Aomy POV
Oh my god! Letse tong lalaki nato! Nawalan pa ng malay! Para tuloy na hihimatayin din ako! Ang lakas kasi ng loob magyabang engot naman! Pano na naman to?! Tss!
Binuhat ko si nenget kahit mabigat sya, yung mga lalaki? Bahala sila wala akong paki sa kanila! Tss ang bigat talaga ni nenget swear, wait nasan na ba yung susi?! Kinapa ko yung bulsa nya at swerte ko nandun yung susi.
Pinasok ko sya sa kotse nya dun sa pasenger seat at nag-dial sa cellphone ko.
Hello manang? Pakisabi po sa mga guards dyan na buksan nila yung gate pag nakakita sila ng pulang lamborgini, and manang pakisabi kay mang berto kunin nya yung kotse ko sa school meron na man po kasing bantay ang school kahit gabi kaya sigurado akong makukuha nya yun! Bungad ko kay manang.
Ah ok sige anak, sasabihin ko! Sabi naman ni manang, ow i miss manang so much!
Thanks po! Sabi ko at in-end ko na yung call.
Nag-drive agad ako pauwi at ilang minute lang nakauwi na ako ay este kami, agad namang bumukas yung gate gaya ng pinasabi ko kay manang pero syempre nung palampas na ako ng gate the guards make sure na ako nga to.
Pagkalabas ko sa kotse ay agad akong nagpatulong sa isa sa mga bodyguards dito.
Halatang gulat na gulat ito ng makita si nenget, ikaw ba naman makakita ng punong-puno ng dugo ang buong katawan eh.
Ahm ma'am san ko po ba dadalin si sir? Tanong nito sa akin.
Ah dun na lang po sa kwarto ko! Sagot ko at dinial ang no. ng personal doctor ko para ipagamot si aex.
Ilang minuto lang ng dumating na si doc.
Ahm nasan sya iha? Tanong ni doc.
Nasa kwarto ko po doc. Sagot ko sa kanya.
Ah sige iha, maiwan na muna kita at gagamutin ko na sya! Pahabol na sabi nito.
Tumango naman ako at umakyat na si doc para pumunta ng kwarto ko, ako naman dumiretso ng kusina.
Hi manang! Bati ko kay manang.
Agad naman yumakap si manang sa akin.
Naku iha ikaw ba talaga yan?! Buti naman at umuwi ka! Ang tagal ko mo din na nagi-stay lang sa condo mo! Malungkot na sabi nito.
Naku manang nagtampo pa, tsaka manang patulong naman po ako magluto ng lugaw! Sagot ko na lang.
Nakakatampo ka naman kasi iha, tsaka sige halika na tuturuan na kitang magluto ng lugaw para sa BOYFRIEND mo! Sabi ni manang at ngumiti ng nangaasar.
Manang! Sagot at nag-pout.
Haha halika na nga magluluto ka pa! Sabi ni manang at tinuruan na ako.
~~~
Tapos na akong magluto at bumaba na din si doc.
Kamusta po doc? Tanong ko.
Well iha sa ngayon ay unconcious sya at baka bukas pa magising dahil matinding pinsala ang natamo nya physically, and i'm suggesting you na iwasang mapagod sya dahil posibleng mag-collapse sya agad kung hindi nya agad mababawi ang lakas na nawala sa kanya. Mahabang sagot ni doc.
Hmm ganun po ba? Ah sige po doc, ako na po bahala, salamat po! Sagot ko naman.
Oh sige iha, mauna na ako ha?! Sabi pa nito.
Sige po, ingat! Pahabol ko.
Ng makaalis na si doc ay agad kong sinabihan si manang na magdala ng planggana na may bimpo at dalin na rin ang lugaw na ginawa ko with love, wait what did i say?! Love? Hell no!
Inihanda naman agad ni manang yung mga sinabi ko at magkatulong na inakyat namin yung mga kailangan ko.
Ahm manang pasensya na sa istorbo pero baka pwedeng pakikuha ng damit tong si aex, sa closet na lang po kayo ni dad kumuha! Pakisuyo ko.
Ah sige iha, sandali lang! Sagot naman ni manang.
Ilang sandali lang ay dumating na din si manang.
Alam mo iha, bagay kayo! Nakangiting komento ni manang.
Naku manang, masakit pa si ms. Heart! Sabi ko naman at tumawa.
Haha osige na iha, bababa na ako! Sabi ni manang at lumabas ng kwarto
Ako naman ito naiwang nakatunganga, anong gagawin ko ngayon?!
Ay oo nga pala kaylangan ko syang punasan para luminis naman sya, pasalamat sya at niligtas nya ako kanina kung hindi, wala akong balak na pahigain sya sa kama ko.
Nagumpisa akong punasan sya, kailangan ko pang tanggalin yung damit nya para mas maging malinis at fresh yung pakiramdan nya.
Shems pano bato?! Tss, baka sabihin pa nito pag nagising sya na binubusohan ko sya pero bahala na.
Hoy nenget tumayo ka! Kailangan palitan yang damit mo! Sabi ko pero ni hindi manlang gumalaw ang mokong!
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatitig sa muka ni nenget.
Shems, bakit parang ang gwapo nya kahit tulog?! Tss kahit tulog ang gwapo?! Wait nababaliw na naman ako.
Ginamit ko na yung buong lakas ko para mapaupo sya at mapalitan yung damit nya pero shems! Nadadala ako ng abs! Shems, nagiging manyak na ako dito ah?!
Dinamitan ko na sya pero nakatapat pa rin sya sa akin at hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko lang titigan yung muka nya.
Bakit ang gwapo mong nenget ka?! Nakakainis ka alam mo ba yun?! Sabi ko sa kanya kahit alam kong di sya sasagot.
Napatitig ako sa muka nya, hanggang sa di ko namamalayan nakatitig na pala ako sa labi nya! Pero shems, di ko maalis yung titig ko para akong inaakit! Patuloy lang akong nakatitig sa kanya ng ma-out of balance ako at madaganan si panget! Pabangon pa lang ako ng biglang dumating si manang.
* boogsh * a-aray ko yung pwet ko! Pano ba naman, sa taranta ko nahulog ako sa kama at ayun plakda!
Iha, tumatawag ang dad--- diyos ko, pasensya na iha, wag ka magalala wala akong nakita! Natatarantang sabi ni manang at tinakpan yung mga mata nya.
M-manang mali yung iniisip nyo, na-out of balance lang ako! Defensive kong paliwanag.
Ah... Eh--- pinutol ko yung sasabihin ni manang dahil alam kong di sya makapagsalita ng maayos.
Manang sabi nyo po tumawag si daddy? Tanong ko kunwari na parang walang nangyari pero ang totoo gusto ko ng bumalik sa pinanggalingan ko.
A-ah eh o-oo iha! Sagot na lang ni manang at ibinigay sa akin ang telepono.
Yes dad? Pag-uumpisa ko.
Oh hi princess, how are you? How's your school? Tanong ni dad, ang sweet ng dad ko right? Well that's why i'm brat dahil na rin sa daddy ko pero si mom hindi ko sya ganun kasundo dahil gusto nya ang gusto nya ang masusunod even sa sarili kong pamumuhay nangingielam sya.
I'm fine dad and also my study, by the way dad, are you ok? Tanong ko din.
Good to know that iha, and yes i'm fine too, by the way iha i need to go now, tumawag lang ako para mangamusta, bye princess! Sagot ni dad.
Bye dad, i missed you so much! Sabi ko.
Me too princess! At in-end na ni dad yung call.
Ok, kailangan ko ng alagaan si nenget! Tss.
Inabot ko kay manang yung telepono pero ang awkward! >___<
A/N: Hope you like it ;)
BINABASA MO ANG
"When a Brat Girl Fall Inlove with a Nerd" <3
РазноеMaganda? √ Matalino? √ Mayaman? √ Sexy? √ Hot? √ Attractive? √ Mataray? Snabera? √ Masungit? √ A high class Lady with a very Bad Attitude? √ AMAZONA? A BIG √ BRATINELLA? YOU CAN'T EVEN SAY THE FIRST LETTER OF NO.