Chapter 76❤Let's get married!!!

246 17 2
                                    

Angelo Bautista

Hanggang ngayon nakatalikod parin siya sa akin at umiiyak.Si Angelica ang tinutukoy ko.Kinausap ko siya ng masinsinan dahil sinabi ko na sa kanya na mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon.


Angelo hindi tayo pwede sa isa't-isa may *sob* anak ka na.Sana man lang maging masaya ka na.Dahil masaya na rin ako sa kung anong tinatamasa ko ngayon sa buhay ko.



Yinakap ko siya,yinakap ko siya ng mahigpit.Dahil ayokong kumawala siya pero ang buong akala ko kakalas siya sa aking mga yakap bagkus niyakap niya rin ako ng napakahigpit kaya mas lalo na siyang naiyak.


Angelo*sob*  patawarin mo ako.Patawad!!!Saka na siya umalis papalayo na sa akin.



Bakit?Bakit niya ginagawa sa akin ito?Hanggang ngayon mahal ko parin naman siya,pero tanggapin ko nalang siguro talaga na hindi na nga pwedeng maging kami pa ulit.



Magandang bigyan ko muna siya ng panahon.Umuwi nalang muna ako pauwi sa bahay namin tutal labasan naman na.


Bahay

Daddy!Salubong kaagad sa akin ng anak kong si Sharmaine.Ang totoo niyan hindi ako masiyadong dikit sa anak ko.Ewan ko ba basta ayoko lang.


Angelo mag-usap tayo.Sabi naman kaagad aa akin ni Jullie pagkapasok na pagkapasok  ko sa kwarto ko.



Kwarto ko lang ito.Hindi kami nagsasama sa iaang kwarto dahil ayoko.Ano siya sineswerte?Ea hindi naman kami kasal bilang ama lang ang ginagampanan ko sa anak niya at hanggang doon nalang yun.


Wala akong balak kausapin ka pagod a---


Let's get married!!!Anong sabi niya?Alam noya ba kung anong pinagsasabi niya?


Baliw ka ba?At sa tingin mo naman papakasalan kita ha??Kung gusto mo pakasalan mo mag-isa ang sarili mo!


Angelo pakasalan mo na ako!Ganito nalang ba tayo lagi?Paano naman si Sharmaine?Siya ang magiging kawawa kapag nagkataon.


Wala na akong pake Jullie!!!Alam mo naman na hindi kita mahal kaya huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa akin dahil parehas lang tayong hindi magiging masaya.


Itinuro ko na ang pinto dahilan para lumabas.na siya.Kahit kailan hinding hindi ko gagawin ang bagay na yun sa kanya dahil hindi siya ang mahal ko kahit kailan.


Paula Sanchez

Nag-grocery na ako kanina pa dahil wala na rin kasi akong mga makakain.Ubos na rin yung mga ulam sa ref ko kaya naman ako na mismo ang bumili.


Paula?Napatingin naman ako sa tumawag sa akin at si Mark lang pala.


Oh Mark andito ka rin pala?Ngiti kong tanong sa kanya.


Tapos ka na ba diyan?Tanong niya sa akin kasi naman nandito na ako sa kotse ko nilagay ko nalang yung isang plastik sa likod ng kotse ko.



Oo naman bakit?Tanong ko ulit sa kanya.Ano ba naman ito?Parang seryoso kaya siya.


Pwede ba tayong mag-usap?Bakit hindi?Ano naman kaya yun?


Coffee Shop

Ano kamo?


Huwag ka ngang maingay!!!Ahehe nabawalan tuloy ako ni Mark.


Pero paano?Ang buong akala ko si Angelo ang ama ng bata pero paano?Ipaliwanag mo nga sa akin ng buo huwag mo akong binibitin!!


Ganito ang nangyari.Last year ago pa nun.I saw her in a bar.Nag-iinom at mukhang may problema then I ask her kung ano bang problema niya and nagulat ako dahil si Jullie pala ang kausap ko that time.Lasing na lasing na siya nun kaya mabilis ko lang siyang inuwi sa condo niya but then suddenly may nangyari samin dahil sa kalasingan namin.....


Nabibigla nalang ako sa mga sinasabi niya.So anong ibig sabihin nun?Siya ba ang ama?Sana nga para naman magkabalikan na si Best ko saka si Angelo.Alam ko naman kasi na miss na miss na ni Angel si Angelo pero siya ang nagsasakripisiyo para lang lubayan niya si Angelo.


Nung una nanahimik lang ako sa nalaman ko dahil wala akong sapat na ebidensiya nun pero ngayon nagkaroon na ako lahat lahat.Ito USB yan nakalagay diyan ang record nung time na sinabi ni Jullie na may nangyari sa kanila ni Angelo yan ang magpapatunay kung totoo ang sinabi niya satin noon.Ayoko nalang sabihin sayo gusto kong panoorin mo nalang at ito pa.Mga DNA test yan ng anak niya peke lahat ng mga ginawa niya dahil ito ang totoo na hindi si Angelo ang ama ng batang iyon dahil ako ang totoong ama.At gagawa ako ng paraan para makuha ko kay Jullie ang anak ko dahil alam kong walang magandang maidudulot ang anak ko sa kanya.Alam ko na ginamit niya ang anak niya para lang makuha si Angelo.Sana matulungan mo ako Paula.


Nagulat na ako sa dire-diretso niyang sinabi.Hindi ko naman sinabi kasi na sunod-sunod niya akong gulatin.Pinaka nagulat ako sa nalaman ko na siya ang ama ng bata.


Grabe hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kay Mark.Napapasalamat na rin ako dahil hindi si Angelo ang ama ng bata kundi si Mark.Hindi ko rin akalain na magagawang gamitin ni Jullie ang anak niya para lang kay Angelo.


Maaasahan mo ako Mark.Huwag kang mag-alala ako na ang bahala doon.Sabi ko sa kanya.Alam kong lahat ng kasinungalingan ay nabubunyag din at mabubunyag na ngayon lahat ng kasalanang ginawa mo Jullie wala ka ng takas sa ebidensiyang mayroon kami ni Mark.


At kapag nagkataon nun.Magbabalikan na si Angelica at Angelo malalaman na rin si Angelo na may anak na sila ni Angelica then sila na ang magkakatuluyan ng panghabang buhay.Hay ang sarap lang isipin ng mga ganung buhay.


Ang akala ko kasi wala naman talagang forever dahil sa nga DreamWorks lang ang may forever na pag-ibig kasi kapag natalo mo na ang kalaban tiyak Happy Ending na ang tuloy nun.


Pero nagkamali pala ako kahit pala sa totoong buhay nakakahanap parin tayo ng Forever pero nasa sa atin namab kung magpapakatatag tayo at magpupursige para lang mahanap ang forever para sa ating lahat.


Angelica Santos

Lahat naman tayo hangad ang maging masaya pero sa iba't ibang paraan.Ako kaya?Kailan kaya ako magkakaroon ng kasiyahan sa buhay?Yung bang wala ka na talagang dapat pang problemahin dahil na sayo na ang lahat ng gusto mo.


Si Angelo siya lang naman ang hiniling kong makasama simula noon pero ang akala ko magiging kami bandang huli,pero nagkamali pala ako dahil hindi lahat ng bagay na ninanais natin ay laan para satin pero may mga sineswerte kaya ayun sila yung mga taong masasabi mong pinakamasayang tao sa mundo.


Iba iba naman ang mga kwento ng pag-ibig ang mayroon tayo ngayon.Iba ibang paraan ng pagmamahal ang binibigay nila sa isa't isa.


Hindi ko na kaya pang mabuhay kung mawala pa sa akin ang anak ko.Siya ang nagbigay daan para maging matatag pa ako sa lahat ng pagsubok na kinahaharap ko ngayon.


Siya ang inspirasyon ko sa buhay.Kaya huwag mo na sana akong iiwan pa anak.Papalakihin kita hangga't kaya ko pa hangga't nabubuhay pa ako para lang sayo.


Makikilala mo rin ang ama mo pero sa tamang panahon maghintay lang tayo ng tamang panahon anak maghintay ka lang.


Mahal na mahal ko kayong dalawa ng ama mo anak.Higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko hinding hindi ko hahayaan na masira ang buhay mo dahil sa akin at sa ama mo.Walang pwedeng makapanakit sayo anak wala!!!


A/N:Sweet ni mommy Angel haha.Get Ready for the next Update dahil lalabas na ang totong may sala!!!Who's excited??!!!!Hahaha....Thank you readerzzz....Vote And Comment thanks:)










Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon