[Chapter 25]
Madilim na sa paligid at oras na para matulog kami ngunit mas pinili ko munang manatili sa bakuran upang tanawin ang buwan na kalahati ang hugis.
Napangiti ako habang tinititigan ko ito. Kahit kalahati man siya ngayon,darating ang panahon na mabubuo siyang muli kahit ano man ang mangyari.
"Gustong gusto mo talaga titigan ang buwan"na paurong ako ng upo dahil sa pagdating ni Gracia. Tumabi siya sa akin at tinanaw din ang buwan.
"Akala ko ba ay matutulog ka na?"tanong ko rito at muli na naman siyang napabuntong hininga.
"May problema ka ba?"tanong kong muli ngunit umiling lang siya at sinipa ang lupa.
"Bakit ganoon si Antonio?"napatingin ako sa kaniya. "Ah-wag mo na iyong sagutin"bawi niya at muling sinisipa ang lupa.
Naalala ko kanina nung pauwi kami galing sa palengke,bigla na lamang nagbago ang ugali ni Antonio at iniwan pa kami.
Naglalakad na kami paalis nang makaalis na ang luisito na kausap kanina ni Gracia. Bigla naman lumapit sa amin si Antonio at padabog na binigay kay Gracia ang bitbit na bayong.
"Ikaw na ang magbuhat niyan!...kaya't mahina ang pangangatawan mo sapagkat hindi ka nagbubuhat nang mabigat"inis na wika ni Antonio at walang ano ano ay lumayo sa amin at naunang maglakad.
Nagtataka namin siyang tinignan ni Gracia ngunit hindi parin lumilingon sa amin si Antonio. Nagbabaka sakali kasi kami na nagbibiro lang siya ngunit nagkamali kami.
Hirap namang binuhat ni Gracia ang bayong na nilagyan ng mga gulay kaya tinulungan ko na lang siya sa pagdadala.
"Anong nangyari sa lalaking iyon?"tanong ni Gracia sa akin kaya muli akong napatingin kay Antonio na maangas pang naglalakad.
Napangiti ako sa naisip dahil mukhang nagseselos siya sa lalaking kausap ni Gracia kanina. Haiyst,pumapagibig na ang dating misteryosong insik.
"Magtapat ka nga sa akin..."basag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
"Ano iyon?"
"Sino ang luisito na kausap mo kanina?"tanong ko rito na nagpa bigla sa kaniya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya ngunit umiiwas lang siya.
"May iba pa bang dahilan kung bakit pumayag ka sa gusto ni señor Adonis?"dagdag ko pa. Hindi na siya makatingin ng diretso sa mga mata ko at nanatili siyang nakayuko.
"S-si luisito Brillantes. Anak siya ng kaibigan ni ama mula sa Europa....at tama ka,may iba pa akong dahilan kung bakit ako narito ngayon"seryoso niyang saad.
"Sabihin mo lang makikinig ako"saad ko at hinagod ang likod niya.
"Nung araw na dumating si luisito sa aming tahanan ay inanunsyo ng aming mga ama na itinakda kaming ikasal..."
"Hindi ko alam ang aking gagawin sapagkat hindi ko naman siya iniibig..."malungkot niyang sambit.
"Bakit...may nagmamayari na ba ng iyong puso?"tanong ko na ikinagulat niya. Ngunit tumango naman siya at sumulyap sa paligid.
"Oo, kung kaya't laking pasasalamat ko kay señor Adonis na matanggap ang kaniyang alok. kaya't hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin iyon at agarang pumunta rito...upang makalayo sa itinakdang kasal na iyon"muling nabuhayan siya ng loob ngayon at halata s a mga mata niya ang tuwa.
"Ngunit hindi ko inaasahang narito siya at magkikita kami...Luna,natatakot ako na baka ituro niya kay ama kung na saan ako"pinakalaman ko siya dahil para na naman siyang magwawala.
BINABASA MO ANG
We meet again, Binibini.
Historical FictionNaniniwala ka ba sa ikalawang buhay? Kung gayon. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Mona C. Aragora. Isang simpleng babae na namumuhay sa kasalukuyan. Babaeng nangangarap lamang na makapunta sa nakaraan niyang buhay. Na alam niyang imposible. Pero pa...