Kabanata 29

23 2 0
                                    

[Chapter 29]

Desyembre 31,1889. Tanghali na at ang lahat ay naghahanda na sa darating na bagong taon. Matapos ang kaarawan ni justine. Umuwi na kami rito sa Binondo kinabukasan dahil alam na ni dom kung sino ako kahit pa todo ayos na ang ginawa ko.

Hindi rin ako nakatulog nung araw na iyon dahil sa pagiisip kung paano niya nalamang ako yun? Pero ang isiping alam niyang ako iyon pero nagawa niyang ipakita sa harapan ko ang landian nila ng asawa niya na ngayon. Kung sabagay asawa niya nga naman yun kaya pwede niya ng landiin haiyst.

"Ang aga aga nakabusangot na naman iyang mukha mo"kantiyaw sa akin ni ate crising. Nasa kusina kami ngayon at nagluluto ng handa para mamaya.

Hindi naman kami napagalitan nina mang Pedro nang tumakas ako rito. Naiintindihan naman nila ang punto ko pero ang hindi magpaalam sa kanila ang masama.

"Naalala na naman niya siguro ang tagpo nila ni señor Adonis"natatawang saad ni Rolando. Nagkakayod siya ngayon ng niyog. Muli ko na naman tuloy naalala yung tagpo namin ni justine nung sinanay niya ako sa paggamit ng pana.

"Ganito kasi dapat"turo ni justine sa akin. Hawak ko ang pana. Sobrang lapit na namin sa isa't isa dahil hawak niya na rin ang pana kung paano ko ito hawakan. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mukha niyang nakadikit na sa mukha ko.

"K-kaya ko na 'to"saad ko. Napansin naman ata ni justine ang nais kong iparating kaya lumayo siya ng kaunti sa akin at hinayaan ako sa paghawak ng pana.

Inayos ko muli ang pana at itinutok sa target na puno. Hindi naman ito kalayuan. Bibitawan ko na sana ang palaso nang biglang masanggi ako ni Antonio na nakikipag habulan kay Gracia. Kaya nabitawan ko pataas ang palaso at muntik p ako mawalan ng balanse pero agad akong nasalo ni justine at siya ang napahiga sa ilalim at ako ang nasa ibabaw niya.

Namula bigla ang pisngi ko nang magkatinginan kami. Agad akong tumayo at tumakbo palayo. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang reaksyon ko. Shems girl natumba ako sa dibdib ni justine at ramdam ko yung abs niya ihhhh.

"Bagay naman kayong dalawa bakit hindi mo na siya gawing asawa?"natauhan ako sa sinabi ni Rolando. Patawa tawa pa kaya binato ko siya ng sibuyas na hinihiwa ko. Natamaan naman siya sa noo kaya natawa ako.

Nabaling naman ang tingin ko kay crisel na nakasimangot rin ngayon. Nagulat ako nang may luhang pumatak sa mata niya.

"C-crisel?"utal kong tawag sa kaniya. Tumingin naman siya s sakin at pinunasan ang luha niya.

"Bakit?"

"Umiiyak ka ba?"

"Naku hindi! Nalanghap ko kasi yung amoy ng sibuyas na hinihiwa mo kung kaya't lumuluha itong mata ko"napatango na lang ako sa paliwanag niya. Baka nga sa sibuyas lang. Magharap kami kaya siguro nasinghot niya talaga.

Binigay ko na kay ate crising ang hiniwa king sibuyas para sa niluluto niyang sinigang na baboy. May niluto rin kaming mga kakanin at pansit. Tumulong rin ako kanina sa panaderya na gumawa ng tinapay na mukhang letchon.

Namangha pa sila kung paano ko nagawa yun kaya natawa ako. Turo lang sa akin yung kaibigan ni mama na nagtitinda rin ng tinapay sa bakery. Isa rin yun sa magiging handa. Wala naman kaming kakayanan na bumili ng letchon kaya ginawa ko na lang sa tinapay. Para mukhang mayaman diba? Haha.

Magtatakip silim na nang matapos na namin ang mga niluto. Handa na rin yun para ilabas mamaya. Nakasanayan kasi ng lahat na sa tuwing may ganitong pista ay nilalabas ang lahat ng mga hinanda nila para sa lahat. Libreng tikim ng bawat isa. Puwedeng kumuha kahit kailan mo gusto. Kaya siguradong mabubusog ako ngayong gabi dahil maraming handang masasarap sa labas.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon