Ken Panganiban
Hi guyzzz!!!Sinong nakamiss sa akin??Haha kahit wala ok lang.Actually nagkaroon kasi ng emergency sa ibang bansa kung saan nakatira ang mom and dad ko kaya nalang bigla nalang akong nawala.
Pero ngayon andito na ako ulit.Haha huwag kayong mag-alala pantulong na tauhan lang ako dito hindi ako antagonista sa istorya ni Angeli ca at Angelo.
Oo aaminin ko.Mahal na mahal ko parin hanggang ngayon si Angelica pero alam ko na hindi talaga kami pwede sa isa't isa at naiintindihan ko iyon.Alam ko naman kasi na hanggang ngayon si Angelo parin ang mahal ni Angelica.
Kahit pa wala ako sa tabi ni Angel nung time na walang wala siya alam ko naman kung anong nangyayari sa kanya dito sa Pilipinas haha wala lang nagkakaroon lang naman ako ng communication sa pamamagitan ng pagpapaespiya ko kay Angelica buti nga hindi nakakapansin itong si Angel.
Kaya halos lahat alam ko na alam ko rin naman na mayaman na siya ngayon dahil naging model na siya pero nitong mga nakaraang buwan daw huminto muna siya pero hindi ko alam kung anong dahilan.
Hinatid ko si Angel sa bahay nila then hindi na ako nagtag at umalis rin ako.Ang laki na nga ng pinagbago niya kung dati hindi siya maayos sa pananamit niya ngayon ang ganda na niyang tignan.
Marunong na rin siyang mag-ayos sa sarili niya at ngayon ko lang rin pala narealize na talgang maganda siya kung titignan mo ng mabuti at mas lalo ko yung nakita ngayon simula ng mag-ayos na siya ng sarili niya.
Angelo Bautista
Hanggang ngayon hindi maalis sa isipan ko si Angelica.Hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino na yung mahal niyang iba?Na hindi na ako ang nagpapasaya sa kanya at iba na ang mahal niya.
Bakit naman kasi ganito?Kung pwede lang sanang tumakas sa lahat ginawa ko na makasama ko lang si Angel.Miss na miss ko na siya para akong mababaliw kapag wala siya sa piling ko.
Ang totoo nga niyan hindi ko rin siya nakilala kanina pero alam ko siya yun.Nag-iba na kasi siya naging model kasi siya sa branch namin kaya naman kailangan pagandahin siya at hindi ko akalain na may itinatago pa siyang ganda sa loob ng katawan niya.
Kung pwede ko nalang sanang ibalik ang nakaraan.Nung time na masaya pa kami sa isa't-isa nag-aaway,kulitan,selosan,asaran,mga sweetness namin sa isa't-isa.Miss na miss ko na ang mga bagay na iyon kung pwede ko lang sanang balikan ang Past ko sa kanya at ayoko ng magpunta ulit sa Future kung alam kong hindi rin naman sa akin mapupunta si Angel.
Mahal ko parin siya hanggang ngayon.Siya parin ang minamahal ko ng lubos at hindi nagbago yun dahil mas lalo ko pa siyang minahal.Sana mapatawad na ako ni Angel sa lahat ng kasalanan kong nagawa sa kanya.Sana man lang.
Angelica Santos
Hayy andito na rin ako sa bahay namin.Nagmano ako kina tita at tito saka ako umakyat para makita ko si Baby Carlo then pumasok ako sa loob ng kwarto niya nandoon siya sa higaan niya ea.Naglalaro ang cute naman ng anak ko.
Makita ko lang ang anak ko para bang lahat ng stressed ko nawawala,para bang nawawala lahat ng problema na pinagdadaanan ko parang ang sarap lang balik-balikan nung time na maliit pa ako at puro mga bituwin lang ang nais kong tignan sa gabi.
Ang sarap lang isipin ng mga yun dahil sa anak ko.Nagbabalik ang lahat..sayang nga lang dahil hindi moan lang makikilala ang lola at lolo mo kahit man ang tito mo pero ok lang andiyan naman sina tita sila ang pamilya ko sila nalang.
Bumaba ako na dala ko si Baby Carlo gising naman kasi siya.Naglalaro lang naman kasi siya sa kwarto niya.Para bang gusto kong dalawin sina mama at bunso para lang sana maipakilala ko sa kanila si Baby Carlo.
Binihisan ko nalang muna si Baby Carlo ng pang-alis ang cute niya talaga haha puti lang suot niya maliit pa siya ea.Wala pa nga itong 1 week ea diba nga kapapanganak ko lang nung isang araw.
Bumaba na kami ni Baby Carlo saka ako nagpaalam kay tita na aalis muna kami ni Baby.
Sigurado ka bang walang makakakita sa inyo?Paano nalang kung may makakita sayo??Yun na nga rin ang isa ko pang naiisip mula kanina pero wala akong kinatatakutan.
Wala naman po akong dapat itago.Hindi ko kinahihiya ang anak ko tita kaya ko siyang ipaglaban sa lahat.Proud akong maging isang ina tita kaya hindi ko itatago ang anak ko sa lahat.
Niyakap naman ako ni tita.Hindi ko nga rin alam kung bakit pero niyakap ko nalang rin siya.
Isa kang mabuting ina Iha.Proud na proud ako sayo Iha.Ewan nakakaiyak naman sinabi ni tita na-proud pa siya sa akin.
After ng Drama Scene namin ni tita.Umalis na ako kasama si Baby Carlo,mabilis lang naman yung papunta sa sementeryo.
Nagmaneho lang ako then after a minute nakarating din.Kinarga ko na si Baby Carlo saka kami nagpunta sa puntod nina mama at bunso pero may lalaking nakatayo sa harap ng puntod nina mama at bunso.
Sino siya?Bakit dinadalawa niya rin si mama?Kamag-anak ba namin siya?Hindi ko rin kasi alam pero wala na akong pake naglakad nalang ako dahan-dahan papunta sa puntod nina mama at bunso saka ko hinarap yung........
Papa?Si papa dumalawa sa puntod nina mama at bunso?Kailan pa?Para bang nagbalik yung nakaraan ko sa kanya.Gusto kong ibunton sa kanya lahat ng inis ko at galit ko.Hindi ko magawang hindi makalimutan na siya ang dahilan kung bakit namatay si mama.
Bigla namang napaharap sa akin si pala at nabigla siya sa nakita niya.Galit at poot ang nararamdaman ko ngayon sa kanya pero naiiyak na ako dahil iniwan niya ako ng matagal na panahon na.
Anak?Aalis nalang sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.
Bitawan mo ako Pa!!!Kinalimutan na kita pero bakit bumalik ka pa?Bakit???
Anak patawarin mo sana ako.Hirap na hirap tayo noon kaya nagawa ko yun---.
Bullsh*t naman pa!!!Ganoon ba ang rason mo ha???Dahil mahirap tayo kaya mo kami iniwan ni Mama at Bunso kaya namatay si bunso dahil wala na siyang pinagkukuhanan ng lakas at si mama nagpakamatay dahil iniwan mo kami!!!Ngayon!!!Yan lang ang rason mo sa akin ha!!!Layuan mo nalang ako pa dahil may sarili na akong pamilya at hinding hindi ko magagawa ang ginawa mo sa amin ni Mama.Dahil sayo naipagkait sa akin kung anong pakiramdam ang magkaroon ng isang ina na mapagmahal at kapatid na maaruga.Layuan mo nalang ako!!!!
Umalis nalang muna ako sa kanya.Iyak na ako ng iyak ngayon.Galit na galit ako sa kanya pero kahit papaano nailabas ko na rin ang saloobin ko sa kanya.
Dahil sa ginawa niya para niya na ring pinatay ang sarili niyang pamilya.Wala siyang kwentang ama!!!Parehas lang silang lahat ni Angelo!!!
Iyak nalang ako ng iyak.Baby Carlo sana mapatawad mo si mommy kung hindi ako matatag pero kakayanin ko ang lahat para lang sayo basta huwag mo lang akong iiwan dahil mahal na mahal kita.
Ikaw nalang ngayon ang natitira kong ala-ala kay Angelo!!!Patawarin mo rin sana ako kung hindi ko man magawang sabihin sa ama mo na anak ka niya.
Patawarin mo sana ako Baby Carlo...SORRY anak ko....sorry talaga.....
A/N:Ok another UD na po ulit.
BINABASA MO ANG
Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)
FanfictionHe is not my type.Because he is bad boy,gangster,smoking,drinking,shouting,loud,snobber,never care for you.Ayoko siya dahil sa mga ugali niya wala siyang pakialam kahit pa may nasasaktan sa ginagawa niya basta go lang siya ng go sa mga gusto niya.Di...