[Chapter 14]
Nasa hapag kainan na kami ngayon at katabi ko si justine sa kaliwa ko katabi ni Don dominado at sa kaliwa namn ni Don dominado si dom na kaharap ni justine at kaharap ko naman si cathalina na Luna ang tawag sa kaniya.
"Magandang umaga binibining catha- este Luna"bati ko kay cathalina at inabot ko sa kaniya ang aking kamay upang makipagkamay ngunit tinitigan n'ya lamang ito....
"Maling paggalang iyan"bulong sa akin ni justine kaya ibinaba ko na lang saka ngumiti ng pilit kay cathalina at umupo ng maayos,na alala ko hindi nga pala maaaring hawakan ng binata ang dalaga haiysttt..
"Kamusta ang iyong ama na si Don juancio?"magiliw na tanong ni Don dominado kay cathalina at malugod namang ngumiti si cathalina.
"Maayos naman po ang lagay niya ngunit sa kasamaang palad po ay hindi na siya makakita dahilan po ng kataratang kumakalat sa kaniyang mga mata,katunayan nga po ay kasama ngayon ng aking ina si Ama upang alagaan ito kung kaya't ako lamang ang pumarito"magalang na sambit ni cathalina,at tumango tango naman si Don dominado.
"Napatingin n'yo na ba siya sa doctor sa manila?"tanong ni Don dominado na nagpatigil sa akin sa pagkain. Taga Maynila pala sya. Tila nanabik ako na makita kung anong itsura ng Intramuros at Binondo sa panahong ito.
"Opo ngunit Magkakatulad lamang po ang kanilang sinasabi na hindi na po ito magagamot pa"sambit muli ni catahalina,nanatiling nakikinig lamang ako habang si dom ay tuloy tuloy lng sa pagkain at nakatitig sa kaniyang kinakain habang si justine ay ganun rin at walang imik.
"Nga pala mabuting pagusapan natin ang itinakda niyong kasal ng aking nagiisang ginoo"masayang sambit ni Don dominado. Nang dahil dun ay nabilaukan ako sa sinabi ni Don dominado na ginoo.
"Ayos ka lamang ba abrique?"tanong sakin ni cathalina at halatang nagaalala ito sa akin kung kaya't tumango namn ako matapos uminom ng tubig na inabot sa akin ni justine.
"Paumanhin po"hingi ko ng paumanhin dahil na udlot ko ang usapan nila. Pahamak talaga.
"Nais mo pa ba ng tubig?"tanong ni dom sakin at inabutan pa ako nito ng kaniyang tubig saka ngumiti sa akin. Parang may ibig sabihin yung ngiti nyang iyon.
"Paumanhin po Don dominado at sa inyo ginoo,ikinagagalak ko po ang inyong magiliw na pagtanggap sa akin sa inyong tahanan ngunit,aalis na po ako marami pa po akong dapat gawin at kailangang tapusin "sabat ni cathalina at tumayo ito sa kaniyang kinauupuan saka nagbigay Galang sa amin. Aalis na sana ito ng pigilan siya ni Don dominado.
"Aking ikatutuwa kung ihahatid ka ng iyong magiging asawa"sambit ni Don dominado na nagpatigil sa aming ginagawang tatlo. Tila si dom ang mas nagulat sa aming tatlo na ngayon ay diretsong nakatingin lamang sa akin.
"Hindi ba,dom Rafael?"nakangiting tanong kay dom ng kaniyang ama at pilit namang tumango si dom.
"O-opo naman ama"pilit na ngumiti si dom at hinatid palabas si cathalina sa pinto at halatang masaya si cathalina sa narinig...ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni dom parang ayaw niyang kasama si cathalina at kahit hawakan ito,samantalang noon dumating si cathalina sa bayan na ito ay labis syang nasiyahan at labis ang ngiti na para bang ilang taon silang hindi nagkita may mga pagbabago sa kinikilos ni dom na hindi ko maintindihan.
"kaunti lang naman ang magiging pasyente ngayon kung kaya't si adonis na lamang ang magaasikaso at ikaw namn abrique ay pupunta sa hacienda cristobal "saad ni Don dominado na ikinagulat ko. Hindi ko alam papunta doon at isa pa wala akong alam ugali ng nakatira roon.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...