Kabanata 33

26 2 0
                                    

[Chapter 33]

Nagpatuloy ako sa paglilibot sa Intramuros. Ibang iba talaga ang ganda ng intramuros ngayon at sa kasalukuyan. Masyadong maraming nagbago.

Napadpad ako ngayon sa harapan ng simbahan ng Cathedral. Nakatingala ako habang nakatingin sa krus ng simbahan.

May nakapagsabi sa akin noon na ilang beses ng nasunog ang simbahan kaya ginawa na itong bato ngayon. Sinabi rin sa akin na ginawa itong ospital nang maglaganap ang world war 2. Ginawang pagamutan ng mga sugatang sundalo dahil sa paniniwalang hindi ito papasabugin dahil isang itong banal na simbahan. Kahit yung nasa paligid ng simbahan hindi rin pinasabugan dahil simbolo iyon na maharlika ang mayari ng gusaling iyon.

Tulad na lamang ng bahay nina Jose Rizal sa Calamba Laguna. Hindi iyon napinsala dahil malapit ang bahay nila sa simbahan. Ibig lang sabihin isa silang maharlikang pamilya na kayang bilhin ang puwestong iyon malapit sa simbahan.

Natauhan ako nang may marinig na sigawan. Gulat akong napatabi sa gilid dahil sa humaharurot na kalesa. Sakay nito ang batang nakikipag habulan kanina sa guardia sibil. Nakita ko namang nakasunod din ang mga guardia sa kalesang iyon.

"Dios Mio! Napakapasaway talaga nang batang iyan. Lagi niya na lamang pinapagod ang bantay niya.."saad ng matandang babae na may hawak ngayon ng bayong.

"Maghunos dili ka. Baka may makarinig sa iyon.."suway sa kaniya ng matandang lalaki na sa tingin ko ay magasawa ang dalawa.

Nagambala rin siguro sila ng kalesang iyon. Napapaisip na lang ako. Mukha namang mayaman yung bintang iyon pero bakit nakikipag habulan iyon sa guardia sibil? Ano yun trip niya lang? Lakas din ng amats ng tao dito.

Aalis na sana ako nang may makita sa di kalayuan ang ilang nagmamartsang guardia sibil. Pinamumunuan sila ng heneral na nagpahirap sa akin sa Fort Santiago. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang pari. Siya yung pari sa isla aparecio,yung pumalit sa puwesto ni padre Alejandro.

Pumasok sila sa loob ng palacio de gobernador. Mayroon ata silang pulong ngayon. Pero bakit kasama yung pari na iyon? Bakit dito pa sa manila?

Nagsign of the Cross muna ako bago lumisan sa harap ng simbahan. Magppatuloy na lang ako sa paglilibot. Hindi ko masasagot ang tanong ko kung hindi ko rin naman malalaman.

Mahirap makapasok sa palacio at baka pag magpumilit pa ako. Sa kulungan muli ako pulutin. Ayaw ko nang makulong.

Nakarating ako sa tapat ng Fort Santiago. Gusto ko lang masilip ito muli rito sa labas dahil nakita ko na ang loob. Sadyang napakalawak talaga ng lupain ng fort Santiago,napakarami ring guardi na nagbabantay kaya lumayo ako ng kaunti.

"Paumanhin,ngunit may napupusuan na akong iba.."nakuha ng atensyon ko ang tatlong lalaki at isang babae. Yung babaeng iyon. Siya yung kanina sa abandonadong mansion ng cristobal.

"Ngunit..ikaw ba ay nasisigurong napupusuan ka rin niya?"tanong ng lalaking nasa gitna ng dalawang lalaki. Nakaputing kamiso ito at pulang pantalon. Parang galing siya sa probinsiya.

"Hindi,ngunit nangako siya.."tugon ng babae sa tanong ng lalaking iyon.

"At ano naman? Mga matatamis na salitang hindi niya naman mapapanindigan?"natatawang saad ng lalaki. Nakita ko namang napakuyom ang kamay ng babaeng kaharap nila.

Sinubukang pigilan ng dalawang lalaki ang kaibigan pero mukhang diterminado siyang makuha ang babae.

"Nagkakamali ka...isa iyong pangako na sabay naming aabutin. At iyon ang pagpapakasal.."tugon ng babae. Napa seryoso namang ang lalaking iyon. Hindi niya aakalaing kaya iyong sabihin sa kaniya ng babae.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon