Kabanata 20

26 1 0
                                    

[Chapter 20]

"Patay na sila"dagdag niya pa na ikinagulat ko. Tila nanghina at wala akong marinig tanging nagpa-ulit ulit sa aking pandinig ang kaniyang sinabi. Hindi totoo iyon....gusto kong magwala sa mga narinig ko! Hindi dapat sila namatay!

Tumalikod na ang buntis na babae at umalis ito ,lumapit namn sa akin ang dalagang kasing edad ko lng at tumabi sa akin. "Sumama ka sa amin señorita"saad niya saka inabot ang kamay ko,tumigil ako sa pagiyak at sumunod sa kaniya sa kalapit na silid.

Halos maluha ako sa nakita ko. "P-Protacio"muling bumuhos ang mga luha ko at lumapit sa katawan ni protacio na ngayon ay maraming sugat at lapnos ang kanang paa.

"Nakita namin siya sa likod ng inyong bahay kasama ang asong puti na iyan, nalapnos rin ang kaniyang paa dahil sa pagkahulog ng kahoy mula sa inyong tinitirhan"paliwanag ng binatang katabi ng dalaga.

"Kayo ba ang nag sunog sa Bahay?"seryoso kong wika, bakit kailangan nilang idamay ang pamilyang walang ginawa kundi pahalagahan ako at mahalin.

Tumingin ako ng masama sa kanila at mukha namn silang nasindak. "Nagkakamali ka....sa katunayan nga ay kami pa ang nagligtas sa inyo"wika naman ng babaeng buntis at may dala itong tsaa saka nilapag sa katabing mesa.

"Kung gayon sino ang may pakana ng lahat ng iyon?" Gusto kong gantihan kung sino man ang may kagagawan nyon ,ang mga rebelde ba o ang pamilya cristobal? Sino man sa kanila hindi ko mapapatawad!

"Wala pa kaming nakukuhang impormasyon kung sino man ang may gawa nun kung kaya't inumin mo muna ito upang bumalik ang alaala mo"wika muli ng buntis saka inabot sa akin ang tasang may kulay berdeng tsaa. Naamoy ko pa lamang ay halata ng mapait iyon.

Kinuha ko naman iyon at sinubukang inumin,mapait nga ang lasa nito. "Hindi mo nga pa pala kami nakikilala, ako si Criselda"pakilala ng dalaga at nagbigay Galang ito sa akin. "Ako namn si Rolando"pakilala namn ng binata at nagbigay Galang rin sa akin.

"Ako si Cristina,ate crising na lamang ang itawag mo sa akin"pakilala naman ng buntis na babae at kinuha niya ang isa pang upuan para umupo katabi ko. Tanging lampara lamang ang naging silbing ilaw namin sa silid na ito at sa tingin ko ay nasa maliit na yate kami ngayon.

"Ako namn si-"naputol ang sasabihin ko ng muling magsalita si ate crising. "Mas mabuting magiba ka na lamang ng ngalan binibini"saad niya na ipinagtaka ko.

"Nais ko lamang ipaalam sa iyo na nasa teritoryo ka ng mga dumukot sa iyo noon"wika niyang muli, kung gayon sila ang mga rebelde na iyon.

Napatayo ako at naghanap ng gamit na pwede kong panangga sa kanila ngunit wala akong makita. "Huwag kang magalala señorita Hindi ka namin sasaktan sapagkat ikaw ang-" "tumigil ka crisel!"pigil ni ate crising na mas pinagtaka ko.

"Sino ba talaga kayo?"naguguluhan kong tanong ngunit tumayo lamang si ate crising at tinangka akong hawakan kaya agad namn akong umiwas. "Mas mabuting ikaw na ang makaalam niyon ngunit nais ko lamang ipaalam sayo....hindi kami kalaban"wika niya at agad na umalis sa silid, sumunod namn ang dalawa at sinara ang pinto. Sino ba talaga sila at bakit kailangang ako pa ang makaalam?

*********

Lunes ng umaga at limang araw na lang ang natitirang araw sa itinakdang kasal namin ni dom ngunit siguradong magtataka sila at ipapahanap ako dahil bigla na lamang akong nawala sa bayan.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon