[Chapter 45]
Oras na ng agahan at narito na kaming lahat sa harap ng hapag kainan. Kumakain ng tahimik. Kahit isa ay walang nagbabalak na mag salita. Binalot ng nakakabinging katahimikan. Tanging ang paglapat lang ng kutsara sa plato ang naging ingay sa paligid.
Matapos ang nangyari kagabi. Hindi na kami pinakinggan ni Don dominado kahit pa ang ina niya na si Lola Rafaela. Naawa ako kay Lola Rafaela dahil naranasan niya ang hindi pagkatiwalaan. Katulad ng ginawa ko noon upang isiwalat kay ama ang tungkol kay doña Patricia. Ngunit hindi ako pinaniwalaan.
Nakuha ang atensyon naming lahat ng magsalita si Don abelino. Tapos na siyang kumain saka siya tumikhim.
"Bukas na ang araw na ipapakilala sa lahat ang aking anak na si Adonis bilang heneral ng bayang ito.."
Walang umimik sa amin. Kahit si Adonis ay nanatili lang nakatingin sa kinakain niya.
"Pagkatapos ng kasal ni Adonis at agua...iaanunsyo sa lahat ang bagong heneral.."patuloy niya. Napatigil ako sa pagkain ko. Nanatili akong nakayuko.
Hindi ko akalaing itutuloy parin nila ang kasal namin ni Adonis. Hindi rin ako makapaniwala na kinampihan niya ang anak niya upang hindi maniwala sa akin na ako ang tunay na Luna.
"Mabuti naman na isasagawa agad ang kasalan. Nang matigil na ang kahibangan ng aking anak kay agua.."madiing sambit ni Don dominado.
Ramdam ko ang titig nila sa akin. Pati na ang presensya ng mag ina na sigurado akong nagsasaya na ngayon dahil sila ang nanalo.
"Sumama po ang pakiramdam ko. Aakyat na po ako..."paalam ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko. Baka Hindi ako makatiis at magsisigaw na lamang ako dito habang pinaglalaban ang tama. Pero kahit ata sumigaw ako. Walang maniniwala. Lalo lang akonh pagtatawanan ng mag inang ito. Na hindi ko naman papayagan.
"Manang Lisa..ihatid niyo po ang magiging asawa ko sa kaniyang silid"utos ni Adonis kay manang Lisa. Agad namang sumunod si manang Lisa at inalalayan ako papunta sa hagdan.
Pagdating namin sa silid ko. Pabagsak akong humiga sa kama ko at nagiikot. Naiinis sa mga nangyayari ngayon. Hindi dapat 'to ang nangyari. Maling mali!
"Lalabas na ako,señorita "rinig kong paalam ni manang Lisa. Agad naman akong umupo sa higaan at pinigilan siyang lumabas. Sinara niya muli ang pinto at seryosong humarap sa akin.
"Bakit po ganun? Bakit parang kinakalaban ako ni Adonis? Bakit po nililihis nila ang katotohanan?"sunod sunod kong tanong kay manang Lisa ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Kung ayaw mo na ang nangyayari ngayon...mabuti pa basagin mo na ang kuwintas upang matapos na lahat"
"Pero...ano naman po ang mangyayari pagkatapos?"
"Nakalimutan mo na ba ang aking tinuran noon?"
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hinawi niya ang humaharang na buhok sa mukha ko.
"Kapag nabasag na ang kuwintas...babalik sa normal ang lahat. Mamumuhay ka ng tahimik sa tunay mong panahon at sila?...hindi na sila magagambala pa.."mahinahon niyang wika. Parang isa siyang ina ngayon na pina pangaralan ako.
"Babalik po sa normal ang lahat?..ibig po bang sabihin ay kahit kaunting ala ala sa panahon na ito ay wala kaming maalala?"tumango siya bilang sagot. Napailing naman ako.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...