Kabanata 21

22 1 0
                                    

[Chapter 21]

Martes ng umaga nasa palengke na kami ni Criselda para bumili ng kakainin namin. Lutang parin ang isip ko habang naglalakad at hawak ang talukbong na itim sa ulo ko at nakasunod kay Criselda,hindi ko pa rin kasi makalimutan ang mga nangyari kagabi at hindi matanggap na nasa iisang bahay kami ng lalaking traydor.

Lahat sila roon at ang ikinabigla ko pa ay ang lalaking sugatan ngayon na ginagamot ni ate crising. Nang dahil sa galit ay agad kung hinugot ang katanang nakasabit sa dingding at agad na tinutok ito sa leeg ng lalaking nagtraydor sakin.

"Bakit narito ka!?"galit na galit na sigaw ko kay Antonio, tama si antonio nga ang lalaking sugatan ngayon sa aking harapan.

"Ibaba mo ang hawak mo kapatid,pakiusap"sinubukang hawakan ng lalaking nagpahirap sa akin at sinasabing kapatid niya ako,kasama niyang dumating ang iba lalo na si Antonio.

"Kasabwat siya ng mag inang cristobal!"naiiyak kong sigaw ngunit kailangan kong maging matapang sa harapan ng lalaking ito.

Nagulat na lamang ako ng idiin ng lalaking kaharap ko ang kamay niya sa talim ng katana. "Biktima lang rin siya rito"seryoso niyang wika. Nabitawan ko ang katana dahil sa tumutulong dugo mula sa kamay ng kaharap ko.

"Mahal!"Nagaalalang tumayo si ate crising at agad na kinuha ang katana na hawak ng lalaki saka dinala ni ate crising sa sala ang lalaki. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatayo roon, samantala si Criselda na ang nagpatuloy sa paggagamot kay Antonio.

"Sumundo ka sa akin"wika ni mang Pedro, sumunod ako sa kaniya sa sala at nakita kong nilalagyan na ng tela ni ate crising ang sugat ng lalaki. Pinaupo ako ni mang Pedro sa tapat nila ate crising at gayong din si mang Pedro.

"Anong nangyari bakit sinama n'yo rito ang kaaway?"tanong ni mang Pedro,tumingin naman sa amin ang lalaki.

"Hindi na siya kaaway"wika niya,natapos na rin ang pagtali ni ate crising sa sugat ng lalaki at tumingin rin sa akin.

"Kasabwat siya ng mga cristobal kaya paanong hindi siya kaaway!"reklamo ko. "Maghunos dili ka binibini"suway sakin ni mang Pedro.

"Ang sinasabi mo bang cristobal ay ang mag ina?"tanong ng lalaki at ngumisi ito saka tumingin ng seryoso sa akin. "Hindi sila cristobal at kahit dugo ng mga cristobal ay wala sila"seryoso niyang sambit.

"Heneral ano pong gagawin namin sa lalaking ito?"tanong ni Criselda kaya ang atensyon namin ay napunta sa kaniya. Heneral pala ang tawag sa lalaking ito tsk.

"Dalhin niyo sa bakanteng kuwarto"utos ng heneral at sinunod namn nila. Hirapan pa silang nag akyat sa hagdan dahil nawalan ng malay si Antonio hanggang sa naakyat na nga nila ito.

"Anong ibig mong sabihin na biktima lang ang binatang iyon?"nabaling ang pansin ko kay mang Pedro ng magsalita siya.

"Napagalaman naming pinasunog ang bahay na tinitirhan ng babaeng ito dahil sa maling akala"wika niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Maling akala?"tanong ni ate crising at tumango naman si heneral. " sa madaling salita....ikaw na naman ang ugat nito"nabigla ako sa sinabi niya,seryoso siya habang nakatingin sakin ng banggitin niya iyon...naguguluhan ako sa nais niyang ipahiwatig.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon