Kabanata 41

20 3 0
                                    

[Chapter 41]

Ligtas kaming nakarating sa trece martires,Cavite gamit ang maliit na bangka. Napapangiti na lang ako sa paligid dahil sa iba't ibang uri ng paninda. Napakaganda rin ng paligid pati na ang mga batang nagtatakbuhan at masayang naglalaro.

Napatigil ako sa tapat ng dalawang matanda na magasawa. May hawak na gitara ang matandang lalaki habang nakaupo sila sa mahabang bangkito.

Nagsimulang kalabitin ng matandang lalaki ang gitara. Kumanta siya ng napakalambing at nakakapagbighaning kanta para sa kaniyang mahal na asawa.

Napapangiti na lang ako dahil kahit sa pagtanda patunayan parin nilang may forever at pangmatagalan ang pagmamahal kung pareho niyo iyon pangangalagan.

"Umaasa akong ganyan din tayo"bulong ni Adonis kaya napatingin ako sa kaniya na nagtataka. "Anong ibig mong sabihin?"tanong ko at tinaasan pa siya ng kaliwang kilay.

"Wala.Ang sabi ko ay bilisan na natin at malapit na tayo"natatawa niyang saad kaya napatango na lang ako at nagsimulang humakbang.

Nakakailang hakbang pa lamang kami ng maramdaman naming may sumusunod sa amin. Tinignan pa ako ni Adonis saka siya ngumiti. Nagtungo kami sa tagong lugar at doon namin hinarap ang mga sumusunod sa amin.

Hindi naman kami nabigo dahil nagpakita sila sa amin. Limang malalaki ang katawan at nakabalot na itim na damit ang buong katawan nila maliban sa kanilang mata. Mukha tuloy silang ninja.

"Anong kailangan niyo?"Tanong ko. Hindi sila sumagot at patuloy lang sa paghakbang palapit s aamin. Hindi naman kami nagpaurong.

Hinintay namin sila na makalapit sa amin. "Tumakbo ka na at maunang pumunta sa sinabi kong address. Hintayin mo na lang ako doon,hind naman magtatagal ang limang 'to sa akin.."bulong ni Adonis. Napatango na lang ako at humanap ng pwedeng daanan para makatakbo.

Nang makalapit sila,agad silang sinugod ni Adonis. Dahil sa ginawa niya nakahanap ako ng tiyempo para makatakas.

Tumakbo ko sa gilid at umiwas sa mga kaaway. Tagumpay akong nakalabas sa masikip na iskinita na iyon.

Nagpalinga linga ako sa paligid upang hanapin ang address na nakasulat sa palad ko. Nagtungo ako sa kanan ngunit nakakatatlong hakbang pa lang ako ng tambangan ako ng mga lalaking may dalang itak.

Napaatras ako dahil mukhang ako ang target nila. Napatigil ako ng may mabangga sa likod. Gulat akong napaiwas dahil sa pagtangkang pagtaga sa akin ng nabangga ko.

Nagkagulo ang mga tao dahil sa paglibot nila sa kinatatayuan ko. Anim na lalaking mukhang ispasol ang mukha. Malalaki at matataba ang mga katawan nito. Siguradong durog ako pag dinaganan nila akong anim.

Nagulat ako sa pagsigaw nilang anim at sabay sabay na sumugod sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang umiwas sa mga itak na hawak nila. Batay sa pagsugod nila sigurado na akong wala silang balak na buhayin pa ako.

Wala na akong magagawa kundi gamitin sa kanila ang itinuro sa akin ni Antonio.

Una kong binalian ng braso ang pinakamataba sa kanila dahil sa muntik na ako nitong masaksak. Napahiyaw naman siya sa sakit.

Sinunod ko ang dalawang malaki ang katawan. Sinipa ko ang mga panga nila at sinabayan ng suntok pababa.

Tatlo na ang bumabagsak at tatlo na lang na matataba ang natira. Gulat silang nakatingin sa tatlo nilang kasama na napabagsak ko.

Tumingin sila sa akin. Kita sa mga mata nila ang pagkatakot. Ngunit,kahit ganun sumugod pa rin sa akin ang isang mataba at nagsisigaw ito.

Nakaiwas ako sa pag kumpas niya sa itak. Hinawakan ko ang kamay niya at pinaikot ito papunta sa likod niya saka ko siya pinadapa sa lupa. Ininda niya naman ang sakit.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon