Chapter 65❤Give Up

211 14 3
                                    

Angelica Santos

Alas diyes na ng gabi pero may nagdodoorbell parin sa labas ng condo ko ang lakas kaya.Kaya bumaba ako ng dahan dahan para tignan kung sino siya at binuksan ko unti-unti yung pintuan ng condo ko.

Angelo???Anong ginagawa niya dito?Gabi na pero halatang uminom siya pangewang nhewang na kasi siya.

Angelica huwag mo akong iiwan...*hik*...ikaw lang ang buhay ko.Ikaw sa akin lahat...*hik*...kapag nawala ka hindi ko kakayanin.

Hindi ko alam pero napayakap din ako sa kanya ng mahigpit dahil hindi ko rin siya talaga kayang iwan mahal na mahal ko parin siya pero hindi na pwedeng maging kami ulit dahil nakabuntis nansiya ng tao.


Angel dito ka lang...*hik*...sa tabi ko.Umiiyak na siya ngayon sa harapan ko.Yan ang ayoko,dahil kapag nakikita ko siyang umiiyak doble sakit naman ang nararamdaman ko.

Angelo tama na.Hindi na tayo pwede sa isa't isa hiwalay na tayo!!!Magalit na kung magalit pero kailanagan ko na rin siguro ito para.....lubayan niya na rin ako.

Hindi mo na ba ako mahal?Mahal kita Angelo kaya kitang ipaglaban sa kanila.Angel huwag mo na akong iwan pleaseee naman.


Tama na Angelo.Gumising ka nalang sa katotohanan na hindi na tayo pwede pa kaya sana tigilan mo na rin ako.Pagkatapos kong sabihin sa kanya yun iniwan ko na siya saka mabilis na pumasok sa loob ng condo ko saka napaupo sa sahig.

Nasasaktan na naman ako.Bumabalik na naman lahat ng sakit na minsan ko nang naramdaman noon at mas masakit yung nararamdaman ko ngayon sa lahat ng nangyayari sa aming dalawa ni Angelo.

Kailangan ko na siyang iwan dahil kailangan dn siya ni Jullie at ng magiging anak nila.Masakit man sa akin pero.........hindi siguro talaga kami para sa isa't isa pinaglaruan lang talaga kami siguro ng tadhana,pero kahit papaano nagpapasalamat ako dahil naging bahagi si Angelo ng buhay ko.

Sumusuko na ako ngayon.Isusuko ko na si Angelo kay Jullie dahil wala naman akong karapatan kay Angelo lalo na't girlfriend niya lang ako.Hanggang doon lang ako para sa kanya.Mahal ko siya pero kung alam naman natin na hindi na talaga tayo pwede pa......tayo nalang mismo ang lumayo.

Pumunta nalang ako sa taas saka ako naghalungkat ng mga damit ko.Aalis na ako dito sa condo ko hindi na ako dito mamalagi uuwi nalang ako kina tita at tito atlis doon kaya kong ilabas lahat ng sakit at poot na nararamdaman ko ngayon.

Nagpalit lang ako ng damit saka na ako lumabas kasama ang aso ko.Tinignan ko muna lahat ng nasa paligid kahit papaano guminhawa ang pakiramdam ko dito.....pero hindi ko na maya na dito pa ako tumira kung si Angelo ang lagi kong makikita.

Lumabas na ako saka binalik yung dating passcode ng condo ko para alam ni Angelo dahil hindi niya alam yung bago kong passcode saka na ako umalis na may mga luha sa aking mga mata.Buti nalang wala na si Angelo ayoko nalang ipaalam sa kanya.

Bahay

Kumatok ako kina tita dahil sarado na ang pinto nila.Gabi na kasi dapat pala bukas nalang ako umalis pero andito na ako kaya huwag ko ng palampasin pa.

Nakita kong binubuksan na yung pinto at mula doon nakita ko si tita na halatang kakagising lang rin.

Iha anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?Yinakap ko nalang si tita dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit ea.

Pumasok ka sa loob halika doon ka sa kwarto mo.Pumasok nalang muna kami sa loob ng kwarto ko saka binaba si Girly sa kama ko yung aso ko.

Anong nangyari sayo ha?Bakit ka na naman ba umiiyak?Saka bakit dala mo lahat ng damit mo?Naguguluhan na talaga ako iha.

Wala na.Naiyak na naman ako parang hindi ko kayang kausapin si tita sa lahat ng naagyari sa amin ni Angelo.Hindi ko kaya kasi ayokong mawala sa akin si Angelo pero hindi pwede.

Nagsimula na akong magkwento sa kanya kahit pa hirap na hirap na ako.Bawat salita isang patak sa luha ko ang patuloy na umaagos at ang dahilan para durugin ang puso ko.

Natapos kong sabihin sa kanya at nailabas ko lahat ng sakit at poot na nararamdaman ko atlis hindi ko na ito sosolohin hindi ko na kikimkimin pa.

Mabuting lubayan mo nalang siya Iha para hindi ka na umasa.Nakabuntis na siya kaya iwanan mo na siya para hindi ka masaktan pa lalo.

Hindi ko alam tita.Nasasaktan ako ngayon sa lahat ng nakikita ko,nasasaktan ako kasi wala na kami ni Angelo,nasasaktan ako kasi hindi......ko naman akalain.....na magagawa niya sa akin yun.Kasi......kasi.......mahal ko siya tita.Pero----

Ilabas mo lang yan Iha huwag mong itago.Minsan kasi nakakatulong din ang luha para mailabas mo lahat ng sakit.

Umiyak nalang ako ng umiyak wala na akong ibang ginagawa kapag nasasaktan kundi ang umiyak na para bang talunan lang ako.Ngayon paano na ako?Paano ako magsisimula na wala na sa tabi ko si Angelo?Kakayanin ko ba ito?

Kakayanin ko bang makita na balang araw may karga karga na siyang ibang bata at masaya na siya kasama si Jullie??Kaya ko ba lahat ng mga yun?Kaya ko ba......na makitang ikakasal na rin siya sa ibang babae?At gagawa ng sariling pamilya?Habang ako........magpaparaya,magdudusa,magsasakripisiyo,malungkot at uuwing luhaan.

Ayoko na.Ayokong isipin na balang araw mahuhulog rin ang loob ni Angelo kay Jullie,na magiging masaya sila sa mga anak nila wala na ako.Wala na akong pag asa para magbalikan pa kami ni Angelo.


Binigyan ako ni tita ng malamig na tubig para kumalma daw ako kaya ininom ko naman para mabawas bawasan naman ang sakit na nararamdaman ko ngayon para sa kanya.


Angelo Bautista

Wala na talaga kami.Iniwan niya na talaga ako,dahil nakabuntis ako.Handa ko naman panagutan yung nangyari sa amin at nabuntis si Jullie pero hindi ko siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal na ibinibigay ko kay Angel.


Si Angel lang ang buhay ko,siya lang ang babaeng minahal ko ng lubusan at binigay sa kanya ang lahat.Alam ko minahal ko rin si Jullie pero sa isang iglap nawala din yun simula ng makilala ko si Angel.


Ang saral lang balik-balikan yung dati naming mga ala-ala.Kung paano ko siya nakilala at kung paano rin kami nag away hanggang sa nagkainlaban na kaming dalawa.Nasasaktan na ako sa nangyayari sa amin pero alam ko mas nasasaktan si Angel sa nangyayari dahil wala naman siyang kasalanan pero bakit kailangang masaktan siya???


Lulubayan ko nalang rin siguro siya dahil isinukoniya na rin ako.Ayoko nalang rin umasa pa na magiging kami ulit dahil......magkakaanak na ako sa babaeng hindi ko naman na kayang mahalin pa.


Galit na galit ako sa lahat lahat.Kasalanan ko rin naman kasi ito bakit ko yun nagawa sa kanya??Kung mahal ko si Angel hindi ko dapat hahayaan na masaktan siya ng dahil sa akin.


Pero wala na talaga kami.Hindi ko na aayang ibalik pang muli ang past namin ni Angel.Nasasaktan siya dahil sa akin.


Lubayan ko nalang siya.Hahayaan ko na siya sa nga gusto niya.Gusto kong maging masaya parin siya kahit na wala na ako sa tabi niya pra yakapin siya,halikan at i-comfort.Wala na ako bilang boyfriend niya,wala na ako bilang isang nagmamahal sa kanya ng tapat.


Sana lang maging masaya ka nalang Angel sa gagawin ko.Mas iakakabuti mo kung lalayuan nalang kita.I Love You Goodbye Angelica Santos.

A/N:Hushtag:#ILoveYouGoodbyeAnCa
Huhuhu promise guyzzz napaiyak ako habang sinusulat ko ito.Ano bigyan ko ba sila ng happy ending o huwag na?Comment kayo kapag walang nag-comment huwag kayong magsisisi kung anuman ang magiging ending ng story na ito.

Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon