[Chapter 38]
"J-justine! N-nagbalik ka"tuwang saad ko,ngumiti siya sakin habang nasa likod niya ang kaniyang kamay. "Pasensya na at ngayon lang ako"wika niya napailing iling naman ako.
"Ayos lang yun"saad ko. nakangiti parin ako sa kaniya. "Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila, diba hindi totoong patay na sina kuya Lucas at Don juancio?"umaasa ako na hindi totoo ang balita at pinapaniwala lang ako ng mga kalaban upang mawalan ako ng PAg asa.
"Diba?"tanong ko muli ngunit biglang nagbago ang reaksyon ni justine at yumuko ito. Umiling siya ng dahan dahan. Nagsimula muling tumulo ang luha ko.
"Pati ba namn ikaw? Ikaw na lang ang pinaniniwalaan ko justine!"umiiyak kong saad ngunit nanahimik lang siya sa sulok. "Justine!"
"Wala na sila!...wala na sila Mona,patay na sila! Pinatay sila ng mag inang iyon...nalaman nila ang plano na lulusob sina Lucas kaya nakapaghanda sila ng hukbong panglaban"paliwanag ni justine.
"Sila ang dahilan ng lahat ng ito,gusto mo bang manatili ka na lang sa ganyan?"malungkot niyang tanong. Pinunasan ko ang aking luha na hindi na maawat sa para agos.
"Hindi pa huli ang lahat,Mona Hayaan mong tulungan kitang maagaw sa kanila ang lahat nang sa iyo"hinawakan ni justine ang kamay ko kaya tumingin ako sa kaniyang mga mata. Nakita ko ang pag kaawa niya sa akin at lungkot sa mga nangyari.
"Paano?"tanong ko. Tama si justine,hindi pa huli ang lahat para sumuko. Kailangan ko pang pabagsakin ang mga taong inapakapakan ang dangal naming pamilya cristobal.
"Señor Adonis.."napalingon kami sa dalawang guardia sibil na bagong dating. Nagbigay Galang pa ito kay justine bago magsalita muli.
"Oras na ho"wika ng Isa habang yung isa naman ay binubuksan na ang kulungan ko. Nagtataka ko silang tinignan pero mukhang alam ni justine Ang nangyayari.
"Paguusapan natin sa bahay ang paraan na sinasabi ko"saad ni justine. Maingat akong pinalabas ng mga guardia sibil hanggang sa makalabas kami sa likod ng gusali.
"Nasaan si heneral Leonardo?"tanong ni justine. Inabutan ako ng isang guardia na kasama namin ng itim na talukbong. Ibinalot ko naman ito sa buong katawan ko.
"Nasa pagpupulong ho ang heneral. Kaniya rin pinapasabi na Magiingat ho kayo at ang pangako ho ang matutupad.."tugon ng guardia. Napatango naman si justine at hinawakan ako sa pulsuhan ko.
"Mabuti. Pakisabi na lamang na maraming salamat"wika ni justine. Hinila na ako ni justine paalis sa lugar na iyon.
May kalesang nakaabang na sinamahan namin. Walang imik kaming pareho habang binabagtas ang kahabaan ng kalsadang lupa. Gusto ko itanong kung saan kami pupunta pero ayaw naman makisama ng bibig ko.
"Narito si ama sa bayan kaya sana huwag kang gagawa ng ikakagalit niya dahil pwedeng pwede ka niyang ibalik sa kulungan"basag ni justine sa katahimikan. Napatango naman ako.
"Wala ba kayong bahay dito sa isla?"tanong ko.
"Meron ngunit.."
"Ngunit ano?"
"Kinuha ni Don dominado.."
"Kinuha?paano?"
"Yung mansion ngayon dapat ay saamin iyon pero dahil sa kagustuhan ng mga magulang nila,si Don dominado ang nagmana ng lahat at si Don abelino na ama ko ang dinala sa Europa upang doon mamuhay.."
"Ipinamana naman pala eh paanong kinuha?"takang tanong ko. Ang gulo ng sinasabi niya.
"Basta! Wag ka ng maraming tanong.."tugon niya kaya natahimik ako. Masyado na ata akong nanghihimasok sa bagay na hindi ko dapat pakialamanan.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...