Chapter 67❤His Decision

257 14 2
                                    

Angelo Bautista

Nandito kami ngayon ni Jullie sa Mall ewan ko sa kanya bigla bigla ba namang naisipang tumingin ng mga damit mg baby namin ea ang liit palang nga ng tiyan niya.Masiyadong excited!!

Nga pala napagdesisiyonan ko na rin pala na sundin nalang si papa sa gusto niya.Kilala ko si papa kaya niyang gawin ang lahat mapaghiwalay lang kaming dalawa ni Angel pero kailangan kong makausap man lang si Angel bago kami umalis papunta sa ibang bansa.

Alam ko ma mahirap itong gagawin kong pag-iwan sa kanya pero sa ikabubuti niya rin naman iyon para rin naman sa kapakanan niya iyong gagawin ko.Babalikan ko parin naman siya pagkatapos ng isang taon maghintay lang siya.

Ito lang naman ang kaya kong ipangako sa kanya...siya lang ang babaeang minahal ko ng totoo at lubos,sa kanya ko inalay ang pag-ibig ko at siya ang greatest love ko wala ng iba pa.

Maya maya pa natapos na si Jullie na magtingin tingin ng mga damit.Fvck sh*t titingin lang naman bakit kailangan niya pa akong isama.Kakainis lang kung hindi naman yan buntis hindi ko naman sasamahan talaga yan.

Nagmaneho nalang ako para sa kanya iuuwi ko nalang muna siya sa bahay niya dahil may importante lang akong gagawin at pupuntahan.

Nagmaneho lang ako ng tahimik bahala siya sa buhay niya hindi ko naman siya iimikin pake ko naman sa kanya.

Ammm.....Angelo what do you think?Ano...sa palagay mo ang pangalan ng baby natin kapag lalake or babae??

Sh*t lang Jullie hindi pa natin alam ang kasarian ng batang yan kaya huwag mong itanong sa akin!!!

Bigla nalang akong nakaramdam ng galit sa kanya.Bakit niya kailangang itanong sa akin yun?Damn it ayaw na ayaw kong maririnig sa kanya ang mga salita na yun naiinis lang ako.

Nagtatanong lang naman ako ah.Kung ayaw mo di wag mo.

Dahil nandito na kami sa bahay niya bumaba na siya kaagad.Tsk....at ano naman sa tingin niya na susuyuin ko siya?Manigas siya diyan.Mabilis kong pinaandar yung kotse ko saka ko siya iniwan bahala siya sa buhay niya wala akong pake sa kanya.

Papunta ako ngayon sa bahay ng tita ni Angel alam ko naman kasi ka doon lang ang uwi niya kung sakali mang umalis na siya sa condo namin.

Maya maya pa nakarating na ako saka ko pinark sa gilid yung kotse ko saka bumaba ako para mapuntahan ko si Angel.Pero ang una ko lang dinatnan doon ay ang tita niya.

Excuse me ho!Nandiyan po ba si Angel?Gusto ko lang talaga siyang kausapin.

Pasensiya ka na Iho pero wala soya dito kasama niya si Paula nagpunta sa mall.Nga pala hindi ba ikaw si Angelo?Paalis na nga ako ng itanong niya sa akin iyon kaya napaharap ako at napatango nalang.

Kung pwede lang sana tigilan mo na ang pamangkin ko,nananahimik na siya hayaan mo nalang siya ngayon na sumaya at magsimula ng hindi ka kasama.Ang pamangkin ko ang nahihirapan sa sitwasyon niyo at siya rin ang mas nasasaktan kaya kung pwede sana huwag ka ng magpakita sa kanya o kausapin siya.Panagutan mo nalang sana ang nagawa mo at hayaan na si Angelica sa ibang bagay na masaya siya.

Hindi ko alam kung kaya kong gawin ang sinasabi niya dahil hindi ko kaya.Nais ko man lang na mayakap kahit sandali si Angel bago ako umalis pero....mukhang tama siya,dapat hindi ko nalang guluhin pa si Angel hahayaan ko nalang nga siguro siya.

Tama po kayo.Dapat hindi ko na po guluhin ang buhay pa niya.Pero pakisabi nalang sa kanya na mahal na mahal ko siya,babalikan ko po siya pangako ko yan sa kanya at sa sarili ko.Next weekma ang alis ko mabuti kong huwag niyo nalang sabihin rin sa kanya iyon.


Pagkatapos kong sabihin iyon umalis na ako saka sumakay ng kotse ko pero hindi ko naman namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mga mata dahilan para mabasa ang mukha ko.Hindi ko lang kasi kaya na iwan ko siya ng hindi man lang niya alam pero tama naman ang tita niya sa ikabubuti niya rin yun.


Kaya hayaan ko nalang siguro siya.Mas ikakabuti nya na rin yun kung hahayan ko na siya ngayon palang.

Jullie Anne Torres

Hindi ko rin alam kung bakit ako ngayon umiiyak.Dahil na rin siguro sa ginawa sa akin kanina ni Angelo iniwan ba naman kasi ako pwra pa akong napahiya sa ginawa niya ea.


I think nagiging sensitive na rin ako dahil sa pagbubuntis ko.Nakakainis lang kasi siya bakit kasi hindi niya lang ako pakisamahan ea sa buntis ako ea.Nakakainis lang kasi siya talaga.

Paula Sanchez

Lagi nalang nakatulala si Angel sa isang sulok at wala man lang akong magawa para doon.Sana lang kasi hindi na niya nagawang mahalin pa si Angelo nasasaktan lang siya ng sobra sobra sa nangyayari sa kanila ea.


Ako tuloy ngayon ang apektado kapag nakikita ko siyang ganyan.Andito pala kami sa mansyon ko pinauwi ko muna siya kanina kasi naman nakita niya pala si Angelo with Jullie na tumitingin ng mga damit ng baby.


Syempre masakit yun para sa kanya na makita ang taong minamahal mo na hawak na ng iba.Sakit nun kaya nga nakakatakot ng magmahal sa panahon ngayon dahil kaunti nalang ang nagseseryoso maybe nasaktan din sila kaya naman ginagawa nalang nilang kalokohan ang lahat.


Angelica Santos

Ewan iyak na naman ako ng iyak ngayon dahil lang kay Angelo.Hindi ko naman kasi mapigilan lang na maiyak sa nakikita ko.


Ang sakit na para bang hindi ka makahinga ng maayos dahil sa kinikimkim mo nalang yung sakit pero hindi mo kaya dahil alam mo na ikaw rin ang mahihirapan.


Kung mayroon lang sanang time machine gusto ko nalang ulit magtravel sa past namin ni Angelo at pahintuin ang oras nung time na magkasama pa kami,masaya,kulitan,tampuhan at selosan mga bagay sa sumusubok kung gaano katatag ang aming pagsasama.


Ayoko nalang ulit magkaroon ng future pa lalo na kung alam kong hindi naman na siya mapupunta sa akin at magkakaroon na siya ng anak niya kay Jullie ang sakit lang.


Maya maya bigla nalang akong nakaramdam ng pagsuka kaya mabilis akong nagpunta sa banyo ni Paula saka ako nagsuka ng nagsuka.


Habang si Paula hinahagod ang likod ko.Ewan ko para bang sinuntok ako ng pagkalakas lakas para isuka lahat ng nakain ko.


Best anong nangyayari sayo?Hagod parin niya sa likod ko.


Ewan ko rin ganito nga rin ako nung nga nakaraang araw,lagi akong masusuka pero hindi naman natutuloy minsan naman talagang masusuka ako minsan nahihilo ako kapag umaga ang sakit parati ng buong katawan ko kahit pa ulo ko sumasakit din.


Bigla naman siyang napatakip sa bibig niya dahilan para magulat ako.Anong ibig niyang iparating sa akin na hindi ko malaman.


Bakit ba?Naiirita na ako sa sagot niya.


Hindi kaya.............

BUNTIS KA BEST!!!


A/N:Ooopssss bitin again?Hehehe sorry sa mga nabitin and sorry if mabagal din ang UPDATE ko nagiging busy na kasi ako kaya isang UD lang nagagawa ko sa isang araw.Hope Understand to all readerzzz And Silent Readerzzz!!!

Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon