Kabanata 18

27 1 0
                                    

[Chapter 18]

Merkules ng napagkasunduan namin ni dom ang plano at tatlong araw na ang lumipas,anim na araw na lang ang natitira araw para pigilan namin ang kasal. Nakipagtulungan na ako kay dom na ayusin ang sinasabi niyang itinakdang istorya ng buhay rito kung kaya't ngayon araw na ito ay pupunta ako sa Hacienda cristobal para ipaalam kay binibining Luna ang planong pinagusapan namin ni dom. Alam kong hanggang ngayon ay nagluluksa iyon dahil natigil ang kasal ng kaniyang minamahal.

Nasa tapat na ako ng gate ng Hacienda at kinakausap ang mga taga bantay,nakapangbabaeng suot na rin ako. "Pakiusap,papasukin n'yo ako nais ko lamang makausap si binibining Luna"pakiusap ko sa mga taga bantay,ayaw nila akong papasukin dahil iyon daw ang utos ng mga cristobal.

"Hindi po maaari binibini siguradong kami ang malilintikan kung magpupumulit ka pang pumasok"saad ng payat na taga bantay,yumuko naman ako at kunwari ay matamlay hanggang sa magpumilit akong pumasok sa gitna nila ngunit nahuli naman nila ako at pilit na pinapalabas.

"P-papa-sukin n'yo a-ko"pagpupumilit ko ngunit di talaga nagpatalo ang dalawa.

"Anong kaguluhan ito!?"sigaw ng kung sino na naging dahilan ng pagbitaw sakin ng dalawang tagabantay at humarap ito sa babaeng naglalakad palapit sa amin.si doña Patricia.

"Nagpupumilit po kasing pumasok ang binibining ito"saad ng matabang taga bantay na nakatayo at nakatayo ng tuwid ngayon.

Napatingin naman sa direksyon ko si doña Patricia kaya napalunok ako. "Binibining-bakit kayo narito?"gulat niyang tanong na para bang nakakita ng multo,kumunot namn ang noo ko saka humakbang ng kaunti palapit sa kaniya.

"P-patawarin n'yo po ako sa mga kasalan ko,h-hindi ko po g-ginusto ito"nagsusumamong saad ni doña Patricia at lumuhod pa sa harapan ko,nagtataka ako dahil patuloy parin siya sa paghingi ng tawad sakin kaya umupo ako at inabot ang balikat niya para itayo muli.

"Ano po bang kasalanan ang sinasabi n'yo?"tanong ko na ipinagtaka naman ngayon ng mukha niya. "Wala po akong maalala na ginawa niyong kasalan"muli siyang nagtaka at napabitaw sa kamay ko.

"W-wala kang m-maalala?"utal niyang tanong at tumango naman ako bilang sagot,biglang nagbago ang reaksyon niya at pinagpagan ang kaniyang sarili saka tumayo ng maayos at taas noong tumingin sakin.

"Kung gayon ang kailangan mo sa aking anak?"tanong niya,tumikhim naman ako saka muling nakiusap. "Humihingi po ako ng tawad sa pagbawi sa kasiyahan ng inyong anak"sana naman ay tanggapin niya ang paghingi ko ng tawad.

"Pinapatawad ka na ng aking anak"saad niya na ikinatuwa ko at napalundag pa. Napangiti naman si doña Patricia ng pilit. "Maaari ka ng umalis"dagdag niya pa saka tumalikod ngunit agad ko namn siyang pinigilan at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay,napalingon namn siya ng nakakunot ang noo sakin.

Biglang nanlabo ang mata ko habang hawak ang kanang kamay ni doña Patricia pilit akong tumingin sa kaniya at may naririnig akong nagsasalita sa paligid.

"Humanda ka na sa iyong kamatayan!" Sigaw ng babaeng bigla na lamang lumitaw sa harapan ko.  Napabitaw ako sa pagkakahawak kay doña Patricia mamukhaan ko ang babaeng kaharap ko ngayon.

"D-doña p-Patricia?.."si Doña Patricia ang babaeng sumulpot sa harapan ko at tumawa ito ng malakas,sumasakit na ang ulo ko sa mga naririnig ko wala na rin akong makita sa paligid.

Bumalik ako sa realidad ng maramdaman kong tinapik ang balikat ko,napahawak naman ako sa ulo ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko marami na naman akong naaalala na kung ano.

"Ayos ka lang ba binibining AGUA?"tanong ni doña Patricia sakin at madiin n'ya ring binigkas ang pangalan ko.

"O-opo"sagot ko,hawak ko parin ang noo ko at hinihilot ito dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Nais mo bang pumasok muna sa loob?"tanong muli ni doña Patricia ngunit umiling ako at humakbang na paalis,parang may masamang mangyayari sa akin kung sakaling magtagal pa ako.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon