Kabanata 16

26 1 0
                                    

[chapter 16]

Natupad nga ang gusto kong maging malaya na maging babae sa panahon na ito at ngayon ay nakasuot ako ng pinapangarap kong baro't saya nakatira na rin ako sa bahay ng mga hernadez. Pagkatapos ng pangyayaring iyon dito na nila ako dinala hanggang sa Ma ikasal na kami ni dom.

Kasalukuyang nasa manukan ako sa likod bahay nakikipagusap sa mga manok.
"Tama bang maging masaya ako ngayon dahil natupad na ang gusto ko? Pero may nasaktan naman ako....nakakainis bakit ba nangyari ito lahat?"inis kong sambit habang nakasimangot na nakatingin sa mga manok na kumakain ngayon.

"Siguradong ika'y magugulat kapag sumagot ang mga manok sa iyong tanong"sabat ni manang Biday kaya Na palingon ako sa kaniya. oo nga namn baka magwala pa ako rito pag sumagot sila haha.

"Gusto mo ba itong lahat?"tanong niya na pinagtaka ko.

"Ang alin po?"tanong ko ngunit hinaplos n'ya lng ang buhok ko at ngumiti.

"Wala akong alam kung sino ka at kung saan ka nagmula ngunit sa pamamagitan nito masaya ka ba?"tanong niyang muli habang sinusuklay ng daliri niya ang buhok ko.

Napaisip ako sa sinabi ni manang Biday,masaya nga ba ako sa nangyayari ngayon? Kahit na may nasaktan akong isang tao na alam kong nagmamahal lamang?

Yumuko ako at umiling. "Hindi ko po gustong makasakit ng damdamin ng kahit sino"malungkot kong sambit.

"Hindi ko alam ang tunay na dahilan ngunit Bakit hindi mo hilingin kay señor dom na itigil ang kasal na maggaganap sapagkat alam ko namang hindi ka rin niya iniibig"saad niya at kinuha sa akin ang lalagyan ng pagkain ng manok saka nagpakain din sa mga manok. Medyo nasaktan ako sa sinabi ni manang biday na hindi ako iniibig ni dom.

"huli na, nabalitaan na ng lahat ang darating niyong kasal"singit ni justine,nakasandal siya ngayon sa pader at nakatingin sa akin. Napakalungkot ng kaniyang mga mata na para bang nawala ang lahat sa kaniya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil parang kasalanan ko na naman ang lahat. "paanong nabalitaan na ng lahat?"tanong ni manang biday,nanatili naman akong nakayuko at pakiramdam ko nakatingin pa rin sakin si justine.

"nabalitaan ng lahat ang mga naganap kagabi kung kayat mabilis itong kumalat sa  buong bayan"saad ni justine saka ito humakbang paalis. Wala na talaga akong takas sa pangyayaring ito hindi ko ito ginusto at siguradong umiiyak ngayon si luna.

                                     ******
Umiiyak ako sa sulok ng silid ko,hindi ko kasi makalimutan yung mga sinabi sa akin ni dom at ang mga pinaparamdam ng kanilang pamilya akala ko ay mabait sila ngunit isa lng pala iyong akala. Napagsalitaan ako ng hindi maganda kaninang umaga sa kilinika ng mga Hernandez.

Nasa klinika kami ngayon at pinapagalitan ako ni Don dominado dahil sa pagkawala ko kagabi.
"Bakit ngayon ka lang?! Saan ka nagpunta kagabi?!"sigaw ni Don dominado sa akin,nagpanggap muli ako bilang si abrique dahil alam kong hahanapin nila ako at magtataka sila.

"P-paumanhin po-"utal kong sambit,naiiyak ko na ko pero dapat kung pigilan,ngayon ko lamang nakitang nagalit ng ganito si Don dominado siguro ay dahil ito sa nangyari kagabi.

"Lagi ka na lamang humihingi ng tawad! Hindi mo ba alam kung anong ginawa mo sa nangyayari ngayon!?"sigaw na naman niyang muli sa akin,tuluyan ng tumulo ang luha ko na agad ko naman pinunasan.

"Kung nakabalik ka ng maaga hindi magaganap ang pagbabago sa kasal na magaganap!"diin niya pa at dinuro pa ako. Naisin ko mang sumagot ngunit di ko magawa dahil kasalanan ko naman talaga. Siguradong mawawalan ng kanang kamay si Don dominado at manghihina ang kaniyang negosyo.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon