[Chapter 27]
"Sundan ho natin yung kalesang iyon"utos ko sa kutsero namin. Dis oras na ng gabi ngunit nagtataka ako kung bakit aalis pa si doña Patricia.
Matapos ang kasalan nina ama at doña Patricia. Naging masaya at kampante muli ako ngunit sa ilang buwan naming pagsasama sa iisang tahanan. Napapansin kong may kakaiba sa mga kinikilos ng tinuturing kong ina ngayon.
Ngayon gabi lamang ako lumabas ng mansion dahil simula ng mawala si ina,ang tunay kong ina ay hindi na ako lumabas pa at naniwala sa mga taong labas.
Nakasunod lang kami ng palihim sa kalesa nina doña Patricia. Dumaan kami sa masukal na gubat upang hindi nila kami makita. Bumaba na ako sa kalesa at pina iwan na lang sa gitna ng gubat ang kutsero. Magisa kong tinahak ang gubat habang sinusundan ang kalesa na sakay si doña Patricia.
Tumigil ang kalesa sa tapat ng isang maliit na kubo malapit sa tabing ilog. Bumaba sa kalesa si doña Patricia at may inutos pa sa kasama niyang guardia sibil.
"Igihan niyo ang pagbabantay hangga't hindi pa ako bumabalik"rinig ko pang sambit ni doña Patricia. Nagtungo siya sa maliit na kubo kaya naman maingat akong pumunta sa likod ng kubong iyon. Mabuti na lang at walang nakapansin sa kilos ko.
Nang makalapit na ako sa likod,may nakita akong binta roon at dun ako pumuwesto. Sumilip ako ng kaunti at kitang kita ko ang dalawang babae na naguusap ngayon.
"Kamusta ka na dito anak?"tanong ni doña Patricia at hinalikan sa noo ang babaeng kasama niya. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. Hindi namin alam na may anak siya.
"Naiinip na po ako,ina. Hanggang kailan pa po ako maghihintay at magtitiis sa mabaho at masikip na tirahang ito!?"inis na sambit ng dalagang babae na sa wari ko ay kaedad ko lamang.
"Kaunting panahon na lang anak. Malapit ko nang napabagsak ang pamilyang iyon at sa oras na bumagsak na sila...makakamit na natin ang kanilang kayamanan at hustisya para sa iyong ama"paliwanag ni doña Patricia. Na tigilan ako sa mga sinabi niya. Hindi nga nagkamali ng hinala si manang Lisa na isang taksil si doña Patricia.
Napaatras ako ng hindi ko namamalayan. Nagulat na lamang ako ng may masanggi akong palayok at bumagsak ito sa lupa.
"Sinong nariyan?"nagmadali akong nagtago sa gilid nang sumilip si doña Patricia sa bintana. Nakahinga ako ng maluwag dahil inakala ni doña Patricia na isa lang pusa ang dumaan.
Ngunit nagkamali ako. Nagkamali ako na natakasan ko sila. "Tila may mas malaking pusa pa ang narito ina"napatalon ako sa gulat nang makita ang nanlilisik na mata ng babaeng anak ng ina-inahan ko.
Tatakbo pa sana ako nang may biglang humarang sa dinaraanan ko. Nakatalukbong sila at nakatakip rin ang mukha nila. Napaatras ako at si doña Patricia ang nakasalo sa akin. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko at kung paano makakatakas.
"Anong narinig mo?"bulong ni doña Patricia sa akin habang hawak niya ang magkabilang kamay ko at nasa likod ko siya.
"Anong narinig mo!?"napapikit na lamang ako nang sigawan niya ako sa tenga. Tinulak niya ako sa limang tao na nakatakip ang mukha.
"Napakasama mo!"sigaw ko rito. Nakita ko ang pagngisi ni doña Patricia pati na ang anak niya.
"Nagtiwala kami sa iyo ngunit ano ito ha!"tila nawalan na ako nang Galang sa matandang kaharap ko. Sinayang niya ang tiwalang binigay ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...