Kabanata 7

60 2 0
                                    

[chapter 7]

"Nasaan si agua?"rinig kong tanong ng boses babae,natutulog pa rin ako ayaw ko pang bumangon dahil inaantok pa ako.

"Natutulog pa siya mahal"sabi pa ng lalaki.

"Gising n'yo na siya at aalis na kami"rinig kong sabi ng babae kaya napabalikwas ako ng gising.

"Oh gising na pala si ate,ina"sigaw ni Protacio kaya agad na nagsipasok sina manang Biday sa kwarto ,ba't nandito siya?

"Mag ayos ka na at pupunta na tayo sa Hacienda Hernandez"sabi ni manang Biday kaya tumayo na ako pero bago pa yun biglang may kumatok sa pinto.

"Ako na ang magbubukas"sambit ni mang islaw at lumabas na para buksan ang pinto naiwan rito si manang Biday at si Protacio.

"Bilinda! Mahal! Narito si señor Adonis"tawag ni mang islaw kay manang Biday mula sa pinto. Kaya pati ako ay napalabas ng kwarto dahil sa kaba bakit nandito si justine?

"Magandang umaga po manang bilinda at mang islaw,saiyo rin binibini at munting ginoo"bungad ni justine samin na may ngiti.

"Sayo rin ginoo"sagot ni manang Biday.

"Ano pong ginagawa n'yo rito?"tanong namn ni mang islaw kay justine.

"Ah nais ko lang po sanang sunduin ang magiging katuwang ko po sa klinika ni tiyo"sagot ni justine na ipinagtaka naming lahat.

"Sino namn señor?"takang tanong ni manang Biday .

"Ang munting binibining ito po manang,hindi po ba ay magiging kasambahay siya? Kung kaya't mas mabuti ay sakin na lamang siya manilbihan,maaari po ba iyon?"paliwanag ni justine.

"Ngunit señor sa Hacienda siya maninilbihan"saad ni manang bida.

"Pumayag na po si tiyo sa aking disesyon manang"sambit ni justine,nagpapalit palit lang ako ng tingin sa kanila hindi alam kung sino ang mananalo.

"Kung gayon pumayag na pala di Don dominado? Ngunit kung sa klinika maninilbihan si agua wala naman siyang maitutulong sapagkat hindi siya marunong sa panggagamot"saad naman ni manang Biday at pinipilit na doon ako sa Hacienda at hindi sa klinika haiyst.

"Huwag po kayong magalala matiyaga ko po siyang tuturuan"nakangiting saad ni justine,napabuntong hininga na lang si manang Biday.

"Totoo ba ang aking natinig? Ang munting si Adonis na tamad maghintay at nakukuha ang gusto ay matiyaga na ngayon?"pang aasar ni manang Biday kay justine.

"Manang naman"angal ni justine kaya natawa kami,para siyang bata na nabuking sa kasalan.habang tinitignan ko sila parang matagal na nga silang magkakilala at kilala na ang ugali.

"Oh siya! May tiwala ako sa iyo basta't bantayan mo itong alaga namin,nag iisang dalaga namin iyan diba anak?"natatawang saad ni manang Biday,nabigla ako ng bigla niya akong tawaging anak pati sina mang islaw ay natahimik.

"O-opo ina"utal kong sambit,hindi ko maintindihan pero parang sa panahon na ito nakahanap akong ina na katulad ng nanay ko.

Makalipas ang usapang iyon napapayag namin si manang Biday at kasalukuyang nasa klinika ng mga Hernandez na kami ngayon at nakasuot na namang muli ako ng pang lalaking damit ,yung klinika malapit sa paaralan isala aparecio sa tabi ng ilog.

"Mula ngayon ang magiging pangalan mo ay abrique Santos"sambit ni justine saka ay inabot sa akin ang ID at sedula na may pangalang abrique santos.

"Saan galing toh?"takang tanong ko.

"Hindi na mahalaga iyon"sagot niya at lumabas na ng klinika kaya sinundan ko siya.

"Saglit lang! Saan na naman ba tayo pupunta?"tanong ko habang hinahabol siya,ba't ba ang bilis niya maglakad.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon