Kabanata 12

39 3 0
                                    

[chapter 12]

Makalipas ang ilang buwan matapos ang pangyayaring iyon. Nakatakas kami at natalo ang mga kalaban ngunit natalo man ang mga kalaban hindi kami maaaring magsaya dahil sa kalagayan ni justine Ngayon. naghihingalo na sya at nauubusan na rin ng dugo nung gabing iyon kung kaya't nagmadali kaming dalhin sya sa pinakamalapit na pagamutan.....nung gabi ring iyon nakilala ko si Don dominado at labis itong nag aalala para kay justine.

"Tila malalim ang iyong iniisip,ginoo?"tanong ni Don dominado,kasalukuyang nasa bintana kami ngayon ng silid ni justine at tinatanaw ang ganda ng paligid ngunit hindi pa rin gumigising si justine hanggang ngayon. At ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpapanggap ko.

Nakatirintas ang mahaba kong buhok at naglagay rin ako ng manipis na bigote upang kahit kaunti ay hindi ako makilala na isang babae,marami namang mahaba ang buhok na lalaki rito kung kaya't hindi ako nahirapang itago ang buhok ko sa kanila.

"Iniisip ko lang po kung hindi po sana ako sumunod sa tulisan hindi sana nangyari ang mga ito"nagsisisi kong sambit saka yumuko.

"Huwag mong sisihin ang iyong sarili,ang lahat ay may hindi inaasahang pangyayari na bigla na lamang darating na kahit anong pilit mong iwasan ay hindi mo mapipigilan,sapagkat ito ang ating tadhana"salaysay Niya saka tumingin sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Magigising si Adonis kung kaya't huwag mo nang sisihin ang iyong sarili"sambit niya saka sya lumabas ng kwarto.

"Kailan pa?....kailan ka ba magigising justine??...hindi ko na alam ang gagawin ko at kung ano ba ang tamang gawin?"naguguluhan kong sambit dahil sa mga oras na ito gumugulo pa rin sa aking isipan ang mga salitang binitawan ng lalaki na tinawag akong kapatid.


Habang nagkakagulo at pilit na ginigising si justine ay bigla na lamang ako sinambunutan ng kung sino mula sa likuran ko at dinala ako sa tagong lugar. Gustuhin ko mang sumigaw upang tulungan nila ako ngunit tinutukan agad ako nito ng baril sa leeg.

"Pakiusap,hayaan mo na ako"umiiyak kong sambit ngunit tumawa lang siya ng mahina at tinulak ako sa sulok ng kuweba kung saan walang kahit na anong ilaw kayat wala akong maaninag tanging mga yapak lamang ng kasama ko ang naririnig ko pati na rin ang sigawan sa labas.

"Hindi ka maaaring umalis rito hangga't wala kang nalalaman!"bulong niya saka hinawakan ang aking mukha,dahil sa gulat ay naitinulak ko siya.

"S-sino k-kaba talaga!"sigaw ko na umalingawngaw sa loob ng kuweba. Lumapit siyang muli sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking magkabilang pisngi.

"Dapat kang magising sa katotohanan at maghiganti sa lahat!"madiin niyang bulong sa akin saka ako sinampal,napaiyak ako sa ginawa niya.

Sobrang sakit na ng katawan at pisngi ko dahil sa Sampal at bugbug nila pakiramdam ko ay hindi na ako makakatagal sa lugar na ito . Kaya't kahit delikado ay sumigaw ako upang humingi ng tulong.

"Tulungan n'yo ako!!!! Narito ako sa pinakadulo!!! Pakiusap tulo—"napatigil ako ng muli niya akong sampalin na nagpatinag sa akin,napahawak ako sa bandang labi ko at naramdaman kung may likidong tumutulo sa aking labi,dumudugo na ang labi ko dahil sa sakit.

"Lapastangan! Sa tingin mo ba ay papayag ako na makatakas ka ng hindi manlang nalalaman ang lahat?"madiin niyang sambit at akmang lalapit muli ito sakin ng may marinig kaming papalapit sa lugar namin. Nabuhayan muli ako ng pag-asa na maililigtas ako.

"Tsk!sa ngayon nagtagumpay ka na makakatakas ngunit tandaan mo ito....huwag kang magtiwala sa bagong darating,maghiganti ,maghiganti ka!! tapusin ang dapat tapusin"sambit niya ngunit bigla na lamang akong unti unting nawawalan ng malay dahil na rin siguro sa pagod. Nang makaalis na siya at makitang palapit na ang mga guwardiya sibil dala ang lampara,tuluyan na akong nawalan ng malay.
*****

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon