Aex POV
Kanina pa lumabas si halirat at hanggang ngayon hindi pa sya bumabalik, ang boring wala akong magawa dito sa room nya.
Hmm, kwarto to ni halirat kaya sigurado ako may pictures sya dito nung bata pa sya.
Pinilit kong tumayo kahit medyo masakit pa yung katawan ko, ng makatayo ako ay tinignan ko yung pictures sa study table nya pero mga current pictures nya lang ang nandun, wala syang pictures nung bata pa sya?
Isa-isa kong tinignan yung mga pictures na nakapatong sa study table nya, lahat ng pictures nya walang nakangite, lahat ng pictures nya ay nakasimangot.
Patuloy lang ako sa pagtingin ng current pictures nya kahit puro nakasimangot yung mga kuha sa kanya, maganda naman kasi sya kahit nakasimangot, wait did i just say na maganda sya? Tss.
Aalis na sana ako sa study table nya dahil tapos ko ng tignan yung mga pictures nya ng may makaagaw ng pansin ko, isang litrato..... Nakangiteng si halirat at isang lalaki, kung titignan mo sila masayang-masaya sila lalo na si halirat, yung ngite na alam mong masaya talaga ang isang tao yun yung ngite nya sa picture na yun na hindi ko pa nakikita sa kanya ngayon.... Sino ba ang lalaking ito?! Bakit ganun na lang si halirat kasaya na kasama sya sa litrato?!
Napakuyom ako ng kamao ng di ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang hindi ko gusto na makitang masaya si halirat ng dahil sa lalaking yun, parang naiinggit ako sa lalaking yun na nagawa nyang pasayahin si halirat... Naiinis ako, sino ba sya?!
Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?! Hindi ko gusto ang pakiramdam ko ngayon, hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko gusto kong ako yung dahilan ng pag-ngite ni halirat.....
Nanginnginig ang katawan ko, hindi ko alam kung bakit pero ayoko ng nararamdaman ko!
Napa-upo na lang ako sa upuan ng study table ni halirat at may napansin akong maliit na notebook, diary ang nakasulat dun sa bungad pa lang ng notebook.
May diary su halirat?! Hindi ko alam na kahit ang tulad nya may ganito?.
Biglang parang bula na nawala yung panginginig ng katawan ko dahil sa inis, parang napalitan ng pagkaaliw yung galit at inis ko.
Napapangite akong kinuha yung diary nya pero may padlack? Nasan yung susi nito?!
Tinignan ko sa mga drawer kung nandun yung susi pero wala, may napansin naman akong maliit,maganda at diamond style na baso.
Tinignan ko yung nasa loob at nakita ko dun yung susi, *smirk* bingo!
Kinuha ko yung susi at binuksan ang diary ni halirat, wow ganda ng sulat nya!
Dear Diary,
As usual wala, boring at walang kwentang araw na naman ang lumipas sa buhay ko, tss kailan ba magkakaroon ng kulay yung buhay ko, at kailan naman kaya mawawala ang mga iyakin at lampa sa mundo?! Nakakainis yung makita silang umiyak dahil lang sa mga pangit nilang boyfriend! Tss.
- Aomy
Haha, hanggang dito sa diary nya wala syang pinagbago!
Patuloy ako sa pagbabasa ng mga sinulat nya sa diary nya ng may makita akong pic.
Hmm, sino kaya tong bata nato? Muka syang masiyahin at cute na bata din sya, may kapatid pala si halirat? Ang cute nung kapatid nya, nakakaaliw lang tignan lalo na yung ngite nung bata.
Kinuha ko yung pic at tinignang maige, wait? Kamukang-kamuka nya si halirat? Hmm matanong nga si halirat kung may kapatid sya.
Lumabas ako ng kwarto nya dala yung picture, pero pag-baba ko di ko makita si halirat, tss sobrang laki ba naman ng bahay! Well malaki din naman yung bahay ko pero hindi naman gaya ng kay halirat.
Umikot-ikot ako sa bahay hanggang makarating ako ng kitchen.
Halirat! Sigaw ko para marinig nya ako.
Walang sumagot kaya inulit ko.
Halirat! Sigaw ko ulit.
Tss, nasan na ba yun?
Hali--- naputol yung pagtawag ko kay halirat nung may magsalita sa likod ko.
Tss, why are you shouting?! It's annoying you know?! Bungad nito sa akin habang may hawak syang mansanas.
H-hindi ko kasi alam kung nasan ka! Sagot ko naman sa kanya.
Tss, di mo na kailangan sumigaw you know?! Nakakairita yang pag-sigaw mo! Naiirita nitong sinabi at tumalikod na sya.
Saan ka naman pupunta? Hinahanap nga kita tapos aalis ka na naman?! Tanong ko.
Bakit mo ba ako hinahanap?! Magpapa-subo ka na naman?! Tanong din nito.
H-hindi! Itatanong ko lang kung may kapatid ka ba?! Sabi ko sa naiinis na tono.
Wala! Bored nya namang sagot.
Eh sino to? Tanong ko at inangat yung hawak kong picture.
Anak ng bakla! Bakit hawak mo yan?! Nasa diary ko yan ah, wag mong sabihin na pinakielaman mo yung diary ko?! Sigaw nya at sinamaan ako ng tingin.
Ah eh.... Nacurious lang naman ako--- hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng ibato nya sa akin yung mansanas na dala nya.
Hey wait! Baka tumama yan sa akin! Sigaw ko at nagtago.
Hindi lang baka, dahil sisiguraduhin kong tatamaan ka! Sigaw naman ni halirat, then binuksan nya yung ref at kinuha yung tray ng mga itlog at yung mga mansanas.
Wait--- woah! Hey muntik na ako dun! Sigaw ko ulit.
Parang di naman ako naririnig ni halirat at binato ulit ako.
Hoy--- woah! Isa! Sinamaan ko sya ng tingin at binantaan.
Pag ako natamaan nyan! Sabi ko pa.
Wala akong paki! Sagot nya at binato ulit ako.
Dalawa---- ah aray ko! Tama na! Sigaw ko dahil ang sakit nung pagbato nya.
Shut up! Sigaw nya at binato ulit ako.
Aray! At natumba ako dahil nasapol ako ng itlog sa noo.
Bitawan mo yang picture na yan at wag mong tignan you jerk! Sigaw nya at binato naman ako nung sandwich na nasa table.
H-hey awat na! Sorry na di ko na papakielaman pictures mo! A-aray ko! Sabi ko naman.
Tumigil sya pero kinuha nya lang yung picture at inirapan ako, tumayo na ako at tinignan yung kusina nila, grabe ang gulo tuloy.
Wala ka palang kapatid, so it means ikaw yan? Ang cute mo nung bata ka noh? Haha! Sabi ko.
Sa gulat ko ay sinugod ako ni halirat ng may hawak na tambo kaya kinuha ko yung dustpan.
Arrgh, stop it brat! Sabi ko.
Shut up! Sigaw nya.
Pinalo nya ako ng pinalo pero nasasalag ko naman kaya lang dahil sa mahina pa ako ay madali akong napagod at napukpok ako ng tambo sa ulo -_-
Tss, haliwaw nga talaga
A/N: Like it guys? :)
BINABASA MO ANG
"When a Brat Girl Fall Inlove with a Nerd" <3
AcakMaganda? √ Matalino? √ Mayaman? √ Sexy? √ Hot? √ Attractive? √ Mataray? Snabera? √ Masungit? √ A high class Lady with a very Bad Attitude? √ AMAZONA? A BIG √ BRATINELLA? YOU CAN'T EVEN SAY THE FIRST LETTER OF NO.
