[Chapter 32]
Hating gabi na ngunit hindi parin ako natutulog. Kanina lang napagusapan namin ang tungkol kay padre Alejandro. Hindi nga sila makapaniwala na nakita ko si padre Alejandro sa bilangguan.
Tulad din kasi ng iniisip ko. Bakit pa nila hahanapin si padre Alejandro kung nasa Fort Santiago lang naman pala siya. Nagtaka rin sila dahil wala namang nabalitaang may isang kura na nakulong kasama ang taong nagkasala at mababang uri.
Narito ako sa isang malaking silid,kasama ko rito ang mga kababaihan. Tig-iisa kami ng higaan. Malapit ang higaan ko sa bintana sa gitna naman ang kay ate crising. Napangiti ako nang makita ang anak ni ate crising.
Kahawig siya ni kuya Lucas at mistiso rin ito. Simon ang ipinangalan sa kaniya dahil na rin sa kulot niyang buhok. Nakakatuwang isipin na isa na akong tiyahin sa panahon na ito at mararanasan ko pa ito.
Lumabas ako ng silid ng tahimik. Nasa kabilang silid ang mga lalaki. Apat kasi ang silid rito. Para sa mga kababaihan,kalalakihan at kay maestro. Nasa isang silid naman si Don juancio na nagpapahinga na rin ngayon.
Bababa na sana ako nang mapansing nakauwang ang pinto ni Don juancio. Lumapit ako dun para sana isara pero naisipan kong pumasok at ayusin ang kumot ni Don juancio.
Napaka himbing ng tulog niya. Nakakalungkot nga lang na pumayat siya dahil sa unti unting paglason sa kaniya ng mag inang iyon. Napaisip ako. Ano kayang nangyari bakit sinasabi ni doña Patricia na pinatay ni Don juancio ang una niyang asawa?
Kinumutan ko muna si Don juancio ng maayos bago ako lumabas ng silid niya. Mahabang puting bistida ang suot ko kaya sumasayad ito sa sahig. Nang maisara ko na ang pinto may napansin akong tao mula sa balkonahe kaya pumunta ako dun.
Si maestro lang pala. Nagtatabako na namn siya habang nakatayo at nakatingin sa kalangitan. Walang buwan ngayon,tanging mga bituin lang ang nakikita mula rito.
"Hindi ka rin ba makatulog?"tanong ni maestro. Naramdaman na niya palang nandito ako. Lumapit ako sa kaniya sa balkonahe at tumingin sa paligid. Napakadilim na at wala ng katao tao.
"Humahanga ako sa iyong katapangan. Nagawa mong pamunuan ang isang hukbo n a puro lalaki at nagawa niyo pang pagtagumpayan na maitakas si Don juancio"patuloy niya. Napatango na lang ako. Kung alam niya lang na maraming nagsakripisyo at namatay para lang makatakas si Don juancio. Kahit ako nagsakripisyo rin.
"Nga po pala maraming salamat po dahil pinatuloy niyo rito sina mang Pedro nung masunog yung panaderya"pasasalamat ko saka ngumiti. Tumango naman siya at nagsimulang humithit ng tabako.
"A-alam niyo po ba ang dahilan ng sunog?"tanong ko. Tumingin siya sa mga mata ko at siya rin ang umiwas. Umiling siya saka bumuga ng usok.
"Walang nakakaalam kung paano at sino ang nagsimula ng sunog...nagising na lamang sila na nasusunog ang panaderya"paliwanag niya. Napayuko naman ako. Hindi kaya nalaman ng heneral ang kuta ng mga rebelde? Kaya nila sinunog ang panaderya? Pero imposible. Wala naman akong sinabi tungkol sa panaderya.
"Gusto kong malaman kung bakit hindi mo sinamang tumakas si padre Alejandro?.."tanong ni maestro. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung paniniwalaan niyang bigla na lang nawala sa tabi ko si padre Alejandro. Baka isipin pa niyang nagsisinungaling ako,na pinapaasa ko lang sila.
"Kalimutan mo na..alam kong kahit pilitin mo siyang tumakas ay hindi parin siya papayag. Tapat siya sa lahat at siguradong ayaw niya nang habulin pa siya ng batas at madagdagan ang kasalan niya.."nakatingin lang ako kay maestro. Tunay siyang kaibigan. Kahit pa alam niyang walang kasiguraduhan hahanapin niya parin si padre Alejandro. Kung sana lang may mga kaibigang tulad ni maestro,na Hindi ka iiwan kahit pa hindi ka niya kailangan.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...