Kabanata 44

19 1 0
                                    

[Chapter 44]

Hating gabi na ngunit hindi parin ako makatulog. Patuloy pa ring gumugulo sa isipin ko ang mga hindi dapat maganap sa'kin.

Magkatabi kami ni dom ngayon sa iisang banig at ang iisang unan ang gamit namin,kaya sa braso niya napatong ang ulo ko.

Nakatingin ako sa labas ng bintana na hindi namin sinara upang pumasok ang hangin. Kitang kita ko mula rito ang ganda ng maliwanag na buwan.

"Hindi ka makatulog?"tanong ni dom.

"Hindi pa kasi ako inaantok"tugon ko,nanatili parin kami sa ganung posisyon.

"May bumabagabag ba sa iyo?"

"Wala naman"

"Bakit ka nga pala laging galit kay Adonis?..ah kasi simula ng magkakilala tayo lagi na lang kayong nagaaway"hindi ko na napigilan pang magtanong. Umupo siya kaya umupo na rin ako at handang makinig sa sasabihin niya.

"Alam mo kasi...simula ng mapunta ako sa lugar na toh may mga panaginip na hindi ko maintindihan at nung una ko kayong nakita ni Adonis...bigla na lang akong nagalit sa kaniya pero sayo kahit anong pilit kong magalit sayo nanglalambot ang puso ko"paliwanag niya,parehas pala kami ng kalagayan.

"Pero may isang panaginip ang hindi maalis sa isipan ko...kaya't  labis na lamang ako magalit kay Adonis at kay cathalina"nagtaka naman ako.

"Ano naman iyon?"

"Nung una hindi ko pinaniwalaan ang mga panaginip ko ngunit nang isa isa na itong nagkatotoo,minabuti kong sumunod sa puso ko"nakangiti niyang saad.

"Ano yung panaginip na yun?"tanong ko muli,gusto kong marinig kung ano yun.

"Gusto kong tayong dalawa ang tatapos sa mapait na dinanas ng ating nakaraan"wika niya muli,nagkakahalata na akong nililihis niya ang usapan.

"Matulog ka na dyan at dito naman ako sa sulok"sambit niya. Kumunot naman ang noo ko sa nais niya.

"Maluwag pa naman dito"umiling siya at ngumiti saka humiga ng walang sapin at unan.

"Hindi pwedeng magtabi ang lalaki at babae kung hindi ito mag asawa o magkasintahan"tugon niya saka niya pinilit ang kaniyang mata.

Humiga na lang ako sa banig at halos isang Metro ang layo namin sa isa't isa.

"Matulog ka na,narito lang ako upang bantayan ka"wika niya kaya pinikit ko na ang mata ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya at kapayapaan sa aking puso nang gabing iyon. Tila sinasabi niyang 'handa niya akong protektahan kanino man'. At ang pakiramdam na mas minahal ko siya.

                                     *****

Nagising ako nang mapansing wala na si dom sa kubo kaya hinanap ko siya. Pumunta ako sa may pinto palabas at nakita kong galing roon si dom,nagulat naman itong napatingin sa akin.

"Saan ka galing?"tanong ko,ngumiti naman siya at diretsong pumunta sa kubo. Sinundan ko siya doon. Nagmamadali siya sa mga kinikilos niya.

"Na kapag luto na ako ng pagkain,kumain ka na at may gagawin lang ako"wika niya,nilagyan niya ng pagkain ang plato at binigay ito sa akin. Kinuha ko naman iyon kahit na nagtataka.

"May problema ba?"

Tumigil siya saglit sa ginagawa niya at sandaling tumingin sa akin.

"May kaunting hindi pagkakaintindihan lang"nakangiti niyang saad at hinawakan ako sa buhok.

Lumabas muli siya suot ang kamisong puti. Naguguluhan na ako sa mga kinikilos niya. Minabuti kong sundan siya papunta sa pinto papasok sa klinika. 

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon