"Gumaganti lamang kami! Kinukuha lamang namin ang kinuha niyo sa amin! Buhay at karangyaan niyo ang kapalit sa pagkuha niyo sa buhay ng aking asawa!"nanggagalaiting wika ni doña Patricia. Napahampas pa siya sa lamesa ko na ikinagulat ko.Napatulala na lamang ako at iniisip kong nabanggit ba iyon sa akin ni Don juancio o kahit ni kuya Lucas. Ngunit wala talaga akong maalala. Nakuha ang pansin ko nang tumayo si Don dominado at pumunta sa harapan. Hinarap siya si doña Patricia.
"Kung sa aking pagkakaalala ay,tinutukoy mo ang araw na tinanggal ni Don juancio si recardo,tama ba?"tanong ni Don dominado kay doña Patricia. Seryoso lang na nakatingin si doña Patricia sa kaniya.
"Noong araw na iyon,isa ako sa nakasaksi kung bakit tinanggal sa trabaho ang iyong asawa. Hindi ba niya naikwento sa iyo kung bakit siya tinanggal?"patuloy nito.
"S-sinabi sa akin...sinabi niyang-tinanggal siya sapagkat pinagpipilitan niyang humiram ng pera kay Don juancio ngunit hindi siya nito pinagbigyan at sa pagkainis ay tinanggal siya sa trabaho. Tanging kaunting salapi lamang ang kailangan namin upang ipagamot ang aming anak na may sakit ngunit hindi siya pinagbigyan!"tugon ni doña Patricia.
Napailing iling naman si Don dominado at humakbang ng kaunti. "Mali ang pagkakabanggit sa iyo ng iyong asawa. Hindi totoong tinanggal siya nang dahil doon. Tinanggal siya dahil sa pagtangka niyang pagkuha sa bunsong anak ni Don juancio at gawin itong pain upang makakuha ng pera kay Don juancio. Noong araw na iyon ay nawawala sa katinuan ang iyong asawa,doña Patricia"paliwanag ni Don dominado. Kumunot ang noo ko.
"Hindi totoong nawawala sa katinuan ang aking asawa-"natigilan si doña Patricia nang magsalita si Don Velasco.
"Totoo iyon,doña Patricia. Hindi ba't kalat na kalat iyon sa buong bayan noon? At kaya nga ang pamangkin ko ay hindi na binalak pang lumabas ng bahay ay dahil sa kagagawan ng iyong asawa! Tinakot at muntik pa niyang sugatan ang bata...kaya't ngayon mo sabihin sa amin,Patricia? Sino ba talaga ang tunay na may sala at nauna?" Nagbulong bulungan ang mga tao at isinigaw na ang panig ng nasasakdal ang may sala.
Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Pinunasan ko ito at pilit na inaalala ang kaganapan na iyon. Saglit akong mapangiti dahil tila naaalala ko ngunit malabo ang mukha ng mga taong kasama ko nung araw na iyon.
Nagpa tahimik ang lahat nang pumunta si Antonio sa harap. Umupo naman si Don dominado at naiwan si Antonio sa gitna kaharap ang hukum.
"Ibig kong maging isa sa saksi at magpanukala ng isa pang kasalanan ng mag-inang mandaya.."seryosong saad ni Antonio. Tumango ang hukum sinyales na magpatuloy si Antonio sa pagsasalita.
"Ako po si Antonio Lou,anak ni Ching lou...isa ako sa mga utusan ng mag ina pong iyan"matapang na wika ni Antonio at pinunit nito ang damit sa bandang dibdib niya upang ipakita ang tatak ng kanilang grupo.
"Kasabwat ka ng mag inang ito?"tanong ng hukom.
"Noon po iyon bago mamatay ang aking ina. Inutusan niya akong hanapin ang totoong Luna nang mabalitaan niyang buhay pa ang babaeng ito"turo sa akin ni Antonio.
"Pinasundan niya sa akin si Luna nang ibalita kong buhay pa nga ito,nalaman din naming nawalan ng alaala ang totoong Luna kung kaya't naging kampante siya ngunit nang mabalitaan nilang buhay si heneral Lucas,agad nilang inutos sa akin na patayin ang totoong Luna at....inutusan rin nila akong maghanap ng lason upang patayin si Don juancio"nakayukong paliwanag ni Antonio.
"Ituloy mo ang nangyari"wika ng hukom,tumango naman si Antonio.
"Hindi ko tinuloy ang pagpatay sa kaniya sapagkat naging panatag din ako nang magpanggap na lalaki ang totoong Luna,sa pamamagitan niyon hindi ako makakapatay ng inosenteng tao at maliligtas ito dahil sa pagpapanggap niya bilang lalaki at isa pa....naging malapit rin naman kaming magkaibigan kung kaya't hinayaan ko siyang mabuhay"dugtong ni Antonio,napatango tango ang hukom at komportable ng nakaupo sa kaniyang puwesto.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Fiksi SejarahNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...