Kabanata 3

67 4 0
                                    

[chapter 3]

"Ligpitin na iyan,dapat ay walang kahit na anong kalat ang maaaring kumalat, entiendes?"rinig kong sabi ng babae habang buhat ako ng isang lalaking inutusan niya. Hindi ko maaninag ang mukha nila ngunit isa lang ang alam ko papatayin nila ako habang nakabalot sa sako.

"Si señorita. (Opo señorita),"sabi ng lalaking bitbit ang katawan ko at nagsimula na itong maglakad patungo sa kung saan. Gustuhin ko mang lumaban ngunit hindi ko na maigalaw pa ang aking katawan at unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko hanggang sa.......

"Gising na Mona, kakain na daw!! Mona!"Sigaw ni Shara habang ginigising ako. Panaginip lang pala 'yon mabuti naman. Haisyt! kaunti pa lang tulog ko 'e. Na sa bahay na kami ngayon ng Lolo ko dito sa Naic 'o diba ang lapit lang sa trece Cavite.  Haisyt masyadong OA lang talaga magulang ko.

"Oo na...kainis naman 'e mauna na kayo doon,"angal ko at padabog na bumangon,akmang lalabas na ko kaya lang sumulpot agad si Lolo sa pintuan ng kwarto.

"Ligpitin mo muna iyang higaan mo apo,"mahinahong utos ni lolo kaya sinunod ko na lang 'yon kahit ihing-ihi na ako. Bahala na ayaw ko mapagalitan ni Lolo 'no.

"Pagkatapos mo dyan kumain ka na't pumapayat kang bata ka napakaganda mo pa namang dalaga,"bola pa ni Lolo.

"Lolo naman 'e iyan ka na naman sa biro n'yo." Natatawa kong sabi at sinabayan n'ya rin ng pagtawa kaya nakita yung bungal n'ya hahaha si Lolo talaga.

"Sige na tapusin mo na d'yan at kakain na muna ako,"sabi ni Lolo bago ito pumunta sa labas nandoon kasi yung pagkain namin pero may maliit naman na kubo doon at mahabang lamesa saka upuan kaya sigurado kasya naman lahat ng pagkaing niluto ni mama.

Pagkatapos kong magligpit ng higaan ay lumabas na ako para kumain at shala ang daming pagkain ah may papyesta si mother. Halos puro pagkaing dagat lahat ng nakahaing ulam tahong,talaba na nakababad sa suka,inihaw na bangos at syempre my favorite crab na malalaki.Hmm yummy kainan na.....

"Mukhang maganda gising  mo,Ma ah." Biro ko kay mama at umupo na sa tabi ni Shara at shyla nasa gitna nila akong dalawa.

"Kumain ka na lang d'yan at maghugas ka muna ng kamay mo bago ka kumuha ng pagkain,"utos ni mama kaya nginitian ko na lang s'ya ng nakakaloko at tumayo na para maghugas ng kamay sa poso at dali daling pumunta sa lamesa't kumuha ng pagkain sabay kain ng mabilisan.

"Mabulunan ka Sis, hindi ka mauubusan, dahan dahan lang,"sabi ni Shara na nagpatawa sa lahat pati si lolo nakikita ko na naman yung bungal n'ya haha kaya natawa na rin ako.

"Hi Mona." Nakangiting bati sa'kin ni justine na naging dahilan ng pagkagulat ko kaya nabulunan ako.

"Yan kasi 'e sinasaksak lahat sa bunganga,"sabi ni Shara sabay hagod ng likod ko.

"Peace." Peace sign ni justine saka pilit na ngumiti. Nilakihan ko lang s'ya ng mata. Kainis sulpot ng sulpot kung saan eh,Multo nga naman.

Tinapos ko na lang agad yung pagkain ko para bulyawan si justine sa malayo. Hinanap ko sya pero 'di ko makita sa paligid at nang nahagip na sya ng mata ko-nasa tabing dagat s'ya ng resort. Agad akong patakbong lumapit sakanya at naglakad nang malapit na ako sa kaniya. Narinig kong may sinasabi s'ya pero hindi ko maintindihan kaya mas lumapit pa ako.

"Malapit na ang oras,magkakasama na ulit tayo sa ating panahon at magmamahalan...mahal ko." Kausap niya sa kawalan na ipinagtaka ko. Sinong mahal sinasabi n'ya? Wala naman akong nababalitaang nagkagirlfriend s'ya-aha! Si cathalina siguro tinutukoy n'ya hihi.

"Hoy! Sinong kausap mo?" Pagmamaang- maangan ko na walang narinig.

"Wala naman,naalala ko lang yung dagat...napaganda hindi ba?"nakangiti nyang tanong sakin kaya't tumango ako bilang sagot. Habang dinadama ang hangin na humahaplos sa katawan ko kasabay ang pag-agos ng asul na dagat sa aming harapan,masasabi kong mapayapa naman ang lahat.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon