Kabanata 19

23 2 0
                                    

[Chapter 19]

Pagbukas ko pa lamang ay may sumalubong sa aking matalim na itak na nakatutok na ngayon sa aking leeg. Hindi ko sila maaninag dahil sa madilim na paligid ngunit isa lang ang nasa isip ko....nasa kapahamakan na namang muli ako.

Tinulak ako ng may hawak sakin papunta sa loob ng bahay gayon din ang ginawa nila kay Protacio na ngayon ay naiiyak na sa takot.

Naramdaman ko namn sinarado nila ang pinto ng bahay at ngayon ay nakaupo kami sa isang silya katabi ko sa kanan si Protacio. Tinatali na rin ngayon ng isa pa nilang kasama ang kamay ko patalikod gayon din ang kay Protacio,naisin ko mang manglaban wala namn akong laban dahil sa hawak nilang itak na pwedeng sa kaunting galaw ko lang mamatay ako.

"Sino kayo? Anong kailangan n'yo samin?"tanong ko kahit na sobra na ang kabang dumadaloy sa buong katawan ko.

"A-anak,agua"rinig kong sambit ng babae mula sa kaliwa ko. Kilala ko ang boses na iyon,nasisiguro kong narito rin sina mang islaw at manang Biday.

"I-ina!"tawag ni Protacio. "Manahimik ka!"sigaw ng kaharap ko ngayon at agad na sinikmurahan si protacio na kinainis ko,wala silang karapatang manakit ng tao. Naaninag ko na rin ng kaunti ang paligid dahil sa tumatagos na liwanag ng buwan sa nakabukas na bintana.

"Huwag niyo nang patagalin pa ang buhay ng babaeng iyan,gilitan niyo na ng leeg!"nagimbal ako sa mga narinig ko,nais nila akong patayin! "Pakiusap wag!"sigaw pa ni mang islaw ngunit nakatingin lang ako sa lalaking kaharap ko at unti unti nitong tinaas ang hawak na itak,napapikit na lamang ako.

Dito na siguro ako mamatay. Hindi ko manlang na Silayan muli ang tunay kong pamilya at humingi ng tawad sa mga kasalanan ko,hindi ko na sila mayayakap pa at makikitang masaya. Nais ko pa silang makasama ngunit huli na ata ang lahat narito ako sa panahong pinangarap ko na siyang  paglilibingan ko.

"Agua! Binibining agua!"napadilat ako at gulat na pinakinggan ko sino ang tumatawag sa akin. "Mang islaw nariyan ho ba kayo?"hindi ako maaaring magkamali boses iyon ni Antonio. Tila nabuhayan ako ng loob dahil narito na siya.

"Delikado tayo! Kailangan na nating umalis"wika ng kasamahan nila, ngumisi ako sa kaharap ko na ngayon ay nakatingin na ng masama sa akin. "Hindi pa tayo tapos!"wika niya saka umalis ng parang bula.

"Manang bilinda nariyan po ba kayo!?"sigaw muli ni Antonio mula sa labas kaya sumigaw na ako na pumasok siya at gulat namn siyang nakita kaming nakatali sa upuan.

"Anong nangyari?"tanong ni justine na kasunod ni Antonio,bakit magkasama sila? Ngunit hindi na mahalaga iyon ang mahalaga ay nailigtas nila kami mula sa kapahamakan.

"Agua...anong nangyari?"tanong ni justine sakin habang kinakalagan ako sa tali,tumingin naman ako sa kaniya ng maluha luha saka siya niyakap ng mahigpit,tuluyan na ngang lumabas ang kanina ko pang tinatagong takot at luha. "Tahan na, nakarito na ako hindi kita iiwan"bulong niya at niyakap rin ako ng mahigpit.

*********

Matapos ang nangyaring iyon kagabi hindi na ako nakatulog pa ng maayos at tila lutang sa kakaisip kung sino ang nagpautos na patayin ako. Wala naman akong kahit sino na naging kaaway rito at imposible ring ang mga dumukot sa akin noon iyon dahil ibang iba ang suot ng mga lalaki kagabi at ang ipinagtataka ko pa ay kung ang mga tulisan nga na dumukot sa akin yun noon Edi sana matagal na nila akong pinatay ngunit bakit kailangan sa bahay pa nila mang islaw?....

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon