[chapter 2]
"Mona,hey! Naririnig mo ba kami?"tanong ni Shara habang winawasiwas sa mukha ko ang kamay n'ya kaya naman natauhan ako. Na sa room kami ngayon at wala kaming teacher ngayon kaya may oras para magdaldalan.
"Huh? May sinasabi kayo?"wala sa sarili kong tanong.
"Wala naman. Napansin lang kasi namin kanina ka pa tulala d'yan may problema ka ba?"tanong ni shyla kaya umiling ako.
"Kung wala eh ba't ganyan kinikilos mo?"tanong ni Shara at tumayo pa sa upuan n'ya. OA talaga 'to lagi.
"Wala nga! May napanaginipan lang kasi ako,"sabi ko at kinuwento sa kanila ang huli kong natandaan sa panaginip ko. Medyo wierd nga lang.
"Hindi ka na dapat pang mabuhay.Ang lahat ng saiyo ay sa akin !!sa Akin lang !!"sabi ko with action na parang kontrabida sa palabas.
"Grabe naman yun Sis? Ang sama nung girl na yun huh. Ang tanong natandaan mo ba ang mukha?"tanong ni shyla pero umiling lang ako. Hindi ko talaga nakita yung mukha nung babaeng 'yon sa panaginip ko masyadong malabo.
"Hay naku! Wattpad pa Sis saka nagpa paniwala ka sa panaginip 'e hindi naman 'yon magkakatotoo,panaginip lang 'yon,"sabi ni Shara kaya na pa isip ako. Tama,panaginip lang 'yon hindi magkakatotoo .
"May tanong ako. May nabalitaan ba kayong lumubog na isla dito sa Cavite noong panahon ng Kastila?"tanong ko sa kanila pero umiling lang silang dalawa.
"Sandali search ko,"sabi ni shyla kaya tumango ako .
"Saan ba galing 'yang sinasabi mo, Mona?Wala namang islang lumubog sa pilipinas,"tugon ni shara sabay kain ng hawak n'yang tinapay.
"Antlantis lang ng san juan sa mindanao ang nawawala, mona,"sabi ni shyla kaya nagmadali akong tumingin sa cellphone ni shyla. Wala ngang ganung lugar.
"Oo nga pero bakit sabi n'ya meron ?"tanong ko sa sarili.Kung wala sa history ng pilipinas posibleng nagsisinungaling si mang islaw o baka naman nagsasabi s'ya ng totoo at nabura lamang ito sa isipan ng mga tao.
*****
"Nakauwi na ako." Matamlay kong sabi pagpasok pa lang sa bahay.
"Nandiyan ka na pala,maghugas ka na ng pinggan." Bungad sa'kin ni mama. Haisyt! Kaya pala ang tamlay ko 'e. Ibang klase talaga 'tong nanay ko kakarating ko pa lang at saka 'di pa ako kumakain ako na agad maghuhugas.
"Ma,naman 'e! Nasaan ba yung dalawa kong kapatid? Sila dapat maghugas n'yan." Pagmamaktol ko .
"Wala sila umalis kasama ng papa mo,"tugon ni mama at pumuwesto sa upuan sa sala para manood.
"Wala bang pasok ngayon si papa? "tanong ko at tumango naman si mama.
"Eh bakit hindi ako sinama?"sabi ko at humarap kay mama .
"Na sa paaralan ka 'di ba?Kaya hayaan mo na lang sila...sa susunod tayong dalawa lang gagala,"sabi niya habang nanonood pa rin.
"Sabi mo yan ah,"sabi ko at tumango naman si mama.
"Maghugas ka na dun!" Ulit ni mama. Haisyt naman 'e.
"Opo kainis, "bulong ko sa sarili at nagsimula ng maglakad papunta sa nag-aabang sa'kin na hugasan.
Pagkatapos ko maghugas nagbihis na agad ako, gusto kong bumisita muna sa sementeryo para naman may makausap ako 'di ba? Ayaw kong mauutusan na naman ni mama haiyst.
"Mang islaw...hello...mang islaw!"Gulat ko kay mang islaw. Hindi na kasi nakagalaw matapos kong ikuwento sa kanya yung panaginip ko. Akala ko nga matatawa lang s'ya 'e.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
HistoryczneNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...