[Chapter 15]
"A-anak"sambit niya habang hawak ang kaliwa kong kamay,hindi ko alam pero bigla na lang nagbago ang paligid at narito parin ako sa puwesto ko kaharap ang umba umba subalit wala na ang matandang nakaupo rito. Sinabi ko na nga ba't multo lang iyon.
Minabuti kong tumayo at tumingin sa bintana dahil may naririnig ako na kung ano sa ibaba. At napagalaman kong may ginoong matipuno at binibining napakagara ng suot at masaya silang naghahabulan,sa tingin ko ay nasa edad trenta pataas.
Pinagmasdan ko lamang sila sa ginagawa nila,nagulat ako ng tumingala at nakatingin sila sakin ng nakangiti,kinabahan naman ako baka isipin nila chismusa ako.
"Halika at Bumaba ka na rito"sambit ng babae kaya napaturo ako sa sarili ko. ako ba ang kinakausap n'ya.
"Oo nga naman samahan mo kami rito at makipaghabulan rin"saad namn ng lalaki,nakatingin pa rin sila ng nakangiti sakin kaya ngumiti din ako magsasalita na sana ng biglang may magsalita.
"Opo ina,ama tutungo na po ako riyan hintayin n'yo po ako"sagot ng batang babae na katabi ko ngayon,napakaganda n'ya at maayos ang pagkakaayos ng nakapusod nyang buhok at may tali na may desinyong pulang bulaklak.
Bumaba na siya at balak ko pa sana siyang pigilan upang tanungin dahil napaka pamilyar ng mukha niya sakin,para bang nakita ko na siya ngunit huli na at nakababa na siya kaya minabuti kong bumalik na lang sa bintana para panonoorin sila mukhang hindi naman nila ako pina pagalitan.
Paglingon ko ang paligid ay muling nagbago, nasa malawak at madilim na bukid ako ngayon hindi ko alam kung saan banda ito ngunit nakakatakot ang paligid dahil kahit isa ay wala akong makitang tao.
"Ina! Ina! Gumising po kayo! Ama!"rinig kong hinaing ng isang bata at hinanap ko ito,nakita ko ang batang babae yung batang katabi ko lang kanina,teka bakit? Anong nangyari? nasaan ako? Kanina lang ay masaya sila ngunit ano ito? Bakit duguan at naliligo sa sariling dugo ang kaniyang ina?
Lumingon ako sa paligid ang daming namatay at nagpapatayan. Mas lalong umingay ang paligid,ano bang nangyayari rito? Lalapitan ko sana ang batang babae na umiiyak upang tanungin sa mga kaganapan ngayon ngunit napansin kong may kung anong binibigay sa kaniya ang kaniyang naghihingalong ina,humakbang ako palapit sa kanila at sa oras na iyon pati ako ay naiiyak na rin.
"I-ina huwag n'yo po kaming iwan ni ama pakiusap"umiiyak na pakiusap ng bata at sinuklian naman siya ng mapait na ngiti ng kaniyang ina.
"Na aalala mo pa ba ang kuwintas na ito?"nanghihina ng tanong ng babae sa kaniyang anak at ipinakita ang kuwintas na mukhang pamilyar rin sa akin.
"O-opo ina,iyan po ang binigay ng Lola"humihingos na sagot ng bata.
"Ngayon i-ibigay ko na s-saiyo ito,basta't t-tandaan mo na lagi lamangnarito si ina pagsuot mo ito ha?"nanghihina at naiiyak na payo ng kaniyang ina sa anak. Siguro ay nadadala na ako sa eksena nila kung kaya naluluha na rin ako at kumikirot itong puso ko.
"Humiling ka lang at matutupad ang iyong hiling"muling saad ng kaniyang ina at hinalikan sa noo ang kaniyang anak na hindi maawat sa pagluha.
"Paalam anak sa muli nating pagkikita mahal kong L-Luna"huling sambit ng babae bago ito bawian ng buhay. Tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ng batang babae at kasabay niyon ang pagbuhos rin ng ulan na may halong kulog at kidlat,hindi rin nagpaawat sa pakikipaglaban ang bawat tao sa paligid .
"Hinihiling ko na mabuhay si ina! Buhayin mo si ina pakiusap!"rinig kong sigaw ng bata habang hawak ang kuwintas na bigay ng kaniyang ina.
"Luna"sambit ko at akmang hahawakan ko siya upang patahanin ngunit bigla na namang nagbago ang paligid at nawala na akong makita.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Narrativa StoricaNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...