Chapter 21❤I think I've Fallen For You

469 17 0
                                    

Angelica Santos

Hay salamat nandito na rin ako sa bahay naku kung hindi ako nakapagpigil baka mamaya hinila ko pa si Angelo at hinalikan haha shunga na kasi ang utak ko ea kaya ganyan ang pag iisip ko.

Pero ang sweet sweet ni Angelo ngayon.Di ko rin alam ea pero shemay kinikilig ako?Bakit ba ganito na rin ako?Inlove na ba ako sa kanya kaagad?Hayysstttt ang sweet niya basta kasi naman hinatid niya na ako dito sa bahay oh diba ang sweet talaga.

Kaya nga maraming mga kapitbahay ang nagtinginan sa amin especially si Angelo eh sa gwapo ba naman ang inuwi ko sa bahay namin hakhak dahil sa kanya baliw na ako mag isip.

Ah grabe na ito ah pati ba naman pagpikit ng mata ko siya kaagad makikita ko.Baka mamaya kapag nakatulog ako siya pa ang mapanaginipan ko ea haha pero ok lang para naman mamulaang mukha ko tapos magkikiss kami sa dream ko tapos kapag nangyari yun dapat panagutan niya ang kiss niya sa akin hakhak.

Shems na utak ito.Bakit mo ba kasi ginugulo ang utak ko Angelo?Pasok ka ng pasok sa isip ko ea grabe tapos ako eto naman kinikilig.Hay makatulog na nga lang.

Angelo Bautista

Grabe to ah.Kinikikig ba ako?Nyeta naman para akong bakla dito sa ginagawa ko ea.Pero honestly nung sinabi ko na mahal ko na siya di ko naman sineseryoso yun kasi baka mamaya iba lang yung feeling na nararamdaman ko sa kanya pero ngayon narealize ko na talagang inlove na nga yata ako sa kanya anong gagawin ko?

Aaminin ko na ba sa kanya ang nararamdaman ko?Aish baka mabusted lang ako ea kapag nangyari yun.Mapapahiya pa ako ea kahit kailan di pa akona busted sa isang babae noh never.

Basta para sa akin noon ang pangit niya,madungis,di maayos sa sarili,mahirap pero biglang nagbago ea.Unti unti nararamdaman ko yun kapag kasama ko siya para bang ang gaan sa pakiramdam kapag kasama ko siya.

Bahala na basta mahal ko na yata siya.Mahal ko nga siya.Hay naku Pangit ano bang ginawa mo at nagkaganito ako sayo?Alam ko naman na di ka nag effort para lang mahulog ako sayo ea.Basta mahal ko na nga siya gagawa ako ng paraan para malaman niya iyon.

Paula Sanchez

Grabe hah may gusto na ba talaga si Angelo kay Angelica?Eh kasi naman diba dapat ako ang magahahatid kay Angelica sa bahay nila kasi nagpromise ako sa kanya diba guyz getzz niyo na yun.

Si Angelo kasi ang naghatid kay BFF nagpaalam naman siya sa akin ea para pa ngang napipilitan pa siya haha pero parang may something kasi sa kanila talaga ea ayaw pang ilabas kaya di ko malaman haha.

Pero naisip ko bigla na parang magiging sila talaga in the future maraming mga pagsusubok ang darating pero magiging matatag sila ewan ko kung ano na naman ang pinag iisip ko ea.

Hay naku makauwi na nga lang ako kaysa naman sa daldal ako ng daldal dito sarili ko lang naman kinakausap ko baka mamaya mabaliw pa ako tapos ipadala pa nila ako sa mental haha ewan!

Kinaumagahan

Angelica Santos

Good morining Earth!!!

Ang ganda yata ng day ko today haha sana nga walang manira ah.

Nagpunta muna ako sa banyo saka naligo.Nag shampoo ng Dove pink basta Dove kahit anong kulay pwede sa buhok ko.Tapos nagsabon with Johnsons haha bata pa kasi ako ea haha joke lang noh.

And after 12345 seconds natapos din ako joke lang yun ah.Lumabas na ako ng banyo namin tapos nagbihis na naglagay ako ng modess na rin with wings sa bag ko syempre para sa mga girls alam niyo na incase lang.

Tapia bumaba na ako saka nag almusal with tita si tito may trabaho na ea kaya maaga na ang pasok niya.Kaya nga nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi kahit papaano makakaahon na rin kami sa mga gastusin namin.

Iha ikaw ba ay may boyfriend na?Huh?Ako?Eh ang pangit ko kaya wait lang ok lang sabihin na di ako maayos manamit pero ang sabihin ko sa sarili ko na pangit ako no way!!!

Lahat naman tayo magaganda ea yung iba talaga bulag lang kaya di nila makita kung gaano kaganda ang mayroon ako.And proud ako para sabihin yan kasi alam ko totoo yun.

Ah tita wala naman po ah.Nakakapagtaka naman kasi bigla ba naman natanong sa akin.

Eh bakit lagi kang may tagahatid sa school mo at sa bahay?Ah yun ba?Si Angelo ba ang tinutukoy ni tita?Si Angelo kasi mapilit ea syempre di ko naman matanggihan kasi gusto ko rin naman.

Ah ganun lang po talaga yun don't worry titaI tell you naman po kapag may manliligaw sa akin saka po kayo rin ang magdedesisisyon kung sasagutin ko po saka wala nga pong nanliligaw sa akin paano pa ako magkakaboyfriend?Sinabi ko kay tita yun para naman wala siyang duobt sa akin noh saka honest naman talaga ako kay tita dahil lang kay Angelo kaya nagawa kung magsinungaling pero promise never na talaga ako magsisinungaling sa kanya.

Iha anak unang una hindi ako ang magdedesisyon ng para sayo kung alam ko na hindi ka naman masaya at pangalawa pwedeng sa ngayon wala ka pang lovelife pero darating din yun maghintay ka lang.Di naman kita binabawalan na magkaboyfriend ea natatakot lang ako na baka mamaya masaktan ka kaya huwag mo munang madaliin ha iha.Grabe talaga makaadvice si tita pero lahat naman ng sinasabi niya sa akin alam ko na tama yun kaya nga sinusunod ko siya kasi siya nakaexperience na siya nun.

Sige na Iha pumasok ka na baka mainip pa yung nag aantay sayo.Oh baon mo.Kinuha ko ang baon ko saka sino ang nag aantay sa akin sa labas?

Si Paula ba?Sinundo niya ba ako dito sa bahay para sabay na kami?

Ah tita sino po?Naguguluhan kasi ako bigla ea.

Lumabas ka nalang para malaman mo.Hala aino yun?Makalabas na nga lang para naman malaman moang sagot Angelica.

So ayun nga ang ginawa ko naglakad ako palabas ng dahan dahan at mula sa labas nakita ko na naman ang kotse kahapon yung itim.Oh my G!!!Hindi kaya si..................Geshhhhhh si Angelo?Suaunduin na naman ako?Diba siya nagsasawa?

Angelo?Tanong ko sa kanya ng makababa siya sa kotse niya.

Hi Angelica tara sabay ka na sa akin?Hala hanggang kailan niya gagawin yan?Hanggang sa nagsawa na siya?Aish shemay na ito ea kinikilig na naman ako.

Ah are you sure?Kasi naman baka mamaya nauntog yung ulo niya kaya ako ang sinabay niya.

Oo naman.Sus tatanggi pa ba ako?Blessings ko na rin yan.

Sige na nga.Pumasok na ako sa kotse niya kasi naman nakabukas na yung pinto ng kotse niya.

Napipilitan?Tanong niya habang nakangisi pa.Sus pasalamat nalang siya dapat noh.

Huwag ka ngang makangisi ngisi diyan baka mamaya masapok pa kita.Hala namumula na ako grabe parang gusto ko munang bumaba sa kotse niya ea.

Tsk..........bakit namumula ka?Hala pati pala siya alam niya yun?

H-huh?Di naman k-kaya.Hala nauutal na ako sa kanya kainis naman kasi siya ea.

Di na siya nagsalita bagkus nagmaneho nalang siya yan maganda yan kaysa naman sa inaaway pa ako noh.

Angelo Bautista

Bakit kaya namula ito?Ayoko nalang siyang pansinin kasi baka mamaya mainis yan sa akin syempre ayoko naman mangyari yun noh.

So guyzzz ano bang dapat kong gawin para mailabas kona sa kanya ang feeling na nararamdaman ko natatakot kasi ako ea baka kasi mamaya naman masaktan ako sa gagawin niyang pagtanggi.

Alam ko naman natural lang yun kasi naman di naman niya aakalain na ang isang tulad ko na walang puso,mahilig manigaw,may bisyo at mahilig makipag away eh mahuhumaling sa kanya.

Basta aaminin ko parin sa kanya na mahal ko na siya kaya ok lang kahit pa masaktan ako sa lahat ng pagtanggi niya sa akin.Sabi kasi sa akin ni Mark masarap sa feeling kapag nasabi mo na sa isnag tao ang nararamdaman mo para sa kanya.

Kaya yun ang gagawin ko whether she like it or not she have no choice.Kasalanan ko ba?Eh dahil sa puso ko lang naman ito kaya ganun.Di ko naman mapipigilan yan kaya dapat lalo ko pang ilabas.

Ngayon pakiramdam ko nagiging sweet na naman ako pero di ko naman pinagsisisihan kasi mahal ko naman na siya basta maghanda ka Pangit dahil kapag ako umamin sayo na mahal kita baka maraming umaway sayo haha don't worry poprotektahan kita sa kanilang lahat.I'm you're saviour Pangit.

Fall Inlove With Him(Jadine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon