Mutual Feeling's?

359 12 0
                                        

Aex POV

Simula nung nagwalk-out si halirat sa parking lot nagpunta na lang ako sa library tutal wala naman daw si sir.

Katatapos ko lang basahin yung book na binili ko sa library kaya lumabas na ako.

Naglalakad ako ng may mga studyanteng nagmamadaling tumakbo papunta sa direksyon ng canteen?

A-aw! Sabi nung lalaki at tumingin sa akin, maliit sya kumpara sa akin kaya malamang mas malakas impact sa kanya.

Tinignan ko lang sya ng seryoso.

S-sorry bro, nagmamadali ako pumunta ng canteen kasi may dumating na ambulansya at mga pulis para hulihin si ms. aomy, narinig ko kasi may nadali daw ng kutsilyo si ms. Aomy! Sabi nito at tumakbo.

A-ano?!

Sh*t, tumakbo ako ng mabilis at hindi ko na pinansin yung mga nabubunggo ko.

Pagdating ko sa canteen emtrance pa lang puno na.

H-hey, excuse padaanin nyo ako! Sabi ko sa mga nakikisiksik.

Nerd pwede ba umalis ka nga dito! Sabi nung isang basketball player.

Shut up or I'll smash your face?! Padaanin nyo ko sabi! Sagot ko at tinulak sila ng marahas di naman na sila umangal kaya kahit masikip at mahirap nakipagsisiksikan ako.

Ng nasa loob na mismo ako ng canteen, nakita ko si halirat na lumabas ng exit kasama yung mga police.

Tumakbo ako para habulin sya kaya lang nakasakay na sila sa kotse at umalis na yun.

Halirat! Sigaw ko habang patuloy sa paghabol sa kotse ng mga pulis.

Sh*t bakit nya ba kasi ginawa yun?! Ano bang kabaliwan yung pumasok sa utak nya?! D*mn! How can I help her now?! F*ck! I feel the pain in my heart...

Bumalik ako ng canteen para malaman yung dahilan kung bakit nya ginawa yun.

Hey, excuse me kailangan ko lang malaman kung ano yung dahilan ng pag-aaway ni hali-- I mean aomy tsaka nung babae! Sabi ko sa babaeng nakasalubong ko.

Ang alam ko nagbanta yung isang babae kay ms. Aomy na ipapa-patay nya yung nerd? Basta may pinaguusapan silang nerd hindi ko lang kilala kung sino! Sabi nito.

Hindi kaya...... Hindi kaya ako yung nerd na yun...

Ah ganun ba, sige salamat! Pagkatapos kong magpasalamat ay pumunta na ako ng parking lot at diretso sa police station.

Excuse me Sir, pwede ko  makita si hali-- I mean aomy triuko? Tanong ko dito.

Tinignan nya naman ako na parang sinusuri.

Kaano-ano ka nya? Tanong nito.

Kaano-ano nga ba ako? Hayst, it's hard to think right now!

Ah... K-kaibigan nya ako! Sabi ko na lang.

Pasensya na, hindi mo sya pwedeng makita ngayon. Sagot nito.

Sir kailangan ko lang sya makita, may kailangan lang akong sabihin. Dagdag ko pa.

Pasensya na iho, pero hindi talaga pwede. Sagot naman nito.

I need to make a way para makita ko si halirat.

Tumakbo ako ng mabilis at nakapasok sa loob ng quarter nila pero hinawakan agad ako ng tatlong pulis na nagbabantay.

Sh*t!

Halirat! Aomy! Sigaw ko.

F*ck I need to see her!

Bitawan nyo ako I need to talk to her, aomy! Sigaw ko ulit.

Pilit pa rin akong nagpupumiglas nung biglang sumulpot si halirat.

Let him go! Utos nya.

Bigla naman akong tumakbo at nayakap sya ng bitawan na ako ng mga pulis.

Halirat, sh*t natakot ako sa nangyari sayo, ayos ka lang ba? Sorry wala ako dun nung kailangan mo ko, I'm sorry... Malumanay kong bungad sa kanya.

Umalis naman na sya sa pagkakayakap ko at hinila na ako palabas ng quarter.

Akala ko kung napano ka na, bakit ka ba gumagawa ng kung ano-ano ng hindi ka nagiisip! Alam mo bang halos mawala ako sa katinuan ko ng malaman kong sinama ka ng mga pulis at posible kang makulong, halos mabaliw ako sa pag-aalala alam mo ba yun?! Bakit ba lagi kang gumagawa ng ikapapahamak mo?! Singhal ko sa kanya dahil sa halo-halong nararamdaman ko.

Bakit mo ba ako sinisigawan?! Maraming nakakita ng pagbabantang ginawa nya kaya hindi ako makukulong! Tsaka bakit ka ba nangingielam?! Sinabi ko din bang mag-alala ka?! Lumayo ka na sa akin pwede-- di ko sya pinatapos sa sasabihin nya.

Ayokong marinig yun, ayokong marinig na sabihin nyang layuan ko sya dahil masakit....

Niyakap ko sya ng mahigpit.

Kapag inulit mo yun at ikaw ang napahamak, hindi ko alam yung magagawa ko sa kanila... Tsaka sana wag mo na akong itaboy ng itaboy palayo sayo kasi kahit ilang beses kong itanggi na nasasaktan ako nararamdaman ko yung sakit at kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan babalik at babalik ako sayo... Isa pa, masakit dito!  Masuyo ang boses na sabi ko at iniharap sya sa akin para ituro yung puso ko at halikan yung noo nya.

Nenget, n-nababaliw ka na ba?! A-ano bang pinagsasasabi mo?! B-bitawan mo nga ako! Sabi nya at lumayo para hampasin ako sa bandang puso.

Oo tama ka, nababaliw na nga yata ako sayo... Sabi ko at niyakap sya ulit.

Nenget, ano bang nangyayari sayo? Tanong nya na parang di makapaniwala sa mga ginagawa ko.

Ano nga bang nangyayari sa akin? Natatawang sagot ko na lang.

B-bakit ka ba ganito nenget?! Naka-drugs ka ba?! Sabi pa nito.

Alam ko mabilis, pero kahit ako nabibigla sa mga ginagawa at inaasal ko pero isa lang yung sigurado ako, di ko man pinagplanuhan at pinaghandaan... Unti-unti akong nahuhulog sayo kaya sana handa kang saluhin ako... Sabi ko na parang bata  habang nakayakap pa rin sa kanya.

N-nenget what?! W-what do you mean?! Tanong nya na halatang naguguluhan.

I think I like you wait no, let me correct that, I think I love you... Sabi ko at humiwalay ng yakap sa kanya para tignan sya sa mata.

Nag-smile naman sya niyakap ako.

Natatakot akong aminin pero, tingin ko ganun din ako... Tingin ko mahal na din kita.. Sabi nya at hinigpitan ang yakap sa akin.

A/N: Woooh, intense naman :3 graveee ( grabe )

"When a Brat Girl Fall Inlove with a Nerd" <3Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon