[Epilogue]
Makalipas ang ilang taon. Matagumpay akong nakapagtapos ng kolehiyo at ngayon ay lisensyadong engineer. Sa palagay ko maayos na ang lahat sa akin. Ilang taon kong ginugol ang sarili sa pag-aaral upang makalimutan ko ang lahat ng naranasan ko. Maging ang huling pagkikita namin ni Andoy ay kinalimutan ko.
Hindi ko na rin hinanap pa ang iba o magtungo sa Cavite upang bisitahin ang sementeryo noon na kinalalagakan ng katawan nina mang islaw pagkat nakumpirma ko na hindi na ako nakakakita pa ng kaluluwa ngayon.Matapos naming maglibot no'ng araw na iyon nila Shara at shyla sa isla aparecio. Marami akong natuklasan tulad ng mas pinalawak at pinalaking ospital na pagmamay-ari ng mga hernadez, ang hukuman na pinapaunlad ng pamilya Buenavista. Ang ama ni shyla ang Judge doon. Wala ring pinagbago sa posisyon ng pamilya Hermano,sila pa rin ang namamahala sa isla aparicio. Ang ama ni shyla ang mayor ng buong isla. Samantalang ang pamilya cristobal ang siyang may pinakamaraming kompanya sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Maraming trabaho ang mga tao sa isla kaya't maunlad ang bayan namin.
Sadyang maraming nagbago kahit ang aming posisyon sa pamumuhay. Kung dati ay nasa Cavite lang kami at mahirap na namumuhay,ngayon narito kami sa isla aparecio at ginagampanan ang tunay naming tadhana. Mayaman,nagagawa ang lahat at may malawak na Hacienda.
Maliban sa nangyari kina Gracia,Antonio,Andonis at Criselda ay napag-alaman kong si Diego at Rosalinda ang nagkatulyan. Si Protacio naman ay nag-aral bilang isang mabuting negosyante. Si Don Velasco naman ang tumulong kay Protacio sa pag-aaral nito at siya rin ang nagbantay ng matagal na panahon sa aming Hacienda cristobal. Sa itinagal na panahon. Natunton raw ni Protacio ang tahanang kinagisnan ni Simon,anak ni kuya Lucas at ate crising.
Sa Cavite ito nakapag-asawa at namuhay ng masaya. Tumatanda na raw noon si Protacio na hindi piniling mag-asawa kaya minabuti niyang hanapin ang tunay na nagmamay-ari ng Hacienda cristobal. Napapayag ni Protacio si Simon na dito manirahan sa Hacienda at paunlarin ang kalakalan. Nagawa naman ito ng maayos ni Simon at napaunlad ng mas malawak ang negosyo bago tuluyang mawala si Protacio.
Si Simon ang naging salinlahi ng mga cristobal. Si mama at si tiyo Fernando ang humahawak ngayon sa kanilang apelyedo. Hindi ko na rin inusisa pa kina Shara at shyla kung sino si Paul na tinutukoy nila pagkat kung si Paul man ngayon si Adonis,hindi ko na siya gagambalain pa. Naalala ko kasi ang huling pag-uusap namin ni adonis noong binisita ko siya sa kulungan. Kung makilala at matagpuan ko man siya,hindi na dapat akong lumapit sa kaniya at magpakilala dahil sa oras maganap ulit iyon sigurado akong muli kong makikita sa mga mata ni Adonis ang puot at lungkot nang dahil sa maling pag-ibig.
Natigilan ako sa pagsusuklay ng buhok nang mapansin ang isang maliit na baul sa tabi ng aparador ko. Ngayon ko lang napansin ito rito. Kinuha ko ito at tinignan ang laman. Naubo ako dahil sa kapal ng alikabok. Winasiwas ko ang aking kamay upang maalis agad ang alikabok na sumama sa hangin.
May nakita akong isang maliit na notebook sa loob nito. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Binuklat ko ang pahina nito ngunit wala namang nakasulat. Pagbuklat ko sa likurang pahina,nagtaka ako dahil may nakaipit ditong maliit na papel. Marahan kong kinuha ang maliit na papel dahil sa kalumaan nito at madaling mapunit.
"Alikabok ng nakaraan Gallery." Basa ko sa nakasulat. Tila pamilyar sa akin ang museo na ito. Saan ko nga ba ito nakita? Natigilan ako nang maalala na ito ang maliit na papel na binigay sa akin ni andoy noong makita niya ako malapit sa hukuman.
Muli akong napatingin sa notebook na nakuha ko kanina. Natatandaan ko na na iyon ang notebook na binili ko sa pamilihan ng libro noon. Muli akong naghalungkat sa baul. May nahawakan akong malambot na tela. Kinuha ko ito habang nanginginig ang mga kamay ko.
Nagbadya sa mga luha sa mga mata ko nang masilayan ko na ito. Lumang panyo na nagkulay lupa dahil sa katagalan. May nakaburda ritong pangalan na nagpatulo sa luha ko. "K-kay andoy ang panyong ito,"ani ko saka binasa ang pangalang naka burda. 'Abrique' ang nakaburda rito.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...