Conclusion

330 9 0
                                    

Aomy POV

Tss, grabe kung di ko lang na-manage na ganun yung scene kanina baka ako pa yung natulala at nabulol sa kanya.

Ang cute lang kasi nung itsura nya... wait, what did I just say?!

Tss, ano ba tong nararamdaman ko?!

Pag nandyan sya tinatarayan ko sya o kaya pinaglalaruan pero pag wala sya hinahanap ko sya...

Hindi kaya.....

No, hindi pwede. I'm sure imposibleng mahalin ko sya.

Sigurado naman ako dun, ang problema lang pinagulo nya yun.

Hmm bakit ba ganito tong nararamdaman ko?!

Naiinis ako sa nararamdaman ko pero at the same time gusto ko yung nararamdaman ko.

Madalas ko tong maramdaman pag nandyan sya, kahit wala sya maisip ko lang sya, lumalakas yung tibok ng puso ko.

Ayokong aminin pero nararamdaman ko... Tingin ko posibleng mahalin ko sya...

And I know na kailangan kong i-confirm yun, pero pano?!

Ni hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ng lalaking yun at isa pa...

Takot at galit man ako sa katotohanang mahal ko pa rin si kean, alam kong totoo yun, lalo tuloy akong naguguluhan.

Mahal ko pa si Kean, pero may bahagi sa puso ko na si nenget yung hinahanap-hanap.

Pero pano nga ba ako magmamahal ulit, kung takot at galit pa rin ako...

Ayoko ng umasa

Ayoko ng maiwan

Ayoko ng bitawan

Ayoko ng masaktan... At ayoko ng mag-isa!

Siguro nga unfair na dayain ko at hindi ko pagbigyan yung isinisigaw ng puso ko ngayon, pero anong magagawa ko?!

Takot na akong iwanan at saktan...

Halos lahat sila, pinapangarap na maging ako, kasi porke nakikita nila na matapang ako at parang walang pino-problema akala nila ganun nga yung buhay ko.

Pero kung tutuusin, sana hindi na lang ako naging si AOMY TRIUKO.

Hanggang ngayon, hinihiling ko na sana kahit isang araw lang, maramdaman ko na wala talaga akong dapat na pagtaguan ng tunay na ako.

Si nenget, komportable ako sa kanya, it make's me feel safe when I'm with him...

Pero, kagaya ng kay kean, alam kong pagdating ng araw, iiwan ako ni aex...

Because obviously no one loves me and no one can love me...

I already accept it, but it hurts dahil kung kailan naramdaman ko na hindi nya ako iiwan..

Natatakot pa rin ako kaya hindi ko kayang sumugal at ipaglaban yung nararamdaman ko.

Sorry nenget o aex, pero kahit na may nararamdaman na ako sayo hindi ko yun kayang iparamdam at hindi ko na siguro maipaparamdam.

Sorry kung duwag ako at naging madaya para bigyan ng chance yun.

Sorry aex, kung di ako makakalaban para sayo...

A/N: aww

"When a Brat Girl Fall Inlove with a Nerd" <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon