Chapter 50❤Happy Together

268 11 1
                                    

Paula Sanchez

Andito ako ngayon sa bahay namin dahil walang pasok ewan ko yun ang sabi ng Principal namin kaya ito na naman ang boring kong buhay.

Kinontact ko nga si Angelica para sana ipasundo ko siya sa driver namin na papuntahin siya dito ang kaso sinabi niya sa akin na kasama niya si Angelo magsasaya muna daw sila.

Aba nagmayabang pa ata sa akin siya hehe joke lang yun noh.Napaisip ako bigla.Ako kaya kailan kaya ako magkakaroon ng lovelife hay alam ko kasi masasaktan ako tulad nalang ni Angel pero tignan niyo sila ngayon masaya na sila ulit kasi nagbalikan na ata sila.

Diba masarap kayang magmahal lalo na kung alam mong mahal na mahal ka rin pala ng taong gusto mo.Alam ko naman lahat tayo darating din sa punto na iyon kaya maghintay nalang tayo sa mga single diyan,kasi naman diba di naman porket single na tayo ea walang may gusto sa atin o wala tayong matipuan.

Sadyang matapang lang tayo para hintayin natin ang ating destiny kung baga hinihintay lang natin sila sa pagdating nila sa buhay natin kaya single parin tayo.Sino nga bang single diyan?

Angelica Santos

Ang sarap ng simoy ng hangin dito.Tanging alon lang ng dagat at ingay ng hangin ang aking naririnig.Sarap dito makitira dahil sariwa ang hangin at super ganda ng dagat.

Andito kami ngayon ni Angelo sa resort nila na private.Dito sa Pangasinan hindi ko na sasabihin kung saan sasakto ang lugar niya basta Pangasinan ito.Ito ang unang beses akong nakapunta dito at hindi ko alam na isa ito sa pinakamagandang lugar na napuntahan ko.

Ang lalim ng iniisip mo diyan wifey.Kyaaahhhh pag ganyan talaga si Angelo sa akin hindi ko maiwasan ang sarili ko na magwala sa loob kasi wifey na ulit tawag niya sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya saka ko siya nginitian,nakaupo palakami dito sa buhangin tapos malapit sa dagat yun kaya nababasa ang paa namin ni Angelo.

I love You Hubby you never fail to make me happy.Hindi naman kasi talaga maalis ang ngiti sa aking mga labi.

I Love You Too Wifey kahit pa magkahiwalay man tayo isipin mo lang na ikaw parin ang nag iisang mamahalin ko dito sa isip at puso ko.Lalo sumibol ang pagwawala sa loob ko dahil kinikilig ako pero bigla akong nalungkot haha lungkot effect lang yan tignan ko lang kung anong reaksiyon ng hubby ko.

Oh bakit ka naman naging malungkot ngumiti ka na nga pumapangit ka kapag nakapout ka.

Kasi naman hubby...nagawa mo na kaya akong makalimutan dati tapos pinagtatabuyan mo na rin ako noon pero pasalamat ka naging matatag ako noon para sayo.

Naaalala niyo pa ba nung time na maaksidente siya at nacomatose siya saka nawala lahat ng memories niya grabe kaya ang pagsasakripisiyo ko doon at sakit na naramdaman ko noon.

Nag iisip na rin siya ng malalim then tumingin siya ulit sa akin ng may ngiti sa kanyang mga labi.

Sorry Angel.Pinaalala mo na naman sa akin yun kaya tuloy bigla rin akong nalungkot alam ko naman kasi kung gaano kita nasaktan nung panahon na iyon pero nagbago na ako para lang sayo.

Kyaahhhhh shemay naman oh.Niyakap lang naman niya ako pero hanggang langit akong kinikilig ito na nga siguro ang sinasabi nilang Love.

Masaya ako dahil kasama ko ngayon si Angelo.Para bang mag asawa lang kami kasi yung pagsasama namin para bang more than boyfriend and girlfriend ea.Basta susulitin ko itong araw na ito na kasama ko siya.

Dinukot ko muna ang cellphone ko saka ako nagheadset hehe para naman feel na feel ko itong ginagawa ko sarap pa ng hangin kaya.

Naghanap ako ng tugtog yung bang love song mahilig kasi ako sa love song ea.Hanap,hanap,hanap and ayun.Haha nakakita din ako ng gusto ko.Ito talaga ang mga bagay sa nga couple na katulad namin ni Angelo.Ito ah guyzzz sasabay ako sa kanta may golden voice naman ako ea.

Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon