Kabanata 17

27 1 0
                                    

[Chapter 17]

Dala ko na ang pagkain at ngayon nakatayo ako sa harapan ng pinto ng silid ni dom. Nagdadalawang isip pa ako kung kakatok ba ako o hindi pero bigla akong nagulat ng may malakas na kung anong bagay ang bumagsak sa silid ni dom. Nilapit ko ang tenga ko sa pinto at pinapakinggan kung anong ginagawa niya.

"damn!nabago ko ang kuwento! Hindi ko na alm ang gagawin!ano ba itong nagawa ko!?"sigaw ni dom at muli na namang may bumagsak, gumamamit ba ng salitang ingles si dom? Pero paano nya...

"arggg!hindi ko na alam kung paano ibabalik sa tamang kuwento ang lahat"sigaw muli ni dom at muli na namang may bagay na bumagsak. "i'm so sorry dom rafael"rinig ko pang sambit niya, bakit sya humihingi ng tawad sa sarili nya? Teka ano bang...

"pumasok ka na at pakalmahin mo"nagulat akong napalingon sa likuran ko nang makita kong nakatayo roon si lola rafaela at may hawak itong baston.

Humarap ako sa kaniya at tumingin sa dala kong pagkain. "hindi bat mahal mo siya? Kung mahal siya ay kaya mo siyang patahanin"saad ni lola rafael at tumango naman ako saka nagbigay galang. Nagising siguro sya sa ingay na ginagawa ngayon ni dom.

Huminga muna ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses saka ko binuksan ang pinto at sumilip.

"Ikaw na ang bahala sa iyong asawa"sambit ni Lola kaya nagtataka na namn akong tumingin sa kaniya,asawa agad? Di pa nga kami kasala. Nginitian niya lang ako saka tinulak ako papasok sa loob at agad niya yun sinara.

Pinilit kong buksan ang pinto ngunit hindi na mabuksan. Napalingon ako sa kinauupuan ni dom at nakita kong ang kalat ng buong silid niya halos lahat naka tumba dagdagan pa ang matalim niyang tingin sakin parang gusto niya akong ibaon sa lupa ng buhay.

"Lola! Palabasin n'yo po ako rito pakiusap"natataranta kong sambit at pilit na hinihila ang pinto ngunit hindi talaga mabuksan. Biglang tumayo ang balahibo ko ng tumayo si dom at dahan dahan itong lumapit sa akin,my God ayaw ko pang mamatay.

"Anong gingawa mo rito?"seryoso niyang tanong,napalunok naman ako sa kaba at binaba muna sa katabing mesa yung pagkain na dala ko baka kasi matapon sayang naman.

"D-Dinalhan ka ng p-pagkain"nanginginig kong sambit,ngayon ko lng napansin na mukha pala talaga syang Amerikanong Koreano ang angas tignan lalo na pag seryoso...ay teka ano ba tong iniisip ko shemsss..

"Umalis ka na rito!"sigaw niya sakin kaya napapikit ako sa inis,hindi niya ba ako nakitang pinipilit kong Buksan yung pinto kanina? Haiyst

"Alam mo! Dapat ako yung galit dito at isa pa hindi ka ba nahihiya ang kalat ng silid mo saka kumain ka na dahil ako ang mapapagalitan sayo!"inis kong bulyaw sa kaniya at tinulak tulak ko siya hanggang sa matumba sya sa higaan.

Kinuha ko ang pagkain at inabot sa kaniya yun. "Kumain ka dahil sa ginawa mo na sinisisi mo sakin kailangan nating panindigan"saad ko at kinuha niya naman ang tray na hawak ko saka nameywang sa harapan niya.

"Ikaw na ang kumain!"sigaw na namn niyang muli at binigay sakin ang tray. Binalik ko naman sa kaniya yun at hindi namn sya nagpatalo tinulak niya rin sakin.

Naiinis na ako ah "ano bang nangyayari sayo ha!"bulyaw ko sakaniya at napatigil namn siya, binalik ko na lang ulit sa maliit na mesa ang tray na may pagkain saka muling tumingin sa kaniya.

"Nakakainis nabago ko ang lahat ng kuwento,hindi dapat ganito ang mangyayari"Bulong niya na para bang nababaliw na,ano bang sinasabi niyang kuwento bakit parang masyado namn niya atang dinaramdam...author ba sya?

"Kailangan kong ibalik ang lahat sa tamang ayos,paano na"maguguluhan niyang sambit,napapasabunot pa siya sa sarili niya. Umupo ako sa katabi niya at saka huminga ng malalim.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon