Kabanata 43

27 2 0
                                    

[Chapter 43]

Hapon na nang makauwi ako sa mansion ng mga Hernandez. Kasama ko na ngayon si Protacio.

Nagpaiwan ako ng umalis sina Lola Rafaela sa Hacienda cristobal. Nagpaalam ako na susunduin si Protacio upang makasama ko sa mansion ng mga Hernandez.

Sinubukan pa ngang magpumilit ni Dom na samahan ako pero hindi ako pumayag at sinabing samahan na lamang si Lola Rafaela at salubungin si Diego.

Nang makarating kami nila Antonio at Gracia sa Hacienda Buenavista. Sinalubong kami ni Protacio. Pinaliwanag ko ang lahat sa kaniya at 'di naman siya nagdalawang isip na sumama sa akin.

Napagusapan pa namin nila Antonio at Gracia ang tungkol sa mga naganap kanina. Pinatunayan nilang si dom ang nagpatawag kay Don Velasco at hindi sina Don abelino.

Nadismaya ako nang malaman ko iyon dahil nagsinungaling si Adonis at Don abelino sa akin. Pinaniwala nila ako.

"Narito na pala kayo.."natauhan ako ng marinig ang tinig ni manang Lisa. Nakangiti ito sa amin.

"Nasa hapag kainan na silang lahat at kumakain. Hindi ka na nila nahintay pa"patuloy niya.

"Salamat po.."

Sinamahan niya kami papunta sa hapag kainan. Naroon na nga silang lahat habang nagkukuwentuhan ng masaya. Nakita ko si Lola Rafaela na iba ang tingin kina cathalina at doña Patricia.

"Oh,mabuti at nakauwi ka na Luna..a-ah este agua.."sambit ni Lola Rafaela na tila ba pinaparinggan sina cathalina at doña Patricia.

"Magandang gabi po sa inyo.."magiliw na bati ni Protacio.

"I-IKAW!"sabay na sigaw ni Protacio at Rosalinda. Nagtataka naman silang tinignan ng lahat.

Napailing na lang ako. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Lola Rafaela sa akin. Nagkita na nga pala ang dalawang ito at isa pang aksidente sa putikan. Siguradong world war 3 na 'to.

"Magkakilala kayo?"takang tanong ni Diego na katabi ngayon si Rosalinda. Pabagsak namang ibinaba ni Rosalinda ang hawak na kutsara at binaling ang tingin sa pinggan.

"Hindi. Wala akong kilalang ginoo na isip bata. Naglalaro pa sa putikan.."madiin na sambit ni Rosalinda.

"Wala rin naman po akong kilala na isang binibini ngunit mas madumi pa po sa putik ang ugali"tugon naman ni Protacio. Sinanggi ko siya kaya natahimik siya.

"Hay naku tama na iyan. Oh,siya maupo na kayo at sumabay na sa pagkain"awa't ni Lola Rafaela.

Umupo na kami ni Protacio sa dalawang bakanteng upuan. Kaharap namin ngayon sina dom at cathalina. Hindi ko mawari kung bakit nakangiti si dom habang kumakain ito.

Nagkasalubong naman ang tingin namin ni cathalina. Napakalalim ng tingin niya sa akin na para bang gusto niya akong kainin ng buhay ngayon.

Muli akong nakaramdam ng pagkasabik sa mga nagaganap. Hindi ko man lang namalayang nginisihan ko na pala siya.

Pinagsilbihan na kami ng mga kasambahay. Nilagyan ni manang Lisa ang pinggan ko ng kanin at gayon din kay Protacio. Lumayo na siya matapos ang tungkulin.

Napansin kong wala pa si Adonis. Ngunit wala na ring bakante para sa kaniya. Nasa kabisera si Lola Rafaela at katabi niya naman s a magkabilang gilid ang kambal na anak na sina Don abelino at Don dominado.

Katabi ni Don abelino si doña Patricia at katabi ni Don dominado ang kaniyang asawa. Katabi naman ni doña alejandra si dom na katabi ngayon si cathalina. Si doña Patricia naman ang katabi ni Protacio.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon