Kabanata 4

59 4 0
                                    

Marso 1,1889.
La isla Filipinas.

"Naku! Nagkakamali po..."Naputol ang sasabihin ko nang makita ko ang mukha ng nanay ng bata. Tila nabuhayan ako dahil narito sila at tao,humihinga at namuhay ng simple sa panahong ito.

"Anong nangyari,anak ikaw ba'y nasaktan!? Sinong mapangahas..." Natigilan ang pagsasalita ng matandang lalaki na halos madapa sa kamamadali't natataranta pang tanungin ang bata nang makita ako.

"Gising ka na pala binibini,ayos na ba ang iyong pakiramdam?"tanong sa'kin ng matandang lalaki ngunit napatulala lang ako sa kanya. Narito rin s'ya? Kung ganun, ito ba ang sinasabi niyang islang lumubog na matagal ng panahon?

"Hija,mabuti pa ay bumalik na lamang tayo sa loob ng bahay mukhang hindi pa maayos ang yung pakiramdam, binibini." Natauhan ako ng maramdaman ko ang paglapat ng kamay ng matandang babae sa balikat ko kaya't hinawakan ko ang kamay n'ya at agad siyang niyakap.

"A-anong nangyayari sa iyo, hija?"tanong n'ya kaya kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya habang ang mag-ama,nakatulalang nakatingin lang sa amin kaya napangiti ako at huminga ng malalalim.

"Mang islaw! I'm happy to see you!" Masaya kong sabi at agad na sinugod ng yakap si mang islaw. Si Mang islaw ang matandang lalaki.

"Kilala mo itong babae islaw? Sinasabi ko na nga ba't nambabae ka!" Galit na saad ni Manang Biday. Ang matandang babaeng niyakap ko.

"N-Nagkakamali ka. H-hindi ko kilala ang binibining ito,"utal na saad ni mang islaw subalit namumula na sa galit si amanang Biday kaya kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Mang islaw na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa takot sa asawa.

"Lagot ka po ama." Sulsol ng batang si Protacio ang anak nila. Hindi ko inakalang anak nila ang batang makulit na si Protacio.

"Hija, sabihin mo ang totoo." Natatakot na sabi ni Mang Islaw sa'kin kaya tumingin ako kay Manang Biday. Nakakatakot nga ang mukha n'ya,hindi ko carry para s'yang lion na gustong mangain ng tao.

"A-ah Manang Biday M-magpapaliwanag po ako,"utal kong sabi. Namamawis na ang mukha ko sa kaba,kaba na baka bigla na lang akong kainin ni Manang Biday huhu gusto ko pang mabuhay.Help!

"P-paanong? Nalaman mo ang aking palayaw? Kahit sino ay walang nakakaalam ng aking palayaw na iyan at tanging si ina lamang." Nagtatakang tanong ni manang Biday sa'kin.Palayaw n'ya pala ang manang Biday? At tanging ang nanay n'ya lang ang nakakaalam n'yon? Pero bakit 'yon yung gamit n'ya nung multo sya?

"Hija! Sagutin mo ang aking tanong." Bahagya akong nagulat dahil sa pagtaas ng boses ni manang Biday sa akin. Hawak n'ya na ngayon ang balikat ko at diretsong nakatingin sa mga mata ko kaya napalunok ako.

Ano bang dapat kong sabihin? Sasabihin ko bang galing ako sa future at nakilala ko s'ya bilang multo? Pero hindi,hindi pwede baka isipin nilang baliw na ako. Ano bang dapat kong gawin!? Aha! May naisip na ako hehe.

"A-aray ang s-sakit ng ulo ko....aray!" Pagpapanggap ko na masakit ang ulo ko. Ito na lang kasi ang paraan ko.

"Anong nangyayari sayo binibini? Islaw tulungan mo ako rito,buhatin mo ang binibini bilisan  mo." Natatarantang utos ni manang Biday kay Mang Islaw. Agad naman lumapit si Mang Islaw kaya't tinudo ko na yung pag-acting. Kunwari ay nahimatay ako dahil hindi ko alam ang sagot sa tanong ni manang Biday.

"Protacio,buksan mo ang pinto bilisan mo."Rinig kong utos ni Mang Islaw habang buhat ako papasok NG kubo. Naramdaman ko na lamang na nilapag na n'ya ako sa higaan kung saan ako nakahiga kanina paggising ko.

"Ang binibining iyan. Bakit alam n'ya kung sino at anong ating ngalan?" Rinig kong tanong ni manang Biday. Sa palagay ko na kaupo sila ngayon malapit sa higaan at nakaharap sa akin.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon