Bilog ang maliwanag na buwan sa kalangitan,habang kumukutikutitap ang mga nagraramihang bituin. Malamig ang malakas na simoy ng hanging nagmula pa sa karagatan patungo sa kabundukan na dahilan upang magsayawan ang mga puno sa kagubatan. Agaw pansin din ang liwanag ng mga alitaptap na namumugad sa bawat punong nakatayo sa pagitan ng tubig dagat at lupain ng baybayin. Malalaki ngunit banayad lamang pakinggan ang magkakasunod na hampas ng alon sa dalampasigan.
Isang matahimik na gabi,ngunit natagpuan ni Manggagaway ang sarili na pagmasdan ang tagpo ng dalawang magkaibang uri ng nilalang sa ilalim ng mapayapang kalangitan.
Samantalang sa unang pagtatagpo ay agad na nahalina ang diyos ng tubig na si Lakandanum sa dalagang tumawag sa kanya,nagtataglay ang babae ng natatanging ganda.
"Kay ganda ng iyong buhok." Iyon ang unang sambit ni Lakandanum sapagkat nagliliwanag at nagniningning iyon sa pagtama ng liwanag ng buwan. Nasa ibabaw ng tubig nakatayo si Lakandanum habang si Hukluban ay nakalusong ang paa sa tubig na hanggang tuhod pa niya lamang.
"Ito'y sa akin lamang natatangi." Napangiting wika ni Hukluban sapagkat may katangian siyang nabigyan pansin ng kanyang hinahangaang nilalang.
"Pakiwari ko ay hindi ka tagalupa babae,at hindi ka rin tao. Ano ang iyong nais?"
"Ako ang isa sa mga alagad ni Sitan. Ang pangalan ko'y Hukluban."ika ni Hukluban,ngunit hindi agad nakakibo ang diyos ng tubig sapagkat sa likod ng isipan nito ay alam niya ang batas sa magkaibang panig. Kaya't narito ba ang Hukluban para wakasan ang buhay niya? Naging mas alisto siya't binigyang babala ang kanyang sarili subalit mapanganib ang nilalang na nasa kanyang harapan.
"Nais ko lamang ipagtapat sa iyo diyos tubig ang aking tunay na pagibig."wika ni Hukluban nang mapagtantong nagiba ang hampas ng alon sa kanyang mga paa. Narinig niya ang pagtawa ng lalaki. Ito'y hindi pinaniniwalaan ang kanyang taos pusong pagtatapat dito ng kanyang pagibig.
"Hindi maaring umibig ang nilalang na tulad niyo,lalo na nilalang na kapanalig ni Bathala na lubusang nagmamahal din sa sangkatauhan." Alam ni Hukluban iyon,ngunit iba ang sinisigaw ng kalooban niya na para bang siya'y malalagutan ng hininga kung itong nararamdaman niya'y itatago pa.
"Kung nais mo ng patunay ay handa akong ibigay sayo ang aking puso."
Sa isang iglap ay lumabas ang mahahaba at matitibay na kuko ni Hukluban,agad niyang ibinaon ang mga iyon sa kanyang dibdib at pinitas ang kanyang puso. Laking gulat ni Lakandanum ng iabot ng Hukluban sa kanya ang puso nito. Naging normal na kamay ng tao na muli ang kamay nito na parang isang prutas na iniaalay sa kanya ang puso nitong kasalukuyan paring tumitibok.
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Historical FictionShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.