Kabanata 35

16 2 0
                                    

[Chapter 35]

Enero 31,1890
Isla aparecio

"Masaya akong narito ka nawa'y maging masaya ang iyong gabi rito señor"nakangiting bati sa akin ni maestro. Ngumiti rin ako saka kinuha ang sumbrero sa ulo ko at tinapat ito sa aking dibdib upang magbigay Galang sa kaniya.

"Natutuwa rin po akong nasa maayos kayong kalagayan" saad ko gamit ang malalim na boses. Ganito pa rin ang ayos ko mula ng magkita kami ni dom kanina. Alam na ni maestro na ako ito dahil sa pakiki pagkilala ko sa kaniya kanina.

Alas osto palang ng gabi,narito kami ngayon sa mansion ng mga Hernandez dito sa isla aparecio. Mula ng dumating kami sa tinutuluyan nila dom sa manila,ipinaliwanag nila sa akin ang lahat.

Si Gracia ang tumutulong kay dom kung paano maging isang babae at ang batang si Diego ay kapatid pala ni dom. Inamin din nila kung paano nila ako nahanap. Nakipagtulungan muli si dom kay Antonio kapalit ng pagkikita nila araw araw ni Gracia.

Napailing ako sa naisip nilang yun. Tunay ngang iniibig ni Antonio si Gracia. Handa siyang tumanggap ng kahit ano kapalit lang ni Gracia. Kaya pala wala lagi si Antonio sa bahay dahil nasa piling na pala siya ni Gracia. Ibang klase.

Dinala nila ako rito sa isla aparecio upang sa isang kasiyahan. Ito ang araw na pinaghandaan ng lahat. Ang kaarawan ni Dom Rafael Hernandez. Sinama niya ako rito para daw maging sa unang pagkakataon masaya naman ang kaarawan niya. Hindi ko siya maintindihan sa gusto niyang ipahayag pero pumayag ako.

Kahit na sa ganito lang,masaya na akong makita siyang ipinagdiriwang ang kaarawan niya. At maging masaya sa araw na ito.

"Magandang gabi sa mga butihing panauhin!"umpisa ni Don dominado. Nasa entablado na siya nakatayo. Nakatingin kaming lahat sa kaniya.

Ipinakilala niya si dom na may kaarawan ngayon at may kaunti pang biro tapos ay tinawag din si cathalina bilang asawa ng anak niya. Bigla akong nakaramdam ng inis,parang gusto kong sumugod sa harap at sabihing ako si Luna! Ako ang totoong luna! Pero hindi pwede baka masira ko ang kasiyahan na hinanda para kay dom....ayaw ko namang magalit siya sakin.

Matapos ang mga sinabi ni Don dominado ay nagsiupo na ang lahat sa kani kanilang upuan. Maraming lamesa ang nakalatag,para sa mga opisyal,may kaya,mga bisitang babae at lalaki ay magkahiwalay. Nakahiwalay naman ang upuan naming magkakaibigan. Malapit sa hardin upang hindi masyadong maingay.

Nakakaindak ang bawat musika sa loob,may mga maestra ding tumutugtog ng piano upang mas maging magara ang pagdiriwang. May ilan ding nagsasayaw sa loob,mga magkasintahan ang lahat kaya di na ako nagbalak pa.

Apat pa lang kami ang narito s ama habang lamesa. Katapat ko si Antonio na nagpapanggap din bilang don at si Gracia na tila kinikilig ngayon. Panay kasi ang takip ng pamaypay sa ibabang mukha niya.

Katabi ko naman si justine. Kinakausap niya ako kanina pero puro tango lang ang sagot ko. Nainip na siguro siya kaya tumahimik na lang at kumain.

"Magandang gabi sa inyo!"napalingon ako ng marinig ang tinig ni dom. Sumilay sa mga labi ko ang ngiti ng makita siya pero agad din iyong napawi nang makita si cathalina na parang higad kung makakapit kay dom. Nakasunod naman sa likuran nila si Diego.

Umupo sila katabi nina Antonio. Kaharap namin sila ngayon. Tumabi naman si Diego kay justine. Nagkatinginan kami dom pero ako na ang unang umiwas. Kumikirot na naman ang puso ko.Nakakainis!

"Marami palang kaibigan ang aking asawa hindi ko manlang nalalaman"umpisa ni cathalina. Nangiti siya sa amin kaya ngumiti ako ng pilit.

"Hindi ba naikuwento sayo nang iyong ASAWA?!"pagdidiin ko sa salitang asawa. Umiling namn siy bilng sagot. Nakuha niya pang ngumiti sa akin na mas nagpakulo ng dugo ko.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon