Kabanata 10

44 1 0
                                    

La islas Filipinas
Isla aparecio.

Maaga kaming umalis ni Antonio sa bahay at sa bahay nga siya na tulog kagabi,hindi na siya umuwi dahil ayaw niyang magalala ang kaniyang ina na insik sa nangyari sa kaniya at isa pa baka balikan siya ng mga bumugbog sakaniya nung gabi.

"Hindi mapaghahalataang isa kang binibini dahil mas gwapo ka pa sa aming tatlo ni señor dom"natatawang saad ni Antonio habang naglalakad kami patungo sa klinika at malapit na kami rito ng madaanan namin ang hardin na puno ng iba't ibang kulay ng bulaklak.

"Maaari ba tayong pumasok dun?"tanong ko at hindi inaalis ang tingin sa hardin.

"Maaari naman ngunit mas maganda kung ang iyong kasintahan ang iyong isama sa pagiikot sa loob kaya't huwag ka ng magbalak na pumasok,sapagkat wala ka namang kasintahan"sambit niya kaya napangiwi ako. Parang sinasabi niyang wala talaga akong jowa tsk,parang mag iikot lang namn.

"Kung ayaw mong sumama mabuti pa mauna ka na"inis kong sambit at diretsong pumasok sa hardin.

"Napakabilis mo talagang mainis,Ako'y nagbibiro lamang"habol niya at sumabay sakin sa paglalakad kaya binilisan ko pa ang paglalakad para mapagod siya kainis eh.

"Ni hindi ka pa nga nagpapasalamat sa akin na nailigtas kita kagabi sa mga lalaking iyon"bulyaw ko sa kaniya,narinig ko namang tumawa siya.

"Hindi ko naman kailangang magpasalamat sapagkat gayon rin ang aking gagawin kung sakaling may mabugbog man ako at biglang may dumating"sambit niya ngunit hindi ko naintindihan.

"Ibig kong sabihin ay kailangan nilang itago kung sino sila kung kaya't nagpatalo na lamang sila saiyo kagabi"natatawa niyang sambit kaya inirapan ko nalamang siya.

"Napakabilis mo naman maglakad,magdahandahan ka nga"angal niya ngunit hindi ako nagpatinag,naglakad pa rin ako ng mabilis hanggang sa may bigla akong narinig na tumutugtog kung kaya't napatigil ako.

"Bakit?"tanong ni Antonio.

"Naririnig mo ba iyon?"tanong ko at pilit na hinahanap kung saan galing yung musika.

"Ang alin?"takang tanong ni Antonio.

"Hindi mo ba naririnig?"tanong ko

"Ang alin ba?"tanong niya muli sakin na ipinagtaka ko, hindi niya ba talaga naririnig o niloloko lang ako nitong ni Antonio...eh napakalakas ng tunog ng musika ng gitara.

"Pinagloloko mo ba ako? May tumutugtog ng gitara"pagpupumilit ko sa kaniya pero puno ng pagtatanong ang kaniyang mukha.

"Wala akong naririnig na tugtugin abrique"seryoso niyang sambit,bigla akong kinabahan sa pagtanggi niya,kung gayon ako lang ang nakakarinig ngunit bakit??

Nagpasya ako na hanapin na lang ang naririnig kong tugtog at sumusunod naman si Antonio sa likuran ko. Hindi ko rin alam itong pakiramdam na ito kinakabahan ako at naiiyak dahil sa lungkot ng musikang damang dama ang bawat nota.

"Abrique saan ka ba tutungo?"tanong ni Antonio,hindi ko na lang siya pinansin ng mapansin kong may tao sa likod ng puno at nakaharap ito sa ilog mula sa malayo,hawak niya ang gitara at may katabi itong isang babae na nakasandal sa kaniyang balikat.

"Ah g-ginoo"tawag ko rito ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pagtugtog kung kaya't mas minabuti kong lumapit na rito.

"Ano bang ginagawa mo?"pigil sa akin ni Antonio.

"Kakausapin ko lamang sila"sambit ko na ipinagtaka ni Antonio.

"Sinong sila?"tanong niya kaya tinuro ko ang puwestong inuupuan ng dalawa ngunit nagtataka pa rin si Antonio.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon