Kabanata 52

7 1 0
                                    

[Chapter 52]

Alas-dose na ng tanghali. Lulan ako ngayon ng kalesa na tutungo sa Hacienda Hernandez. Ibig kong bisitahin roon si Rosalinda maging ang alamin ang kalagayan ni Don abelino matapos isuplong ni Adonis ang sarili no'ng araw ng paghuhukom.

Nakarating na kami sa harapan ng malaking mansion ng mga Hernandez. Inalalayan akong bumaba ng kutsero sa kalesa. Nagpasalamat ako rito bago tumuloy sa pinto ng mansion. Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan naman ito ng kasambahay.

"Kayo ho pala,binibining agua-este señorita Luna." Pagkakamali ng kasambahay. Umiling ako nang yumuko sa hiya ang kasambahay na babae na sa tingin ko ay isang taon ang agwat sa akin. Hinawakan ko ang braso nito.

"Ayos lang. Natural lang ang malito dahilan ng mabilis na pangyayari,"aniko saka ngumiti rito nang tumingin sa akin ang babae.

"Tumuloy po kayo." Nakangiting anyaya nito sa akin papasok sa loob ng mansion.

"Sino ho pala ang inyong sadya ngayon? Wala ho ang señor dom ngayon at may mahalagang pinuntahan." Muli kong naalala ang pagpuslit ni dom papasok sa loob ng hukuman patungo sa piitan. Ano naman kayang mahalagang bagay ang tingo niya ro'n?

"Si Rosalinda ang sadya ko. Maaari mo ba siyang tawagin?" Tumango ang babaeng kasambahay at tumalikod na upang tawagin si Rosalinda sa itaas.

Nakakailang hakbang pa lamang ito nang muli kong tawagin. "Sandali lamang. Nasaan si manang Lisa at pamilya Hernandez?"muli kong tanong.

Hinarap naman ako ng kasambahay na babae. "Nasa likod bahay si manang Lisa at naglalaba samantala,si Don abelino ay nasa hardin at ang mag-anak ni Don dominado ay nagtungo sandali sa tahanan ng ating gobernador,"tugon nito. Tumango ako ng tatlong beses saka nagpasalamat. Umakyat na ang babae upang tawagin si Rosalinda sa silid nito.

Umupo ako sa mahabang upuan sa salas at magmuni muni. Mayamaya pa ay dumating si manang Lisa na nagpatayo sa akin. Gulat din siyang napatingin sa akin tila hindi niya inaasahang narito ako ngayon. Ibinaba niya ang hawak na tapayan sa gilid at hinarap ako.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong niya. Nangunot ang noo ko sapagkat tila ayaw niyang narito ako sa mansion ng mga Hernandez.

"Bibisitahin ko lang po sana si Rosalinda,"aniko. Lumapit ng bahagya si manang Lisa sa akin at bumulong. "May iba ka pang sadya,hindi ba?" Hindi na ako nagulat kung paano niya nahulaan iyon. Isa siyang mahiwagang nilalang kaya alam niya kung ano ang nasa isip ko at mangyayari. Tumango na lamang ako bilang tugon.

"Ate Agua-Luna ho pala!" Magaliw na bati sa akin ni Rosalinda at nagmadaling lumapit sa akin saka ako nito niyakap. Tumugon naman ako sa pagkakayakap niya.

"Lubos po akong nagagalak na kayo ay nagtagumpay,"anya habang nakangiti. Ngumiti ako ng kaunti. Nakikita ko sa mga mata ni Rosalinda ang saya at lungkot. Alam kong nalulungkot siya dahil sa sinapit ni Adonis na kaniya na ring itinuring na nakatatandang kapatid.

Nakuha ang pansin ko nang muling buhatin ni manang Lisa ang tapayan. Iaangat na sana niya ito nang magbukas ang pinto ng mansion. Niluwa nito ang hingal na hingal na sina Diego at Protacio. Tila nag-unahan sila pagtakbo patungo rito.

Napalunok at habol hininga silang napatingin sa akin. "Ano bang nangyari sa inyong dalawa at tila hinabol kayo ng nagwawalang toro?"Alalang tanong ni manang Lisa sa dalawa. Binitiwan niya ulit ang tapayan at hinarap ang dalawang binata.

"Ibig ko po sanang anyayahang mamasyal si binibining Rosalinda." Halos sabay na Anya ng dalawa. Nagkatinginan kami ni rosalinda at tila nagtataka rin sa kinikilos ng dalawa.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon