Jealousy?!

424 15 0
                                    

Aomy POV

Nakarating na kami ni aex sa bahay o mansyon ko pero hindi pa din ako bumaba kahit na pinagbuksan nya na ako ng pinto.

Uy, baba na?! Sabi nya.

Hindi ako bababa sa bahay. Sabi ko pero di pa rin tumitingin sa kanya.

Bakit? Naba-baliw ka na naman ba?! Diba masakit yang paa mo?! Sabi pa nito at nag-kunot ng noo.

Tss, may blind date ako mamayang 6:30 at kailangan kong bumili ng new dress na isusuot ko! Sabi ko then irap.

Tss, naiinis ako dahil naalala ko na naman yung napag-usapan namin ng mommy ko.

Fine, sasamahan na kitang mamili ng isusuot mo sa date mo. Sabi na lang ni nenget pero bakit parang nag-iba sya ng mood?

Sandali pakikuha kay manang yung isa kong heels! Utos ko.

Wait me here! Then paglabas nya ng mansyon ay hawak nya na yung heels na pinapakuha ko.

Tss, masakit na paa mag-gaganyan pa?! Sabi nito at nag-kunot ng noo.

Tss, I told you already, I will be fine! Sagot ko at umirap.

~~~

Nag-drive na sya papunta ng mall pero wala pa ring nagsasalita sa amin.

Bakit kailangan mo pang magpaganda at bumili ng bagong damit para sa blind date na yun? Pag-basag nya ng katahimikan.

Tss, wala kang pake mag-drive ka na lang dyan! Sagot ko na lang.

Tss, sigurado ako mukang dugong yang ka-blind date mo! Sabi nya na halatang naiinis.

Tss whatever, tsaka bakit ba ang init-init ng dugo mo sa ka-blind date ko?! Tanong ko sa kanya.

Wala! Sagot nya at nag-pout?!

Ang cute nya naman.... wait what?! No way, he's not cute!

Stop it, di bagay sayo! Pagtataray ko.

Tss! Yun na lang ang sinagot nya at di ko namalayang nandito na pala kami.

Dire-diretso syang naglakad at di ako pinagbuksan ng pinto kaya ako na lang sana ang magbubukas ng pinto ng makita ko syang papalapit.

Ng makalapit sya at binuksan nya yung pinto.

Akala ko di mo na ako pagbubuksan eh?! Sabi ko na nangaasar.

Tss, halika na ang dami pang sinasabi! Sabi nya at hinila ako hanggang loob ng mall.

Aba't baliw talaga tong lalaki nato!

Hoy baliw halika kain muna tayo! Pag-aaya ko dahil nagugutom na ako.

Wag ka ng kumain dyan, kakain ka naman mamaya sa DATE mo diba?! At talagang diniinan nya pa yung salitang date ah?!

Tss it's blind date not a couple date! At pwede ba ngayon ako nagugutom kaya ngayon ako kakain! Pagpipilit ko.

Naghanap kami ng makakainan pero puno lahat pwera dun sa may malaking bubuyog na stand, jollibee yung pangalan ng kainan na yun.

Hey, dito na tayo kumain. Aya nya.

H-huh? Seryoso ka? Ahm busog na pala ako! Dahilan ko.

Tss, wag ka ng maarte! Sabi nya pa at hinila ako.

Nakapila sya at ako naman ang naghanap ng mauupuan.

Bakit lahat sila nakatingin sa akin?

Matagal ako bago nakahanap ng bakanteng upuan pero pag-upo ko nman may lalaking papansin.

Hi miss! Sabi nung lalaki na pinaglihi yata sa tutong?!

Tinaasan ko sya ng kilay.

Woah, easy miss di naman ako nangangagat but in case you want me to bite you, i'm always ready! Sabi nito sabay kindat.

Tusukin ko ngalangala at mata mo dyan makita mong tutong ka! Bulong ko sa isip ko.

Lalapitan na sana ako nung lalaki ng may pamilyar na boses na nagsalita sa likod ko.

Hey dude that's my wife, now back off or I'm going to smash your face with this?! Maangas na sabi nya at ipinakita ang malaking kamao, kaya napatingin ako.

Kung tutuusin si nenget, sobrang gwapo, ang laki nya rin at maskulado, sa porma naman ay kabog kaya lang sya napaghahalataang nerd at dahil sa salamin at books na madalas nyang dala pati na rin ang pagkilos nya pero ngayong nakikita ko sya sa ganyang ayos parang bigla nakalimutan kong nerd sya.

S-sorry pare, sige aalis na ako ha? Sabi nung lalaki at diretsong labas ng jollibee.

Here, eat all of this! Sabi nya at iniabot sa akin yung spaghetti, burger, coke float and french fries.

Di naman halatang gusto mo kong mabusog ng sobra?! Sabi ko at kumain na.

~~~

Nandito na kami sa bahay at pagbaba ko pa lang ay hindi na ako nakapag-paalam kay aex dahil pinaharurot nya na ang kotse nya.

Anong problema nya? Tss.

A/N: Hi everyone hope you all like it! ;)

"When a Brat Girl Fall Inlove with a Nerd" <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon