"JUSTINE!!!!hintayin mo ako!"sigaw ko sa palayong kalesa,narito rin siya sa panahon na ito at kailangan ko siyang maabutan."Sandali ate!"sigaw ni Protacio habang hawak ni Antonio kaya lumingon ako at tumigil sandali sa pagtakbo.
"Antonio!pakiusap bantayan mo muna si Protacio hanggang sa makabalik ako!"sigaw ko at nagumpisa ng muli sa pagtakbo.
Hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo ng kalesa at patuloy rin ako sa pagtakbo at pagsigaw ng pangalan ni justine. Wala na akong pake kung sino pa ang makakita sa akin at kung anong sabihin nila ang mahalaga maabutan ko si justine,marami akong gustong itanong sa kanya. Ang bawat dinadaanan namin parang pamilyar sakin....palengke,garden,simbahan at....teka? Bakit tumigil yung kalesa sa harap ng Hacienda Hernandez?....
"Kailangan kong makaabot"hingal na sabi ko habang tumatakbo palapit sa nakahintong kalesa.
"A-aray!"angal ko ng madapa ako,shems ano ba Mona kailangan mong tumayo!kailangan mo silang maubotan!
"Maraming salamat po"rinig kong sambit ng nagkakalesa at sinimulan na nitong umalis habang ako nakaupo pa rin sa kalsada at iniinda ang sakit ng tuhod ko. Pinilit kong tumayo kahit masakit at lumapit sa malaking gate ng Hacienda.
"Kailangan ko pong makapasok! May kakausapin lng akong importanteng kaibigan"pagpupumilit ko sa nakabantay pero hindi nila ako pinapasok.
"No puedes entrar,Es Un comando importante del Don(you can't Go in,It's an important Command OF the Don)"sabi ng isang tagabantay na kinainis ko.
"¿No estás con él ni vendido?"sabi pa ng isa.
"Kainis namn! Mag Tagalog nga po kayo nasa Pilipinas po kayo wala sa labas ng bansa"inis kong sabi at nagulat ako ng bigla nila akong tinutukan ng baril.
"T-teka nagbibiro lang po-"naputol sasabihin ko ng bigla na lang may humila sakin at dinala ako sa likod ng Hacienda na puno ng mga halaman at puno.
Nagpumiglas ako pero masyado syang malakas kaya sinubukan kong sumigaw para humingi ng tulong pero agad n'ya ring tinakpan yung bibig ko,hindi ko maaninag yung mukha n'ya dahil nakatalikod ako kaharap ng pader at hawak n'ya ang dalawa kong kamay patalikod.
"Shh! Wag kang maingay,Mona"nagulat akong marinig sa kanya yung pangalan ko kaya tumigil ako sa pagpupumiglas at dahan dahan n'ya rin naman akong pinakawalan.
"S-sino ka?"kinakabahan kong sabi at humarap sa kanya.
"Ako ito ang pinaka guwapong ginoo sa panahong ito"sabi n'ya at tinanggal yung suot nyang sumbrero na ikinagulat ko.
"J-justine....."utal kong sabi at kinurot ko pa ang pisngi n'ya,di kasi ako makapaniwala ngayon.
"t-tao ka na"masaya kong sabi at kinurot kurot ko pa sya sa bewang nya sa sobrang tuwA.
"ano ba itigil mo nga iyan!"angal nya at agad nyang hinuli ang kamay ko at pinigilan ito.
"Natutuwa lang ako na tao ka na"masaya kong sambit.
"Saka mas gwapo ka pala pagtao noh?"sabi ko at tumitig sa mukha n'ya.
"Talaga? Sinasabi mo bang gusto mo ako?"Tanong n'ya at saka ngumiti ng nakakaloko
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...