Lahat tayo ay may mga iba't ibang pangarap sa buhay. May mababa,may sakto lang,may sobrang taas at imposibleng mangyari. Ngunit paano kung ang imposible ay maging posible gamit lamang ang isang kuwintas na pinaniniwalaang tumutupad ng hiling? Paano kung sa pagtupad ng hiling mong iyon ay mapahamak ka? Paano kung sa paraan niyon ay malaman mo ang tunay na pag-ibig pero hindi pala para sa iyo? Anong gagawin mo?
*****Pauwi na ako galing sa School at ngayon ay naglalakad sa gilid ng kalsada malapit sa mga nagtitinda ng iba't ibang uri ng paninda. Mag-isa lang ako dahil nauna ng umuwi ang dalawa kong kaibigan. Habang nagmumuni,napatigil ako sa paglalakad nang may marinig na kwento mula sa isang matandang babae na nagtitinda ng kuwintas. Napatingin ako sa kaniya at sa anim na batang nakikinig sa kaniya.
"Alam niyo ba na mayroong lumubog na malawak at hugis ulap na isla malapit dito sa Cavite noon?"aniya. Umiling naman ang mga bata bilang tugon sa tanong niya.
"Hindi po,mayroon po bang ganun?"tanong ng batang babae.
"Oo naman. Naalala ko pa noong ikinuwento sa akin ng aking ina ang tungkol sa islang iyon." Nanatiling nakinig ang mga bata sa kaniya.
"Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa,mayroong isang bayan dito sa Cavite ang naghihirap at laging pinahihirapan ng ilang Datu. Nakita ito ng ilang mga diwata at lubhang nahabag ang diwata ng pag-ibig sa mga taong iyon kaya't naisip niyang subukan muna ang mga taong ito sa pamamagitan ng pagiging mabuting tao at mas uunahing pangalagaan ang kalikasan kaysa sirain ito. Nagdaan ang ilang araw,natuwa ang diwata dahil sa naging resulta ng kaniyang pagsubok. Naging mabuti ang lahat sa isa't isa pati na sa mga dayong naliligaw sa bayan nila at napangalagaan nila ng mabuti ang mga kayamanan ng kalikasan. Bilang kapalit,gumawa ng himala ang diwata. Hinila niya paitaas sa karagatan ang hugis ulap na lupain sa ilalim ng dagat. Napuno ito ng mga iba't ibang uri ng halaman,mga isda na nakapalibot sa isla at malawak na lupain upang pagtaniman ng palay gayon din ng mga hayop. Ang bayang iyon ay sobrang pinagpala ng mga diwata..." Napatingin sa akin ang matandang nagkukwento kaya't napaiwas ako ng tingin at humakbang na paalis. Ngunit hindi pa ako nakakadalawang hakbang nang magsalita siya ng malakas na tila ba gusto niyang marinig ko ang sasabihin niya.
"Hindi pa nagtatagal na naninirahan roon ang dating mga aliping pinahihirapan ng ilang Datu ay...dumating ang mga Kastila at sinakop ang ating bansa kasama na roon ang islang pinagpala. Ang bayan ay inangkin ng mga Kastila at ang mga taong tunay na nagmamay-ari nun ay naghirap muli sa kamay ng mga Kastila. Sa pagtagal ng panahon,tatlong pamilya ang namuno at binigyang sigla ang bayan. Naging payapa muli ang bayan at nagkaroon ng maayos na samahan ang Pilipino at Kastilang pamilya roon,hindi nagtagal may isang pamilya ang siya ring naging isa sa pamumuno ng bayang iyon upang bigyang trabaho ang lahat ngunit sa pagdaan ng ilang araw at linggo. Ang isla ay muling binalot ng kasakiman mas masama pa sa pagsakop,naging makasalanan at nagkaroon ng pagdanak ng dugo. Ang pagnanakaw at isang rebolusyon. Nagalit ang diwata ng pag-ibig sa nasaksihan. Sa hindi inaasahan ng lahat habang nasa gitna ng labanan,nagpakita ang diwata na dati ay kwentong bayan lamang. Labis ang hinagpis at pagsisisi ng diwata sa pagbibigay sa mga tao kaya't ang binigay na isla ay kaniyang binawi pati na ang mga buhay ng taong naninirahan doon ay hindi pinayagang makapasok sa kalangitan. Ang bayan at mga taong sumira sa ibinigay ng diwata ay isinumpa."Lumingon ako sa matandang nagkukwento nang matapos itong magsalita. Nakatingin siya sa akin ngunit umiwas din. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Tila pamilyar sa akin ang kinukuwento niyang isla.
"Nakakalungkot naman po pala iyon,Lola. Nawalan sila ng tirahan tapos ay hindi pa sila pinapasok sa kalangitan."Malungkot na saad ng batang babae.
"Nararapat lamang iyon,ate. Naging masama sila at inabuso ang binigay ng diwata,"Anya pa ng batang lalaki.
Ngumiti pa ang matandang babae at sinagot ang mga bata. "Kaya't dapat hindi kayo maging abuso sa mga bagay na hindi sa inyo at pinahiram lamang sa inyo,maliwanag ba?"Tumango ang mga bata bilang tugon sa matanda.
Nagulat ako ng bahagya nang napatingin sa akin ang matanda at nginitian ako nito. "A-ahh...Pasensya na po-"
"Sana maibalik mo sa tama ang kamaliang iyon,binibining Luna."Anya na ipinagtaka ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Paalala:Ang istoryang ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang tagpuan at panahon sa istoryang ito ay panahon pa ng mga Kastila dito sa Pilipinas. Ang ilan sa mga makasaysayang lugar ay nabanggit upang magbalik tanaw sa mga pook sa ating kasaysayan. Muli, ang ilan sa mga kaganapan,pangyayari at trahedya sa istoryang ito ay walang kinalaman at walang katotohanan, hindi ito nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Maraming Salamat.
Plagiarism is a crime.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...