Magbubukang liwayway pa lamang ay nagliligpit na si manang Biday ng mga dadalhin n'ya sa pagalis n'ya papunta sa Hacienda Hernandez. Iyon ang pagkakaintindi ko sa pinagusapan nila ni mang islaw kanina."Agua, si islaw na ang bahala sa iyo rito at kung maaari ay huwag niyong ialis ang tingin kay Protacio. Makulit ang batang iyan. Hindi ko na ibigpang maulit muli ang nangyari noon." Bilin ni manang Biday sa akin habang abala pa rin siya sa paglagay ng mga damit sa tampipi.
"Ayos na ba ang lahat bilinda,mahal?"tanong ni mang islaw nang makapasok siya sa pinto ng bahag. Galing kasi siya sa labas para ihanda 'yong sasakyan namin para ihatid si manang Biday sa Hacienda Hernandez.
"Nakahanda na. Protacio tayo na sa labas at nang makarating tayo ng maaga sa Hacienda." Nagmamadaling sabi ni manang Biday at agad na lumabas kaya sumunod na rin ako. Sinarado narin ni mang islaw yung kubo at tinahak namin ang madilim na palayan papunta sa kalsadang lupa.
"Mang islaw,"tawag ko kay mang islaw. Nasa likuran ko siya at may dalang lampara gayon din si manang Biday sa harapan na may dala rin lampara para mailawan ang madilim na daan.
"Naninibago lamang sa iyo ang aking asawa,hija kaya't pagpasensyahan mo na lamang sya,"wika ni mang islaw. Napagtango na lamang ako sa sinabi niya dahil alam ko ang naiisip niya tungkol sa magiging reaksyon ko sa nangyayari.
"Ayos lang po iyon. Ang gusto ko lang pong itanong ay masungit po ba yung mga amo ni manang Biday?"tanong ko sa mahinang boses baka kasi marinig kami ni manang biday pagalitan na naman ako.
"Kabaliktaran ng iyong iniisip,hija. Hindi malupit o masungit ang pamilya Hernandez,sa katunayan nga ay sila ang dahilan kung bakit natuto ng wikang kastila ang aking bilinda,"saad ni mang islaw kaya napatango na lang ako. Mabait naman pala pero bakit nagmamadali si manang Biday na makapunta agad doon? Excited ba siya sa pagtatrabaho? Kung ako iyon,tatamadin lang ako maglinis ng bahay.
"Kung iyong iniisip kung bakit kailangan ay maaga siya makarating sa Hacienda? Iyon ay dahil sa darating na ang dalawang ginoong magpinsan mula sa manila at kinakailangan na makapaghanda agad ng makakain." Paliwanag ni mang islaw. Muli akong napagtango NG tatlong beses. May magpinsan palang darating. Kung sabagay mayaman sila kaya malamang sa malamang,kailangan talagang paghandaan ang pagdating nila. buong akala ko talaga ay pinamamalupitan si manang Biday e.
"Sumakay ka na agad,agua nang makaalis na,"ani manang Biday. Lulan pala siya ng kalesa ,ni hindi ko man lang namalayan. Sumakay na rin ako at baka masermunan na naman niya ako.
Nang makasakay na ako at nasa maayos na ang pagkakaupo ay siya namang pagsakay ni mang islaw sa harapan. Natigilan ako nang makita ang maghahatid sa aming alagang hayop.
"K-kalabaw? Sandali bakit..." Seryoso ba sila? Hindi ako makapaniwala na hindi kabayo ang gagamitin sa pagpapatakbo ng kalesa. Hindi kaya maging mabagal ang pag-usad namin?
"Ate siya nga pala si Bibong ang asawa ni Natasia,"bulong ni Protacio sa'kin. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ang lalabas pa na ito ang asawa ng makakapangalan ko sanang baka?Nasa gitna namin s'ya ni manang Biday na abala sa pag-aayos ng kaniyang gamit.
"Ayos na ba ang lahat ?"tanong ni mang islaw nang hindi lumilingon sa amin. Muli akong napalingon kay Manang Biday. Seryoso na siyang nakatingin ngayon ng diretso sa harapang kalsada.
"Maayos na kaya umpisahan mo na sa pagpapalakad sa kalabaw,"ani manang Biday at nag-umpisa na nga sa paglakad ng kalesa. Lumingon ako sa bintana ng kalesa at dinama ang malamig na simoy ng umaga.Medyo madilim pa ang paligid pero kahit gano'n nakikita ko naman 'yong mga palayan at bahay kubo sa paligid gayon din yung mga nagpapausok na.
"Anong taon na po pala ngayon?"tanong ko. Ngayon ko lang na alala magtanong kung anong taon na ngayon. Hay naku! Baka panahon na pala ng hapon ang napuntahan kong panahon na Ito. Nakakatakot iyon!
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...