas lalo pang lumakas ang iyak ko ng sunod sunod.

Pupunasan ko nalang sana pero hinawakan niya yung kamay ko."Ilabas mo lang....huwag mong punasan dahil mas lalo lang yang dadami".

Dahil sa sinabi niya tuluyan na nga akong naiyak sa harapan niya.Miss na miss ko yung mga kamay niya,yung yakap niya,yung pag-aalaga niya sa akin noon,yung time na masaya pa kami lahat ng yun naaalala ko ngayon.

Angelo....Hindi ko na napigilan pa kaya niyakap ko na siya ng mahigpit."Patawarin mo ako sa lahat.Patawarin mo.......*sob*ako kung itinago ko.....sayo ang l-lahat.Humihikbi na ako sa ngayon sa kakaiyak ko.

Ssshhhh....tama na.Angelica andito na ako..Hinding hindi na kita ulit kayang iwan..Hindi na.

Mas lalo na akong naiyak sa mga sinasabi niya sa akin.Mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon at walang nagbago doon dahil mas lalo ko siyang minahal.

Halika pumasok tayo sa loob.Ngumiti lang siya saka na siya sumunod sa akin habang hawak ko parin ang kamay niya.

Pumunta kami sa taas kung nasaan si Baby Carlo.Panahon na para malaman niya ang totoo,ang totoo na may anak na siya sa akin.

Pumunta kami sa loob ng kwarto ni Baby Carlo then binuksan ko yung ilaw ay halata naman sa mukha niya ang pagkagulat niya.Hindi niya alam kung paano?Saan?Bakit?Ano?Yun ang nakikita ko sa mga mata niya.


Angelo.......Umiiyak parin ako sa harapan niya.Takang taka na siya sa kilos na ipinapakita ko.


Angelo......patawarin mo ako.....kung itinago ko sayo ito...Angelo.....ma-may anak ka!Halata ang gulat sa kanya pero para bang sa side masaya siya.


1 year ago!Bago pa kayo umalis.Nalaman ko....na buntis ako at ikaw yung ama nun....natakot ako*sob*natakot a-ako b-baka kasi hindi k-ko kaya.Pero dahil sa anak natin naging matatag ako.....kahit hirap na hirap na ako....Inisip ko nun sagabal siya sa pangarap ko pero mali ako dahil siya pa ang magbibigay ng dahilan para magpatuloy pa ako.


Angelo.....anak mo siya.S-si Prince Carlo Santos ang anak mo na matagal kong nilihim sayo.Patawad!!!Hindi ko alam pero niyakap niya ako saka ko naramdaman ang luha mula sa kanya mga mata.


Angelica wala kang kasalanan.Atlis ngayon sinabi mo na sa akin at hindi ako nagsisisi na magkaanak tayo.Handa ko yung panagutan dahil mahal kita hindi lang kita mahal mahal na mahal na mahal na ma---


Nilagay ko yung finger ko sa bibig niya."Sapat na sa akin ang marinig kong mahal mo ako pati ng anak mo".


Hinalikan niya ako sa noon at nagpunta sa higaan ni Baby Carlo.Hinawakan niya si Baby Carlo.Ang sarap lang tignan na isang ganap na ama na si Angelo at alam niya na yun.


Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang kaligayahan ko kasama ang mag-ama ko.Ang buong akala ko noon lahat tayo hindi nagkakaroon ng HAPPY ENDING.Pero may ganoon parin pala sa buhay natin.


Ang buong akala ko sa mga pelikula ang mga iyon.Wala naman na akong gusto lang hilingin kundi ang kaligayaha namin ng anak ko at si Angelo at maging matatag parin sana kami sa lahat ng pagsubok.


Hindi ko naman inakala na kahit sa huli sa akin parin pala mapupunta si Angelo.Totoo nga naniniwala ako na talagang mapaglaro ang TADHANA.Dahil kung kailang kaya mo ng IPAGLABAN ang taong mahal mo saka pa hindi sumang-ayon sayo ang TADHANA at kung kailan naman sukong suko ka na at para bang walang wala ka na.Doon pa nahbibigay ng tiyansa na maging kayo ulit.


At yun ang napatunayan ko ngayon.Na dapat maging matatag talaga tayo sa laaht ng pagsubok dahil kung susuko nalang tayo basta.Paano natin magagawang maging masaya?Paano tayo magkakaroon ng tinatawag nilang FOREVER kung hindi mo siya ipaglalaban.


Basta masaya na ako ngayon sa kung anong mayroon ako at hindi ko na babaguhin yun.Dahil wala akong dapat baguhin doon.


A/N:Ayieeehhhh grabe ang hirap nung sa middle storty na ito.Naiyak ako huhuhu:'(Pero after ba nilang malaman ang totoo sila parin kaya ang magkatuluyan sa huli?Does still Angelica get her FOREVER and HAPPY ENDING to Angelo?Do you want to know it?Subaybayan.......:)

Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon