[Chapter 22]
"Luna?...nariyan ka ba?"tanong mula sa labas ng aking silid,bumukas ito at niluwa si kuya Lucas. Nakasuot siya ng pang heneral na damit at mukhang aalis.
"Nariyan ka na naman sa iyong bintana,hindi ka ba makikipaglaro sa labas?"usisa ni kuya Lucas at lumapit naman siya sakin katabi ko sa bintana. Nakasalumbaba naman ako habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa labas.
"Ayaw ko pong lumabas...masyado pong mapanganib ang mga tao sa labas"wika ko, nagtataka namang tumingin sakin si kuya Lucas.
"Mapanganib? Paano mo naman nalamang mapanganib ang mga tao sa labas?"tanong ni kuya Lucas kaya bumuntong hininga akong tumingin ng diretso sa kaniya.
"Ang mga pari sa simbahan tila isang diyos kung pahirapan ang mga mahihirap kahit pa bata...ang mga mayayamang tulad natin ay mapangabos sa kapangyarihan at ang mahihirap po ay ang na aabuso nito kuya....kung kaya't sadyang napakadelikadong makipagkaibigan sa tao. Lalo na't alam po nating pareho na sa ating antas may mga taong nagbabalak ng masama po sa atin"saad ko saka muling tumingin sa labas.
Tumango tango naman si kuya Lucas sa lahat ng mga sinabi ko. "Sadyang napaka bata mo pa ngunit naiintindihan mo na ang lahat sa iyong paligid,nasisiguro ko na hindi ka nila malilinlang"wika ni kuya Lucas kaya napangiti ako at sinuklian niya naman ito ng ngiti.
"Nakaligtaan ko...Nariyan pala ang iyong kaibigan sa ibaba, ang anak ni Don Graciano" natuwa naman ako sa sinabi ni kuya kaya agad akong lumabas sa aking silid at nagmadaling nagtungo sa ibaba.
"Magandang umaga señorita Luna"bati sa akin ng batang Criselda. "Narito po si binibining Gracia"sambit niya saka tinuro ang silid aklatan kung saan naroon ang aking kaibigan.
Pagbukas ko ng pinto ng silid aklatan nakita ko ang batang kasing edad ko at nakangiti ito sakin habang hawak ang librong paborito kong basahin. "Magandang umaga Luna"bati niya at nagbigay Galang sa akin.
"Gracia"
*******
"Gracia!"sigaw ko at napabalikwas ng gising,panaginip na namang muli. Ilang araw na akong nanaginip at lahat ay malinaw kong nakikita,simula ng sabihin sakin ni kuya Lucas ang totoo.
"Si Gracia Buenavista ba ang iyong hinahanap señorita?"nabigla ako ng biglang magsalita si Criselda na ngayon ay nasa likuran ko at nakatayo sa tabi ng bintana.
"Gracia Buenavista?"takang tanong ko. "Ang kaibigan n'yo noong tayo ay mga bata pa señorita,lagi siyang nasa inyong tahanan at anak ni Don Graciano Buenavista "wika niya, napaisip naman ako.....siya kaya ang babaeng minsang pumunta sa klinika ni Don dominado? Gracia rin ang ngalan niya ngunit di ko lang sigurado ang apelyido niya.
Napahawak ako sa noo ko at pilit na inalala ang lahat ng mga naging panaginip ko,ang lahat ng panaginip ko ay nagdurugtong na.
"Nasaan si Protacio?"tanong ko ng mapansing kaming dalawa lang ang nasa loob ng kuwartong ito at napaka tahimik ng sa paligid.
"Sila'y nasa ibabang lahat"wika niya na ipinagtaka ko,nasa baba sila ng ganitong oras ng umaga? At lahat sila?
"Anong ginagawa mo rito kung lahat sila nagtitipon roon?"tanong ko. "Pina babantayan ka nila sa akin señorita"wika niya na mas ipinagtaka ko. "Ano bang ginagawa nila at bakit hindi ako ginising?"sa sobrang pagtataka lumabas ako ng silid at hindi na ako napigilan pa ni Criselda.
Napatigil ako ng nasa hagdan na ako at nakita kong naguusap silang lahat,buong kasapi ng mga rebelde ang narito at nakapalibot sa buong mesa mayroon ding nakatayo sa gilid.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...