Aex POV
6:40 na at nandito naman na ako sa school naglalakad ako sa hallway, actually parang nakita ko kanina si halirat pero biglang nawala, patuloy ako sa paglalakad ng may narinig akong naguusap at nakuha nung usapan na yun yung atensyon ko.
Girl alam mo ba kanina may tinarayan na naman si aomy! Sabi nung babaeng blonde yung buhok.
Haha lagi naman eh! Sabi naman nung isa na tatawa-tawa.
Haha grabe, brat talaga noh? Pero buti na lang kaya nya i-handle yun noh?! Sabi nung isa na ewan ko kung humahanga o nanglalait.
Haha, the power of aomy! Dugtong nung isa.
Tss, mga chismosa pero teka sino kaya yung aomy na yun? Parehas sila ni halirat mataray at masungit.
Nakinig pa ako sa usapan nila pero di ako chismoso, masyado lang akong curious.
Girl balita ko may laban si aomy at si claire mamaya dun sa gym! Balita ko nga eh yung claire daw ang naghamon! Sabi ulit nung isang girl.
Talaga?! Wow lang ha?! Ang tapang naman nya! Sabi naman nung ka-kwentuhan nya kanina.
Eh tingin mo sino mananalo dun? Tanong nung isa.
Surely si aomy syempre! Sabi nung isa na confident pa.
Haha we're thinking the same! Pag-sang ayon nung isa.
Tss nakaka-curious naman! Sino ba talaga yung aomy na yun?
Habang nagiisp ako ay may lumapit sa akin na babae.
Oh ikaw, kanino ka pupusta?! Tanong nya agad.
Actually boyish sya, and wait kilala ko ba sya?
Hmm i'm sorry but hindi ko alam kung ano yang sinasabi mong pustahan? Takang sagot ko.
Tinignan naman nya ako na parang naa-amazed.
Are you serious?! Hindi mo alam ang tungkol sa laban ni aomy?! Takang tanong nya.
Huh? Aomy? Ahm actually narinig ko nga yung usapan may laban sya mamaya pero di ko sya kilala eh?! Sagot ko.
Ah ganun ba edi basta pumunta ka ng gym mamaya at makikita mo sya! Sabi nya sabay ngite.
Parang kakaiba yung ngite nya?.
Ah sige pupunta ako tsaka ito oh *abot ng 1000* sayo na yan pero di ako pupusta bale bayad ko na lang yan sa impormasyon na binigay mo! Nakangite kong sagot.
Haha wala yun! Ano lang ba naman yun sa iba ko pang alam tungkol kay aomy! Nangingiteng sagot nya.
Bakit sa tuwing nababanggit mo yung pangalan nya sobrang tuwa mo? Tanong ko.
Idol ko kasi sya eh! As in! Alam mo ba lahat ng posters nya at lahat ng mga away nya alam ko pati na din yung mga lines nya gaya ng, " anong karapatang nyong mam-bully sa school KO " tsaka yung mga weird na tawag nya sa mga nakakaaway nya like " babaeng palaka " " Dugong " " Clowns " " Hipon " at iba pa! Lalo na yung pinaka-line nya! Yung " DON'T YOU DARE! " mangha nyang pagku-kwento.
Halata ngang idol mo sya pero teka, sabi mo posters? So you mean model sya or artista? Hindi ba sya natatakot na masira ang image nya? Tanong ko cause this girl named aomy is so mysterious!
Hindi sya artista pero model sya, at hindi sya natatakot dun at alam mo ba wala syang kinakatakutan! Kaya nga gusto kong maging katulad nya! Sabi nya na halatang masaya.
Ngumite ako sa kanya para itago ang pagkamangha ko sa babaeng ikinu-kwento nya.
ah sige, sa susunod na lang ulit! Maguumpisa na kasi ang klase eh! Sabi ko.
Ah sige! Masayang sabi nya.
Pumunta na ako ng room ko at maya-maya nag-umpisa na yung klase.
~~~
Tapos na yung klase ko at ngayon papunta na ako sa gym para makita kung sino yung aomy na yun.
Wooooh go aomy! Sigawan nung mga nanunuod.
Tss, i really wanted to see her now!
Maya-maya mas lumakas yung hiyawan ng mga nanunuod, mas lalo din tuloy akong na-curious.
Nakisiksik ako sa unahan at nanood, nakatalikod sila pareho pero parang pamilyar yung isa.
Nagulat naman ako nung humarap sila sa direksyon ko dahil hindi lang pamilyar yung isa kundi kilalang-kilala ko, si halirat!
Bigla na naman nag-hiyawan yung mga nanunuod.
Go aomy! Go aomy! Go aomy! Go! Sabi nung grupo ng mga kababaihan.
Tss, sino ba yung aomy sa kanila?!
Nahawakan naman ni halirat yung buhok nung babae at sinabunutan ito.
Woooh sige idol aomy! Kawawain mo yang maarteng babae na yan! Sabunutan mo lang! Go idol! Sigawan nitong 2 babae sa tabi ko.
Huh? Aomy---> halirat?! Hell! aomy pala pangalan nya?! But wait talaga ngang trouble ang dala nya -_- tss.
But her name is so beautiful it suits her! wait w-what did i just say?! Tss i'm going crazy right now at isa pa lalo tuloy ako na-curious.
Hayst -_-
A/N: Enjoying my story? Wanted me to dedicated my next UD to you? Just comment :) I did this chapter a little long for you to enjoy reader/s ;)
BINABASA MO ANG
"When a Brat Girl Fall Inlove with a Nerd" <3
LosoweMaganda? √ Matalino? √ Mayaman? √ Sexy? √ Hot? √ Attractive? √ Mataray? Snabera? √ Masungit? √ A high class Lady with a very Bad Attitude? √ AMAZONA? A BIG √ BRATINELLA? YOU CAN'T EVEN SAY THE FIRST LETTER OF NO.