Kabanata 34

17 2 0
                                    

[Chapter 34]

Hating gabi na. Tumakas ako sa bahay at nagtungo sa gubat kung saan nakita kong muli si dom. Nakatalukbong ako ngayon ng itim na tela. Suot ko rin ang baro't saya na kulay puti. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang naglalakad patungo sa tabing ilog ng gubat.

Matapos kasi ang gabing iyon. Hindi ko na nagawa pang alisin sa isipan ko ang itsura at sinabi sa akin ni dom...

"Dalawang gabi lamang ang lumipas..ngunit tila marami na agad ang nagbago sa iyo.."napatulala ako sa kaharap ko. Sa kaniy nanggagaling ang tinig ni dom.

"Paano mong nakakaya na pumatay ng hindi nagdadalawang isip?"patuloy niya. Napayuko na lamang ako at muling tumingin sa suot niya.

Luntiang baro't saya at puting alampay ang suot niya. Pati na ang kolarete sa mukha niya ay napaka kulay. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o madidismaya sa sarili dahil nakita niya akong pumatay?

"I-ikaw yung..yung babae sa abandonadong mansion ng cristobal?"tanong ko rito. Nagtataka niya naman akong tinignan.

"Paano mo nalaman?"

"A-ako yung lalaki na nakita mo dun.."saad ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Kaya pala mabilis niya akong nasalo nun at parang wala siyang pake kung malapit man siya sa lalaki dahil siya pala iyon.

Nagtaka ako nang matawa siya. Napasimangot naman ako. Kanina lang pinapagalitan niya ako tas ngayon tatawa tawa siya?

"Napakaliit talaga ng mundo para sa atin..."natatawa niyang saad. Aangal pa sana ako pero nagulat na lang ako na niyakap niy ako ng mahigpit.

"Kaya pala nagiba ang reaksyon mo nang ipakita ko ang larawan mo sa papel.."bulong niya sakin. Mas humigpit ang pagkakayakap niya kaya tumugon na rin ako.

Ang bango niya. Parang amoy rosas ang buong katawan niya. Napapikit na lang ako habang dinadama ang pabango niya.

Wala pang ilang segundo nang bigla niya akong hilahin palayo sa kaniya. Nagtataka kong tumingin s a kaniya. Ang sama  na ngayon ng mag titig niya sa akin. Parang sinasabi nitong 'malaki ang kasalanan ko'.

"Hindi mo pa nasasagot ang mga tanong ko.."nagtaka ako at inisip kung ano bang tinanong niya. Napatingin ako sa limang tao na nagawan ko ng kasalan.

Tinitigan ko ang kanan kong kamay na may bahid ng dugo. "Ganyan ba ang tinuturo nila sa iyo sa samahan?"tanong niya. Umiling ako bilang sagot. Walang kinalaman ang pagtuturo nila sa akin na lumaban. Ang problema ay..ang damdamin kong hindi mapigilang maghiganti.

"Kasapi sila ni cathalina..gusto nila akong mapatay"tugon ko. Naramdaman ko ang pagbitaw ni dom sa balikat ko.

"Yung tatak sa dibdib nila..simbolo iyon na kasapi sila ng samahan ni cathalina...ang samahang tumutugis sa pagkatao ko at pamilya namin.."hindi ko na napigilan pang ilabas ang lahat ng galit sa puso ko. Galit na nagbabalik at nagsisimulang bumuo ng kaisipang paghihiganti.

"Pero hindi makatarungan ang ginawa mo sa kanila. Napagutusan lang sila at siguradong hindi nila gusto na pumatay.."paliwanag ni dom. Naramdaman ko muli ang kamay niya sa pisngi ko.

Tumingin ako sa mga mata niyang nangungusap ngayon. Sa bawat tingin niya tila pinaparamdam niya sa akin na mali ang ginawa ko. Maling pumatay ng tao sa maling dahilan.

"Maaari ba sa huling pagkakataon. Hayaan mo akong samahan kang lumaban sa pamamagitan ng katarungan at Hindi ang dahas?.."

"Hayaan mo akong tulungan kang mabawi ang lahat? Upang makabawi man lang ako sa kasalanan kong hindi ka pinaniwalaan noon.."patuloy niya. Hindi ko namalayang umaagos na naman ang mga luha ko.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon