[Chapter 30]
Maaga akong nagising ngayong umaga. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin makalimutan na nagkasama kami ni dom buong magdamag kagabi. Habang pinapanuod ang pagsabog ng mga fire works na nagpaganda sa kalangitan.
Napagalitan pa ako kagabi nang umuwi ako. Sobrang nagalala sina mang Pedro lalo na si justine at Criselda na iniwan ko. Humingi naman ako ng tawad. Nakaligtaan kong may kasama pala ako. Pero kahit ganun pinalagpas na lang nila iyon dahil bagong taon naman daw.
Kaya ngayon para makabawi sa kasalanan ko gabi. Ako ang magluluto at maghuhugas ng pinggan. Kumakanta pa ako habang naghuhugas ng mga pinggan na natira kagabi sa handaan. Ininit ko na rin ang mga natirang pagkain para makain naman ngayon.
"Kitang kita sa mukha mo ang saya na nagkita kayong muli"nabigla naman ako kay Antonio. Nasa likuran ko na pala siya. Parang multo rin ang isang ito kung saan saan sumusulpot.
"Ang dami ngang pagkain kagabi e"masaya kong sambit at nagpatuloy sa paghuhugas.
"Talaga? Mabuti naman na hindi nasayang ang naisip ko"napatigil ako at tumingin kay Antonio. Hindi ko siya maintindihan.
"Ano bang sinasabi mo?"ngumiti siya. Teka,parang may iba sa mga ngiti niya ngayon. Hindi na siya malungkot katulad kagabi.
"Wala.."tugon niya pero hindi ako papayag na hindi malaman yun. May naisip siya? Hindi nasayang? Yung ano?
"Oh sige sasabihin ko na lang kay Gracia na GUSTO MO SIYA!"pagdidiin ko sa huling salita. Napangiti naman ako dahil tumabla sa kaniya ang sinabi ko. Lumapit siyang muli sa akin.
"Sasabihin ko na. Wag mo lang gagawin iyon"bulong niya kaya tumango tango ako.
"Mabait ka naman pala e"pang asar ko pa sa kaniya. Inis naman siyang tumindig ng maayos. Kaming dalawa lang ang narito sa kusina at nasa panaderya na sina mang Pedro at Rolando para magluto ng tinapay.
Nagtaka ako nang inabot niya sa akin ang maliit na papel. "Basahin mo iyan. Nandiyan ang kasagutan"
Nagpunas muna ako ng kamay at inabot ang papel na iyon. Binuklat ko ito at binasa ang nakasulat. Napahawak na lang ako sa bibig ko at gulat na napatingin kay Antonio.
"Totoo ba 'to?"
"Ilihim mo lang iyan"bulong ni Antonio at inagaw sa akin yung papel. Binulsa niya ulit ito at akmang hahakbang na siya ng magsalita ako.
"Kaya pala wala ka rin kagabi dito. Nakipagkita ka kay Gracia?"bulong ko. Sinenyasan niya naman ako na tumahimik kaya tinakpan ko muli ang bibig ko.
"Oo at iyon ang kapalit upang magkita kayo ni señor dom"tugon niya. Natawa na lang ako sa sarili. Kaya pala nagkita kami ni dom kahit na napakaraming tao kagabi sa harap ng simbahan.
"Ikaw ha...dumadamoves ka nang hindi ko alam ha!"kantiyaw ko sa kaniya. Napakamot naman siya ng ulo at napailing.
"Hindi ko na naman malaman kung anong sinasabi mo"naguguluhan niyang sambit at umalis na sa harapan ko. Binalik ko na lang muli ang pansin sa mga hinuhugasan kong pinggan.
Nagawang makipagsabuwatan ni dom kay Antonio para lang makita ako? Lalo tuloy akong napapaibig sa kaniya.
"Mang Pedro may dala akong balita"rinig kong hingal na hingal na lalaki. Ngayon ko lang siya nakita rito.
"Walang palaman sa tinapay!"sigaw ni mang Pedro. Nagulat na lang ako nang magsibabaan sina ate crising at dumating rin ang ibang mga kasapi ng rebelde.
Umupo silang lahat sa tapat ng mahabang mesa. Nakatayo lang ako sa pinto ng kusina habang nakatingin sa kanila. Narito na rin sina justine at Antonio pati na si Protacio na bagong gising palang.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...